The Project Gutenberg eBook of Masakím This ebook is for the use of anyone anywhere in the United States and most other parts of the world at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this ebook or online at www.gutenberg.org. If you are not located in the United States, you will have to check the laws of the country where you are located before using this eBook. Title: Masakím Author: Andrés Pascual Release date: May 14, 2006 [eBook #18386] Language: Tagalog Credits: Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders at http://www.pgdp.net Para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino. *** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK MASAKÍM *** Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders at http://www.pgdp.net Para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino. [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] =Colegio "LA JUVENTUD"= _Plan de Ensenanza adecuado al del Gobierno._ Bajo la direccion del Prof. =Perfecto del Rosario. MORIONES, TONDO.--MANILA= * * * * * =Estudios de Primary school, Intermediate y Secondary y Especiales de Peritaje Mercantil, Mecanico y Agrimensor. Reciben internos, medio-internos y externos.= * * * * * =Ang GAWAAN NG GUITARRA= _ni Pedro Buencamino. Calle Dulumbayan Blg. 139._ * * * * * Ay gumagawa ñg sarisaring instrumento de cuerdas at nagbibili ñg ibat ibang cuerdas sa mababang halaga. =Aklatang "HANTIK" ni J.D. Ampil at ka.= * * * * * =¡¡¡MASAKÍM!!!= sinulat ni =Andrés Pascual= UNANG PAGKALIMBAG =NAVOTAS, RIZAL. K.F 1910. Limbagan ni MANUEL MIRANDA= Daang San Jacinto Blg. 50 * * * * * ="LA UNION" SOMBRERERIA RELOJERIA AT PLATERIA Mga kasankapan ukol sa mga babae at lalaki; gaya ng Tsapin, Kuello, Punos, Korbata at iba pa. Aring tunay ng kalahi. A. RIVERA Rosario, blg. 81 Maynila K. P. May malaking pagbabawas sa pakiawan.= [Larawan] =I. SINO KA?= Hating gabi, madilim, ang m~ga dahon n~g halaman ay nan~gakayuko, ang m~ga ibon ay di man lamang humuhuni, sa m~ga hayop mula sa kanikanilang himlayan ay walang maririnig na kahit isang putól na un~gol man lamang, ang m~ga ka-awa-awang mangagawá sa paghanap n~g ipagtatawid gutom sa boong maghapon ay payapang payapang nan~gagpapahin~galay, ang m~ga hapó at n~galáy nilang bisig sa pag-gawá ay inihahanap n~g panibagong lakás, lahat ay tahimik at waring ipinaghehele n~g m~ga walang patlang at malalaking patak n~g ulan, n~gunit, sino yaon?....... isang maitim na aninong naglalagos sa isang makipot na daan! naglalamay at sinasamantala ang gayong kalaliman n~g gabi! sino?...... Pumasok sa isang bakuran, yumuko at sumoot sa silong na pantay balikat n~g isang bahay na may pangkaraniwang laki. Makaraan ang m~ga ilang sandali ay huminto ang ulan, nagliwanag at ang lan~git ay biglang nasabugan n~g m~ga maliliit na mata ni Bathala, noon m~ga nag-anti-antilaw na bituing nakamamalas n~g m~ga lihim na gawa at pangyayari sa boong magdamag. Di kaginsa ginsay anasan ang nadinig: --Sino ka?...ang tanong na mula sa itaas. --Ako ... ang sagot naman. --Sinong ikaw? --Ako, ang iyong minamahal. --Peping! --Delang! --Bakit ka naparito? --Ayaw ka bang pumarito ako? --Hindi. N~gunit baka magising sila ay ikaw din ang inaalaala ko, di ko matitiis ang mangyayari sakaling maramdaman ka. At bakit ka nagpapakapuyat ay mayroong _clase_ kayo bukas? --Huag kang malakas magsalita at baka n~ga sila magising, manaog ka at dito tayo sa halamanan mag-ulayaw, dali na, at dito mo ipalasap ang matatamis mong pagmamahal at gagantihin ko n~g m~ga sariwang ala-ala. --Baka sila magising?.... --Hindi. Makaraan ang m~ga ilang mabayanad na yatiit n~g sahig ay nabuksan ang tabing n~g pinto at sa susun~gaw ang ating binibini; maputi at wari'y isang tala na pan~ginoon n~g ibang m~ga bituin sa kaningnin~gan kaya't walang kalulua ang di mamangha sa gayong kagandahan, at pagkapanaog sa isang hagdanang may limang baytang ay sinalubong na n~g ating binata at nagyakap ang mag sing irog ¡kay sarap na pagmamahalan! at pagkatapos maigawad n~g isá at isa ang nararapat ay nan~gagsiupo sa isang bancong kawayan na nasa ilalim n~g isang malabay na puno n~g _acacia_. --Kay tamis mong magmahal--ang pauna n~g binata. --At hangang kailan mo ako lilimutin? ang tugon naman n~g ating binibini. Di na nakuhang sumagot pa ang isa at isa at m~ga lan~gitn~git n~g sahig na muli ang narinig mulá sa itaas. --¡Nagising! ¡Nagising!--ang halos panabay n~g dalawa. Isinoot na dali dali n~g ating binata ang kaniyang _capote_ at nagkanlong sa puno n~g kahoy na nasa gawing likuran n~g kanilang pinagulayawan sa nasang makimatyag n~g m~ga mangyayari. Dahan dahang pumanhik ang binibini at pagkatapos n~g isang tanong na: "Saan ka nangaling" at sagot dian po lamang sa labas ay wala nang narinig na ano man at ang lahat ay nanauli sa dati kaya't ang ating binata'y nagtuloy n~g umuwi at naghintay na lamang n~g kinaumagahan. =II. Walang Dios? ¡Nakapangíngilabot!= Lingo. Sa isang bahay-samahan sa nayon n~g X ... ay nan~gagkakatipon na ang ilang m~ga binata ika-tatlo pa lamang n~g hapon, at palibhasay wala pa sa tadhanang ika-apat at sapagkat wala pa din naman sa tadhanang bilang n~g m~ga kasapi upang ipagsimula n~g isang pulong kalahatang idadaos nila, kayat wala pa sa kaayusan ang pagtitipon, gulong gulo, salitaan dito, tawanan doon, biruan dito at kalabitan sa kabila datapua't sa lahat n~g m~ga gayong umpukan ay nanaig ang malakas na salitaan n~g dalawa na nasa gawing dun~gawang tabing daan, kayat ang ilan sa m~ga nan~gagsisipaglakad ay nan~gapapatigil lalo na't kung mapalakas ang pan~gan~gatwiran nitong isa na tinututulang mahigpit ang pagkakaroon n~g Dios. Lahat n~g m~ga salitaan ay nan~gapatigil, lahat ay di umimik, liban sa isang nagsasalaysay n~g kaniyang m~ga paniniwala. --Walang Dios--ang ulit nito--sapagkat kung mayroong Dios ay saan naroon ang kaniyang kapangyarihan at di igawa upang ang lahat n~g tao'y papagpantay pantayin sa ibabaw n~g lupa? Saan naroon iyang Dios at natitiis ang pagkakaroon n~g m~ga may mababa at matataas na urí at kalagayan n~g taó? Iyang m~ga bagay bagay sa ibabaw n~g lupa na ating nakikita ay tinututulan kong di gawa n~g iisang Dios, sapagkat maraming m~ga halaman na tumutubo sa lupa at kung walang lupa ay wala noong m~ga halaman samakatwid ay di dahil sa likha n~g Dios, kundi dahil sa mayroong lupá. Alin~gaw-n~gawan ang nadinig pagkatapos n~g gayong pan~gan~gatuiran at m~ga nan~gananaig na tinig ang nan~gariringan n~g ganitong salita: --Walang Dios?.... ¡Nakapan~gin~gilabot! --Dahan dahan ka po ginoong Kalihim--ang sagot naman n~g Pan~galawang-Pan~gulo n~g Samahan--at ipagpatawad po ninyong sabihin ko na kayo'y nabibigla lamang n~g m~ga pan~gan~gatwiran, sapagka't ang Sanlibutan ay nayari sapagkat di maikakailang mayroon _isa_ na lumikha noon, iyang kataas taasan, iyang Dios. Maraming m~ga halaman n~ga ang tumutubo sa lupa n~gunit di dahil sa lupa lamang kung kaya sila nabubuhay sapagkat may lupa man at walang han~gin, init at tubig ay di rin sila man~gabubuhay; at sino ang lumikha n~g lahat n~g itó, gayon din ang lupang inyong binanguit? Iyang kataas taasang Dios at kung wala _nito_ ay walang anoman, sapagkat _siya_ ang lumik-ha n~g lahat n~g bagay. Ito'y di pan~garap lamang n~g m~ga na nanambahan sa katotohanan kungdi siyang katunayan n~ga. At kung walang Dios na kikilalanin ang tawo ay lalong lalala ang m~ga katampalasanan, di mananatile ang katahimikan, palibhasa'y walang kinatatakutang magpaparusa sa panahong darating. Ang m~ga magnanakaw ay di kukuha n~g ano mang di kanila kailan ma't may m~ga tawo na sa kanila'y nagmamasid, ganiyan ang m~ga tawo sa ibabaw n~g lupa na kailan ma't, walang kinikilalang Dios ay patuloy n~g patuloy ang kanilang m~ga masasamang gawa. --Mag-iikalima na n~g hapon--ang nakaputol na salíta n~g Pan~gulo sa kanilang m~ga pag-usap. --Datapuat wala pa sa takdang bilang n~g m~ga dapat magsidalo--ang sagot naman n~g isang kasanguni--lagpas na n~ga sa tadhanang oras n~gunit kaypalay wala n~g darating--ang ulit pa--iyan ang masamang hilig n~g ating m~ga binata n~gayon, isang sakit na kung di malulunasay, pagkakatandaan at isang kapintasan na naman sa ating lahi. --Ang mabuti'y magkaroon n~g kadalaan ang ating m~ga kasapi. Tayo na. --Tayo na--ang panabayan naman n~g lahat at nan~gag-alisan. =III. ¡PANGAHAS!= Sa isang bahay na malaki na nasa kabilang daan n~g kinatatayuan n~g Bahay-Samahan ay maraming tawo at buhat sa malayo'y walang madidinig kundi ang m~ga tawanan at m~ga paputol putol na salitaan, lahat ay masaya at gayon na lamang ang m~ga pinagpala ni Bathala sa kalupaan palibhasay ang m~ga gayon nilang pagtitipon ay nahihiyasan n~g m~ga tuksuhan at biruan n~g m~ga magkakasama. --Ang akala ko po'y may pulong kayo, natapos na pu ba?--ang isang tin~gig binibining nakapagpahinto sa kanilang m~ga pagkakatua. --Hindi po natuloy ah.....sapagkat tan~gi sa lumagpas na sa tadhanang oras ay wala pa rin sa takdang bilang n~g m~ga kasaping dapat magsidalo--ang sagot naman n~g ating kalihim. Kindatan, kalabitan at n~gitian na naman sa kabilang panig. --Sumagot na ang ating _candidato_--ang pasalising naibulong nitong isa sa kaniyang katabi. At pagkaraan n~g m~ga ilan pang sandaling pag-uusap ay nan~gagpaalaman na ang lahat, tan~gi ang ating binatang di man lamang natigatig sa kaniyang pagkakaupo maliban sa isang tugong "mauna na kayo." Nan~gag panaugan ang lahat at naiwan si Peping sa harapan n~g kaniyang pinipintuho, niyaong tala sa madaling araw, niyang di man dahil sa kaniyang m~ga pahiyas ay sapat n~g makatunaw n~g isang pusong bato, yumuko ang ating binata di makabata sa m~ga pasaning idinudulot sa kaniya ni Pag-ibig, n~gunit pinakapilit ding paglabanan ang lahat n~g ito, itinaas ang m~ga mata at nagsalita: --Hangang kailan pu kaya titiisin ninyo ako sa pagbabata n~g m~ga ganitong kahirapan at kulang pa pu ba ang m~ga katunayang naipamalas ko na?--tuloy dinampot ang kamay n~g kaniyang sinusuyo't ginawaran n~g isang piping bulong; ipinitlag n~g binibini ang kaniyang kamay n~gunit na huli sa panahon. --¡Pan~gahas!...¿Bakit ka malikot?--ang pabiglang nasabi n~g binibini na salamat at di nakapukaw sa pagkakatua naman n~g m~ga matatandang nasa kabilang panig n~g bahay at pagkasabi'y nalaglag ang dalawang butil n~g _perlas_ mula sa m~ga mapanhalinang mata n~g binibini at nagulap iyang maaliwalas na lan~git n~g ating binata. --Parusahan pu ninyo ako, kung ako'y nagkasala--ang patuloy ni Peping--sapagka't ang m~ga yao'y di kinusa n~g aking sarile kundi n~g isang pusong inudyukan n~g nagpipighating damdamin. Ang ating binibini'y di kumikibo kaya't sinamantala ni Peping ang panahon. --Kung inaakala pu ninyo na ang buhay ko'y katumbas na n~g nagawang kapan~gahasan narito at iniaalay ko po sa ikasisiya n~g inyong naghihigpit na kalooban, at palibhasay walá din lamang namang kabuluhan ito kailan mat api sa pag-irog, kailan mat walang aasahang balang araw ay kaisa sa lalong mataas na kapalaran, kaya't, inihandog ko na upang una'y n~g wala n~g Peping na gagambala pa at ikalawa'y n~g wala na namang Peping na nag babata pa n~g m~ga kahirapan. Halos madurog ang puso n~g binibini sa ganitong m~ga pag mamaka-amo n~g binata, kayat napilitan ding itaas ang kaniyang m~ga matang pinapun~gay n~g dalamhati at nagbigkas: --Kayo po'y maka-aasa na at wala n~g maghahari sa aking puso kung di kayo. Biglang nahawi ang dilim n~g pag-aalapaap, nawaldas ang nakalilibid na tali n~g pagpipighati sa puso n~g binata, natapos ang kaniyang m~ga kalungkutan, at sa kagahaman sa pag lasap n~g ligaya'y pabiglang tumugon n~g: --Hangang kailan, aking lan~git? --Hangang libing........at di pa natatapos ay sia n~g pagpasok n~g isang matandang babae, iyang _ali_ na nag alaga at nagpalaki sa ating binibini na kaniyang kinatitirhan. --Magandang gabi po--ang unang bati n~g binata sa dumating. --Magandang gabi po naman--ang sagot naman. At pagkaraan n~g ilan pang m~ga kumustahan at pag sasalitaan n~g iba't iba pang m~ga bagay ay siyang pagtugtog n~g walong "ting" n~g isang orasang nakasabit sa isang haligi na nasa gawing kaliwa n~g binata. Nagtindig si Peping at nagpaalam sa mag-ali. Isang tin~ging naglalagkit n~g binibini ang ipinabaon sa binata at ito namay isang mapun~gay na titig at nanaog. =IV WALANG HIYA PALA.....!= Daang N..... isang makipot na landasing patun~go kina Delang; dito naglalacad n~g totoong mabanayad ang ating Peping, nakatun~go iyang mapalad na binata na waring inaalaala ang m~ga nagdaan niang gabi sa pook na yaon. Di kaginsaginsa'y isang binata ang sa darating: si Amado, iyang Pan~galawang Pang-ulo n~g Samahan, iyang nakatalo niya noong lingo n~g hapon; pagdakay tinapik siya sa balikat at sinabi: --Bakit mabanayad ang lakad mo, saan ka paparoon? --Dian--ang sagot naman n~g tinanong. --Ano ba ang lagay mo kaibigan kay Anchang? iniwan ka pa namin noong gabi ah..... --Mabuti. Akoy nagtagumpay Amado; ang kaniya raw puso ay akin at wala n~g sino pa mang makapaghahari--ang maligayang tugon nito. --Mapalad ka kung gayon--hangang dito na lamang ang naisagot at siya nilang pagpasok sa bakuran n~g bahay na kanilang sadya. Napa-tao-po ang dalawa at sa isang sagot na "Magtuloy kayo" ay nan~gag sipanhik at pagkatapos maigawad n~g isa at isa ang nan~gararapat na pag-galang ay naupó si Amado sa isang luklukang yantok na kinaharap ang m~ga magulang ni Delang at si Peping nama'y ang ating binibini. Kanikaniyang m~ga pag-uusap ayon sa kanikanilang m~ga nasa. Ang dalaway pagsaglitsaglit na sinasariwa ang m~ga nagdaan nilang gabi sa halamanan na di naman mailakas sa pagkat nasa kabilang dako lamang ang isa namang umpukan. Napahinto ang salitaan n~g dalawa dahil sa isang mariing "hindi" n~g ama n~g binibini at si Peping na mahiligin sa m~ga pakikipagtalo ay nakimatyag sa m~ga sagot at paliwanag n~g kaniyang kaibigan at pagkatapos n~g m~ga ilan pang tugon n~g matanda at m~ga pagpapakilala ni Amado ay napilitang sumagot ang ating binata n~g boong paggalang: --Ako poy makatutugon sa inyong m~ga usapan baga man di ako kasali, sapagkat ang matanda po'y may m~ga malalakas na katwirang pinanghahawakan at ang isang katunayan po'y gaya n~ga n~g sinasabi ni _P. Rossi_ sa caniyang "_Ang Pangarap_" na aniya'y: "Isang paglapastan~gan lamang sa kalayaan n~g bawat isa ang pagtatag n~g ating Pamahalaan niyang m~ga batas na nagbabawal sa lalaki n~g kalayaan upang mag-asawa n~g dalawa, tatlo ó kung ilan ang kaniyang ibigin." At sapagkat ang tauo po ay talagang likas sa pagkamalaya, kayat pilit ding hinahanap iyang kalayaang iyan kahit pinuputol n~g m~ga may kapangyarihan kaya't siyang nagiging dahil n~g m~ga kahirapang tinitiis n~g isang taong dapat maging malaya. Isang "phse" at tin~ging pairap ni Delang ang natanaw n~g binata na siang ikinapahinto n~g kaniyang m~ga pan~gan~gatwiran kayat di na muli pang umimik ito palibhasay kinamuhian n~g kaniyang irog ang m~ga gayon niang pag mamatwid. Sumagot naman si Amado sa m~ga salaysay na natapos: --Isang katiwaliang malaki ang m~ga pagmamatwid n~g kaibigan kong Peping sapagkat ang m~ga batás na yao'y di upang putulan n~g kalayaan ang bawat isa kungdi upang tangkilikin ang kapayapaan at pananahimik n~g m~ga mamamayán. Ang kalayaan ay di sa paggawa n~g masama kungdi n~g mabuti. Ang _moral_ ay nababatay sa kaugalian n~g bawat lahi at sapagkat iyan ay di ugali sa ating bayan kaya iya'y laban sa _moral_. Ninanasa pa sana n~g ating Peping na man~gatwiran n~guni't natatakot naman siyang makagalitan n~g kaniyang Delang na nakikinig n~g m~ga usapan nila kaya't sinasamantala ni Amado ang gayong di pagimik n~g kaniyang kausap. --Isa pa, kung babayaan naman na ang bawat isa ay makapag aasawa n~g dalawa, tatlo ó apat ay di malayo na sa pagitan niang m~ga babaeng iyan ay magkaroon n~g m~ga pagkakaingitan na siang magiging dahil n~g pagkakaalit-alit at ito'y magbubun~ga n~g lalong m~ga masasaklap na pangyayari sa m~ga babae pa naman n~g ating lahi, sa katunayan ay nakikíta natin na ang isang lalaking may asawa at makaísip n~g isang masamang nasa sa ibang babe dito ay nagpapasimula na ang panaghilian: ang isa'y naiinip sa isa at ang isa namay napopoot sa isa. Dito na lamang napahinto ang m~ga pagmamatwiranan sapagkat ang kaniyang m~ga katalo'y di na umiimik. Natapos ang m~ga ilang sandali sa gayong di "pag iimikan n~g isa at isa at sa di kawasang paglulungati ni Peping n~g pag sagot dan~gan n~ga lamang at naroon ang sa kania'y mapopoot, ay maibuka na lamang sa bibig ang m~ga salitang:--Nagpapaalam na po ako sa inyong lahat--Dios po ang sumama--ang tugon n~g may bahay. --Akoy iwan mo na--and kay Amado naman: at nanaog ang ating binata. Pagkaraan n~g m~ga ilan pang salitaan hin~gil sa natapos na pag-uusap ay nan~gag labasan ang m~ga magulang n~g binibini upang ihanda ang hapunan nila. Natira si Delang at si Amado so loob. --Kailan ka pa ba magtatan~gi n~g isa sa m~ga nan~gagsisiparito sa inyo?--ang pabirong salita n~g binata--naunahan ka pa n~g kapatid mo. --Sino, si Anchang? Kanino? --Kanino daw? Sa aming kalihim, kay Peping--isang dagok itong halos nakapag pahinto n~g m~ga tibok n~g puso ni Delang. --Malabo ka. Iya'y hindi totoo. --Aba! ayaw palang maniwala, sinabi sa akin n~g totoo n~g aking kaibigang Peping ah ...kanina lamang. --Walang hiya pala!--ang isang talipandas na salitang nabigkas agad n~g binibini. --Sino, si Anchang? --............... --Si Peping? Isang buntong hinin~gang malalim ang naging tugon. --Parito na't kumain--ang mula sa labas na nakaputol n~g salitaan n~g dalawa. Nan~gagsilabas: si Dela'y tinun~go ang pagkain at si Amado'y ang hagdanan pagkatapos n~g m~ga pagpapa-alamanan. =V MGA PATAK NG LUHA= Isang batong mabigat ang nakapataw n~gayon sa puso n~g binibini, isang suliraning pinaglalahuan n~g matwid ang di makaya kayang dalhin n~g isang pusong mahina, niang isang pusong mararamdamin, palibhasay n~gayon lamang nagtikim n~g hirap, n~gayon lamang nasubo sa laran~gan n~g pagbabata, sapagkat ang m~ga nagdaan niang panaho'y pawang aliw, pawang m~ga kaligayahang lalo nat sa piling n~g kaniyang giliw. Buhat kagabi, kagabing tangapin niya ang m~ga nakapagn~gin~gitn~git na balita'y di na sia mapalagay, di makakain,lahat ay mapait, di makatulog, kaya't lahat n~g m~ga nangyari n~g gabing nagdaan ay walang nalin~gid sa kaniya at bawat hihip n~g han~ging kaniyang masamyo ay isa isang pinaghahabilinan n~g kaniyang m~ga panaghoy. "Kay saklap lasapin n~g m~ga panahong itong idinudulot n~g katalagahan" ang madalas masabi sa sarile pagkatapos n~g m~ga ilang patak na luha. Kung minsay pinapag tatalo ang sarile hinahanapan n~g lalong m~ga matutwid na paraan upang sia'y maalis sa silo n~g kapanglawan, n~guni't waring isinusurot sa kanya n~g isang maitim na aninong nakaguhit sa kaniyang ala-ala ang m~ga kasaliwaang palad na kaniyang sasapitin at ang lalong m~ga mahahayap na pula n~g marami. ¡Oh, ang larawan n~g isang nilalasog n~g dalamhati....! Anó ang aking gagawin? ang ulit ulit na itinatanong sa sarile; at pagkatapos n~g m~ga ilang biling sa kaniyang hihigan, ay m~ga patak n~g luha ang nagiging tugon at sa kagaganito na lamang inumaga ang ating kaawa-awang binibini. Umagang umaga pa'y nanaog na; nakabihis n~g kaniyang pangkaraniwang soot, at di pa nakalalayo n~g m~ga ilang hakbang, ay muling nagbalik, pumanhik at naupo sa isang likmuan na tutop ang noo at iniisip ang kaniyang m~ga gagawin; di kaginsa ginsa'y nagkagising na ang sambahayan at n~g mamulatan n~g ina'y tinanong sia kung bakit. --Sumasakit po lamang ang ulo ko--ang isinagot at pagdaka'y tumindig at nagpa-alam na sasaglit muna siya kina Anchang. --Ang sabi moy sumasakit ang ulo mo at saka maglalakad ka pa. --Wala na po naman eh ... --Pagka-agahan na ang ulit naman n~g inang di na nahalata ang m~ga sagot na gawagawaan lamang n~g kaniyang anak. Ang binibini, taglay n~g pagkamasunuring anak, ay napahinuhod n~gunit wari ay isang maitim at malaking kamay ang pumipisil sa kaniyang puso, nanglalata at madalas mapahinto sa ano man niyang ginagawa. Nag agahan, at n~g maluat na'y nag paalam na muli; ang ina na mapag palayaw at mairugin ay di makatangi pinahintulutan siya, kaya't itoy lumakad na nakatalukbong n~g paniyong sutla at sapagka't di naman lubhang malayo ang bahay n~g kaniyang ali ay agad na narating, walang pan~giming pumanhik at nagtuloy palibhasay isang bahay na lagi niang pinaparoonan, pumasok sa loob at dinatnan ang kaniyang tia Enciang na nananahi. --Ano po iyang ginagawa ninyo--ang unang bati n~g dumating. --Eh, ito bang saya tinatabi kot magagamit pa din naman eh ... --Bakit po kayo, si Anchang po saan naruroon? --Naríyan sa silid at mayroon yatang ginagawa; pasukin mo. Nagtuloy ang ating binibini at n~g nasa pintuan na'y agad tiniklop n~g dinatnan ang kaniyang sulat na ginagawa at sinalubong na nakan~giti ang kaniyang kapatid. --Bakit n~gayon ka lamang naparito? kahapon pa kita ina-antay--ang maligayang tanong ni Anchang. --May kailan~gan ka ba sa akin--at napatak na naman ang luha sa pagka ala-ala niya n~g kaniyang nabalitaan kagabi, bakit ang isa pang nakapag padalamhating lalo sa kaniya'y ang pagkamalas sa liham na dinatnan niyang sinusulat na siyang nagpasok sa kaniyang ala-ala n~g kung ano ano nang m~ga bagay. --May dinaramdam ka ba?--ang maamong tanong naman n~g kaniyang kapatid na napaluha rin--ano ba ang ibig mong inumin?--at umakmang lalabas, n~gunit pinigilan ni Delang sa nasang huag n~g maalaman n~g kanilang tia Enciang ang kaniyang m~ga nasasaloob at tumugon na lamang n~g: --Huag ka n~g mabahala may na ala-ala lamang akong isang kalunos lunos na mapagsasapit. --Nino?...anó yaon? --.......................... --Anó lamang yaon eh--ang patampo n~g salita ni Anchang. Iniisip n~g ating binibini kung ano ang kaniyang gagawin, siya'y nasa isang malawak na dagat n~g nag-aalinlan~gang di niya matarok ang magiging hanga. "Ipagtapat ko ó huag" ang di niya malutas, na palaisipan sa kaniyang m~ga pagbabaka at namalisbis na naman ang luha sa kaniyang m~ga mata at nagiyakan na lamang ang magkapatid. ¡Kay pait lunukin n~g m~ga kapighatiang ito! nagparaan n~g m~ga ilang simbuyo n~g kahirapan ang dalawa at muli na namang nag-usap. --Bakit lamang? Ako'y tutulong sa m~ga pinapasan mong dalamhati, ayaw ka ba--ang ulit nanaman n~g bunso. Ninanasa na sanang magtapat ni Delang n~gunit pinigil siya n~g malaking kahihiyan sapagkat siya'y isang kapatid na matandang dapat kunang uliran sa kabutihan. --¡Delang! ¡Delang!--ang m~ga tawag na mula sa labas--ipinatatawag ka n~g nanay mo kayat dalidali niyang pinapahid ang m~ga luha at bago pa lumabas. --Bakit namumugto iyang m~ga mata mo? Bakit ka umiiyak?--ang sunod sunod na tanong n~g matanda pagka kita kay Delang. Maluat na di nakaimik ang ating binibini at pagkaraa'y sinabing: --Nakagat po n~g langam ang sulok n~g mata ko. --Huag mong pagkukusutin; tina tawag ka daw n~g nanay mo. Nagpa-alam ang ating binibini at tinun~go ang kanilang tahanan. =VI ¡PATAWAD!= Si Anchang ay naiwan sa pag-iisa, ang kaniyang silid na dati'y masaya n~gayon ay mapanglaw, di niya mapagkuro ang m~ga ibig sabihin n~g kaniyang kapatid kung minsay isipin niyang ang kaniyang sarile ang sasapit sa isang kalagayang kalunos lunos gaya ng sinabi, n~gunit siya rin ang kusang nagmamatuid na aniya'y di ko sasapitin yaon sapagkat sino ang lalapastan~gan sa akin? Si Peping ay tapat ang pagibig at sa kaniya'y wala akong paniwalang mapapariwara lamang ang pag-asa ko, wala akong nalalamang itinatan~gi siyang iba at di ko naman iniisip na siya'y magtatan~gi pa sapagkat naniniwala ako sa kaniyang m~ga pan~gako at di naman niya sasayan~gin ang m~ga pagmamahal ko. Ako ang tinatan~gisan ng aking kapatid?.... Hindi, sapagkat anó ang dapat niyang ikalungkot sa akin? Ang kaniyang sarile ang iniiyakan? Ewan ko, n~gunit ano naman ang dapat niang ikalumbay? Wala akong maala-ala. M~ga sandali itong punong puno n~g m~ga pagkukuro sa isip ni Anchang. At si Delang anó naman ang ginagawa? Ah ... siya nama'y nananan~gis sa kanilang silid di makalabas kahit tinatawag kaniyang mapag arugang ina at hangang sa siya'y mahalata sa pamamanglaw. --Bakit? ang marahang tanong n~g ina pagkamasid sa m~ga matang binabalun~gan n~g luha n~g kaniyang anak. --Wala po--ang sagot naman na ipinakalilihim pa ring pilit ang kaniyang m~ga dalita palibhasay nahihiya siyang mabuksan ang m~ga aklat n~g pag-ibig na nakatago sa kaniyang puso, n~gunit sa kapipilit n~g ina ay nagsabing: "Ako po'y sawing palad" hangang dito na lamang ang m~ga naipagtapat ni Delang hangang sa sapitan sila n~g kinagabihan. * * * * * Si Peping ay walang malay sa m~ga nangyayari, payapang payapang ginugunita ang napakasarap niyang buhay. "Magkapatid ang nasa kamay ko" ang ulit ulit na sinasabi ¡kay tamis n~g aking kapalaran na pinag-aagawan n~g dalawang magagandang binibini! Ang aking pag-ibig ay dalawang puso ang sumasariwa, siyang nagdidilig pagdating n~g oras, anó pang ligaya n~g buhay ang hahanapin?" Ikalabing isang oras na n~g gabi. Mapamaya maya'y nanaog, lumakad at pagkatapat sa silid n~g isang bahay na malaki ay lumin~gon sa magkabikabilang panig at n~g walang matamulawang tawo ay tumin~gatin~gala at tumawag: --¡Anchang!....¡Anchang! --....................... --¡Anchang!--ang mariin niang tawag na tumaos hangang sa puso n~g binibini, kaya't agad nagbalikuas ito't ipinuang n~g kaunti ang durun~gawan. Nakaramdam n~g panibagong init n~g katawan ang binata, lumukso ang puso sa galak sa pagkasun~gaw n~g isang _diosa_ n~g kagandahan. --Ako'y naririto--ang ulit pa. --Bakit ka napaparito n~g ganitong oras? Baka may makakita sa iyo ay pagbintan~gan kang masamang tawo: umalis ka dian sa tapat n~g bintana. --¿Saan ako paparoon, Anchang? --Umuwi ka na at akoy di maka papanaog, sapagkat malalim na ang gabi. Mayroon lamang akong isang mahalagang babagay na sasabihin sa iyo; natatakot ka ba? sasalubun~gin kita sa hagdanan. --Sabihin mo na. --Ayaw ako. Ang ibig koy ibulong at n~g walang makarinig: ni ang m~ga halaman, ni ang m~ga panggabing ibon. --Sa ibang araw na ó bukas kaya pagparito mo. --Sa isang maliit ko kayang kahilin~gang ito'y ipahahalata mo na ang kawalan mo n~g pagmamahal sa akin? Anchang, talastas mong ako'y nagpakapuyat; diyata't, pawawalan mo n~g halaga ang aking m~ga pagtitiis. Nagdalang habag ang binibini; nalunos sa m~ga ipinagturing n~g binata kaya't malubay na tumugon. --Paano ang gagawin kong pagpanaog? --Kailan ma't iibigi'y madali ang alin mang bagay. Dahan dahang lumabas, ibínukas, ang nakalapat na pintuan, at palibhasa'y kahoy ang sahig at hagdanan, kaya't, walang kalatis siyang nakapanaog. Pumasok ang ating binata sa looban at sinalubong ang kaniyang irog, n~guni't sa kaniyang pagpasog ay namalas pala naman agad siya n~g isang babaeng putos na putos n~g itim, nakatalukbong at agad na sumunod sa binata at n~g kasalukuyang sapupo ni Peping ang malantik na baywang n~g kaniyang Anchang ay siyang pagdating n~g binibini na sa dagok n~g pighati sa kaligayaligayang buhay n~g dalawa at sa kahapishapis niyang kapalaran ay hinawakang mahigpit ang kaniyang sundang patakbong lumapit at itinarak sa dibdib n~g binata kasabay ang m~ga nan~gan~gatal niyang salitang: --¡¡¡Masakim!!!....¡¡¡Masakim!!! --Bakit? Bakit?--ang sigaw ni Anchang at sinapupo ang kaniyang irog. --¡Patawad!--ang kalunos lunos na taghoy ni Peping at nabual na di napigilan ni Anchang. * * * * * At n~g makita ni Delang ang kaawa-awang bangkay ni Peping ay napasigaw. --¡Dios ko! ¡anó itong aking nagawa?...Nagsisi, nanan~gis, nanaghoy.... --Pepíng, patawarin mo ako; akoy nagkasala sa iyo: di ko nalalaman ang aking nagawa. ¡Ay Peping sino n~gayon ang kikilalaning ama n~g sangol na balang araw ay ilulual ko sa maliwanag? ¡Dios ko! ¿anó ang aking nagawa? WAKAS [Larawan] =Sombreria Internacional= Calle Jolo No. 271 Ditoy nag bibile ng mga sambalilong gaya ng buntan, calasiaw, baliwag, sabutan at ibpa., gayon din tumatangap ng pagpapaputi at pag papaayos sa mababang halaga. [Larawan] ="EL ARNES"= Ang tindahang ito'y nag bibili ng guarniciones at ibat iba pa na kagamitan sa kabayo at tumatangap din ng pag papakumpuni sa mababang halaga. CALLE JOLO No. 271 =SASTRERIA DE PATRICIO REYES RECIBE TODA CLASE DE TRABAJOS A PRECIOS MODICOS= Azcarraga (frente al Ferro-carril.) Tondo-Manila. * * * * * ="El vicio del Mundo" FABRICA DE TABACOS= Dali'y sa Daang Faspia at ngayon ay sa Daang Morga, blg. 35 Tondo. Aring tunay ng Kalahi =Doroteo Nico.= * * * * * =BERNABE STUDIO= Rumeretrato araw araw mula sa ika 9 n~g umaga hangang ika 4 n~g hapon =_Peinadora Gratis_= Malinis, mahusay, at madaling gumawa. Tumatangap n~g ano mang na uukòl sa Fotografia. =Gral. Izquierdo blg. 379, Trozo P.O.B. 973= =Mga Binata:= Ibig ninyong huag limutin ng inyong mga minamahal? Bigian ninyo sila ng uliran pabasahin ninyo ng novelang _="Ang Pagibig"=_ ni Ag. Pascual upang makilala nila kung sino si Sening at kung ano ang ugali ni Sening sa pag-ibig. =Ipinagbibili sa lahat ng Aklatan.= * * * * * ="SINAG==TALA" SOMBRERIA NI ARCADIO BACHO Haya 3-4-Tundo. Maynila.= * * * * * =LIMBAGAN AT LIBRUHAN ni MIRANDA at Ka.= Daang San Jacinto Blg. 50 =Tumatangap n~g sari-saring limbagin, libruhin, mga anyaya sa kasal, binyag, esquela, at ibat iba pa.= =ARMERIA AT CERRAJERIA ni Martin G. Lontok. Crespo Blg. 60, Quiapo--at--S. Pedro Blg. 73. Sta. Cruz.--Maynila, K. P.= * * * * * Tumatangap n~g mga gawain sa pag-aayos n~g mga kaban n~g salapi, maquina sa pagsulat at pananahi, mga bicicleta at nag eempayona n~g m~ga bakal at patalim. * * * * * =SASTRERIA DE ROSENDO ESCOBAR= Recibe toda clase de trabajos concernientes al ramo. _Azcarraga (frente al Teatro Rizal) Tondo-Manila._ =AGUA MINERAL SA LOS BAÑOS BINUBUHAY NG PUHUNANG PILIPINO * * * * * MAKILING Mabuting inumin para sa sikmura. Ipinagbibili sa lahat ng almacen.= Sanga sa Maynila Acuña, blg. 19-San Nicolas Telefono 3633. *** END OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK MASAKÍM *** Updated editions will replace the previous one—the old editions will be renamed. Creating the works from print editions not protected by U.S. copyright law means that no one owns a United States copyright in these works, so the Foundation (and you!) can copy and distribute it in the United States without permission and without paying copyright royalties. Special rules, set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to copying and distributing Project Gutenberg™ electronic works to protect the PROJECT GUTENBERG™ concept and trademark. Project Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you charge for an eBook, except by following the terms of the trademark license, including paying royalties for use of the Project Gutenberg trademark. If you do not charge anything for copies of this eBook, complying with the trademark license is very easy. You may use this eBook for nearly any purpose such as creation of derivative works, reports, performances and research. Project Gutenberg eBooks may be modified and printed and given away—you may do practically ANYTHING in the United States with eBooks not protected by U.S. copyright law. Redistribution is subject to the trademark license, especially commercial redistribution. START: FULL LICENSE THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK To protect the Project Gutenberg™ mission of promoting the free distribution of electronic works, by using or distributing this work (or any other work associated in any way with the phrase “Project Gutenberg”), you agree to comply with all the terms of the Full Project Gutenberg™ License available with this file or online at www.gutenberg.org/license. Section 1. General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg™ electronic works 1.A. By reading or using any part of this Project Gutenberg™ electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to and accept all the terms of this license and intellectual property (trademark/copyright) agreement. If you do not agree to abide by all the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy all copies of Project Gutenberg™ electronic works in your possession. If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project Gutenberg™ electronic work and you do not agree to be bound by the terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8. 1.B. “Project Gutenberg” is a registered trademark. It may only be used on or associated in any way with an electronic work by people who agree to be bound by the terms of this agreement. There are a few things that you can do with most Project Gutenberg™ electronic works even without complying with the full terms of this agreement. See paragraph 1.C below. There are a lot of things you can do with Project Gutenberg™ electronic works if you follow the terms of this agreement and help preserve free future access to Project Gutenberg™ electronic works. See paragraph 1.E below. 1.C. The Project Gutenberg Literary Archive Foundation (“the Foundation” or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project Gutenberg™ electronic works. Nearly all the individual works in the collection are in the public domain in the United States. If an individual work is unprotected by copyright law in the United States and you are located in the United States, we do not claim a right to prevent you from copying, distributing, performing, displaying or creating derivative works based on the work as long as all references to Project Gutenberg are removed. Of course, we hope that you will support the Project Gutenberg™ mission of promoting free access to electronic works by freely sharing Project Gutenberg™ works in compliance with the terms of this agreement for keeping the Project Gutenberg™ name associated with the work. You can easily comply with the terms of this agreement by keeping this work in the same format with its attached full Project Gutenberg™ License when you share it without charge with others. 1.D. The copyright laws of the place where you are located also govern what you can do with this work. Copyright laws in most countries are in a constant state of change. If you are outside the United States, check the laws of your country in addition to the terms of this agreement before downloading, copying, displaying, performing, distributing or creating derivative works based on this work or any other Project Gutenberg™ work. The Foundation makes no representations concerning the copyright status of any work in any country other than the United States. 1.E. Unless you have removed all references to Project Gutenberg: 1.E.1. The following sentence, with active links to, or other immediate access to, the full Project Gutenberg™ License must appear prominently whenever any copy of a Project Gutenberg™ work (any work on which the phrase “Project Gutenberg” appears, or with which the phrase “Project Gutenberg” is associated) is accessed, displayed, performed, viewed, copied or distributed: This eBook is for the use of anyone anywhere in the United States and most other parts of the world at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org. If you are not located in the United States, you will have to check the laws of the country where you are located before using this eBook. 1.E.2. If an individual Project Gutenberg™ electronic work is derived from texts not protected by U.S. copyright law (does not contain a notice indicating that it is posted with permission of the copyright holder), the work can be copied and distributed to anyone in the United States without paying any fees or charges. If you are redistributing or providing access to a work with the phrase “Project Gutenberg” associated with or appearing on the work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the Project Gutenberg™ trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or 1.E.9. 1.E.3. If an individual Project Gutenberg™ electronic work is posted with the permission of the copyright holder, your use and distribution must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional terms imposed by the copyright holder. Additional terms will be linked to the Project Gutenberg™ License for all works posted with the permission of the copyright holder found at the beginning of this work. 1.E.4. Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg™ License terms from this work, or any files containing a part of this work or any other work associated with Project Gutenberg™. 1.E.5. Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this electronic work, or any part of this electronic work, without prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with active links or immediate access to the full terms of the Project Gutenberg™ License. 1.E.6. You may convert to and distribute this work in any binary, compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any word processing or hypertext form. However, if you provide access to or distribute copies of a Project Gutenberg™ work in a format other than “Plain Vanilla ASCII” or other format used in the official version posted on the official Project Gutenberg™ website (www.gutenberg.org), you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon request, of the work in its original “Plain Vanilla ASCII” or other form. Any alternate format must include the full Project Gutenberg™ License as specified in paragraph 1.E.1. 1.E.7. Do not charge a fee for access to, viewing, displaying, performing, copying or distributing any Project Gutenberg™ works unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9. 1.E.8. You may charge a reasonable fee for copies of or providing access to or distributing Project Gutenberg™ electronic works provided that: • You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from the use of Project Gutenberg™ works calculated using the method you already use to calculate your applicable taxes. The fee is owed to the owner of the Project Gutenberg™ trademark, but he has agreed to donate royalties under this paragraph to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation. Royalty payments must be paid within 60 days following each date on which you prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax returns. Royalty payments should be clearly marked as such and sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the address specified in Section 4, “Information about donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation.” • You provide a full refund of any money paid by a user who notifies you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he does not agree to the terms of the full Project Gutenberg™ License. You must require such a user to return or destroy all copies of the works possessed in a physical medium and discontinue all use of and all access to other copies of Project Gutenberg™ works. • You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the electronic work is discovered and reported to you within 90 days of receipt of the work. • You comply with all other terms of this agreement for free distribution of Project Gutenberg™ works. 1.E.9. If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg™ electronic work or group of works on different terms than are set forth in this agreement, you must obtain permission in writing from the Project Gutenberg Literary Archive Foundation, the manager of the Project Gutenberg™ trademark. Contact the Foundation as set forth in Section 3 below. 1.F. 1.F.1. Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread works not protected by U.S. copyright law in creating the Project Gutenberg™ collection. Despite these efforts, Project Gutenberg™ electronic works, and the medium on which they may be stored, may contain “Defects,” such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by your equipment. 1.F.2. LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the “Right of Replacement or Refund” described in paragraph 1.F.3, the Project Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project Gutenberg™ trademark, and any other party distributing a Project Gutenberg™ electronic work under this agreement, disclaim all liability to you for damages, costs and expenses, including legal fees. YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE PROVIDED IN PARAGRAPH 1.F.3. YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH DAMAGE. 1.F.3. LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a written explanation to the person you received the work from. If you received the work on a physical medium, you must return the medium with your written explanation. The person or entity that provided you with the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a refund. If you received the work electronically, the person or entity providing it to you may choose to give you a second opportunity to receive the work electronically in lieu of a refund. If the second copy is also defective, you may demand a refund in writing without further opportunities to fix the problem. 1.F.4. Except for the limited right of replacement or refund set forth in paragraph 1.F.3, this work is provided to you ‘AS-IS’, WITH NO OTHER WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO WARRANTIES OF MERCHANTABILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE. 1.F.5. Some states do not allow disclaimers of certain implied warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages. If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by the applicable state law. The invalidity or unenforceability of any provision of this agreement shall not void the remaining provisions. 1.F.6. INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone providing copies of Project Gutenberg™ electronic works in accordance with this agreement, and any volunteers associated with the production, promotion and distribution of Project Gutenberg™ electronic works, harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees, that arise directly or indirectly from any of the following which you do or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg™ work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any Project Gutenberg™ work, and (c) any Defect you cause. Section 2. Information about the Mission of Project Gutenberg™ Project Gutenberg™ is synonymous with the free distribution of electronic works in formats readable by the widest variety of computers including obsolete, old, middle-aged and new computers. It exists because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from people in all walks of life. Volunteers and financial support to provide volunteers with the assistance they need are critical to reaching Project Gutenberg™’s goals and ensuring that the Project Gutenberg™ collection will remain freely available for generations to come. In 2001, the Project Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure and permanent future for Project Gutenberg™ and future generations. To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4 and the Foundation information page at www.gutenberg.org. Section 3. Information about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non-profit 501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal Revenue Service. The Foundation’s EIN or federal tax identification number is 64-6221541. Contributions to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent permitted by U.S. federal laws and your state’s laws. The Foundation’s business office is located at 809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887. Email contact links and up to date contact information can be found at the Foundation’s website and official page at www.gutenberg.org/contact Section 4. Information about Donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation Project Gutenberg™ depends upon and cannot survive without widespread public support and donations to carry out its mission of increasing the number of public domain and licensed works that can be freely distributed in machine-readable form accessible by the widest array of equipment including outdated equipment. Many small donations ($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt status with the IRS. The Foundation is committed to complying with the laws regulating charities and charitable donations in all 50 states of the United States. Compliance requirements are not uniform and it takes a considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up with these requirements. We do not solicit donations in locations where we have not received written confirmation of compliance. To SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any particular state visit www.gutenberg.org/donate. While we cannot and do not solicit contributions from states where we have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition against accepting unsolicited donations from donors in such states who approach us with offers to donate. International donations are gratefully accepted, but we cannot make any statements concerning tax treatment of donations received from outside the United States. U.S. laws alone swamp our small staff. Please check the Project Gutenberg web pages for current donation methods and addresses. Donations are accepted in a number of other ways including checks, online payments and credit card donations. To donate, please visit: www.gutenberg.org/donate. Section 5. General Information About Project Gutenberg™ electronic works Professor Michael S. Hart was the originator of the Project Gutenberg™ concept of a library of electronic works that could be freely shared with anyone. For forty years, he produced and distributed Project Gutenberg™ eBooks with only a loose network of volunteer support. Project Gutenberg™ eBooks are often created from several printed editions, all of which are confirmed as not protected by copyright in the U.S. unless a copyright notice is included. Thus, we do not necessarily keep eBooks in compliance with any particular paper edition. Most people start at our website which has the main PG search facility: www.gutenberg.org. This website includes information about Project Gutenberg™, including how to make donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks.