Title: Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza
Author: Modesto de Castro
Release date: June 4, 2005 [eBook #15980]
Most recently updated: December 14, 2020
Language: Tagalog
Credits: Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and
PG Distributed Proofreaders from page scans provided by
University of Michigan.Special thanks to Matet Villanueva,
Pilar Somoza and Ateneo Rizal Library-Filipiniana Section.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
Cayo man~ga binata ang inaalayan co nitong munting bun~ga nang pagod, cayó ang aquing tinutun~go, at ipinamamanhic sa inyo na aco,i, pagdalitaang dinguin.
Cayo,i, bagong natuntong sa pintò nitong malauac na mundó, gayac na paguitna sa mundó, ay dapat magsimpan nang gagamitin sa guitna nang mundo.
Ang panaho,i, nagtutuling caparis nang pan~ganorin; at ang macaraan ay di na mag sasauli, ang maualá sa matá ay di na moling maquiquita, caya catampatan ang magsamantalá, at na sa capanahonang magtipon. Magsáquit matutong maquipagcapoua tauo, at nang di maquimí sa guitna nang caramihan, at nang di ninyo icahiya ang di carunun~gan.
Ang dunong na nag-tuturo sa tauo nang pagharap sa caniyang capoua, ay bun~ga nang pag-ibig sa capoua tauo: ang pag-ibig sa capoua tauo, ay bun~ga nang pag-ibig sa Dios, caya ang na ibig sa Dios, ay marunong maquipag capoua tauo, at sacali,t, di marunong ay magsasaquit matuto; sa pagca,t, batid na ang dunong na ito ay puno at mulá nang magandang caasalang quinalulugdan nang Dios.
Páhiná 4Ang marunong maquipagcapoua tauo, ay maganda ang caasalan; palibhasa,i, nag-iin~gat, nang caniyang quilos, asal at pan~gun~gusap ay mátuntóng sa guhit nang di capootan nang Dios, at cálugdan nang tauo. Caya ang carunun~gang ito ay hiyas sa isang dalaga dan~gal sa isang guinoo, pamuti sa isang bináta, dilág at cariquitang cacambal náng magandang asal na ninihag nang puso.
Cayong man~ga ina naman, na may catungculang magturo sa anac nang man~ga daquilang catotohanang pahayag nang Santo Evangelio, dapat ang cayo,i, magsaquit tumupad nitong mabigat na catungculan na ipagsusulit sa Dios.
Alalahanin na ang man~ga batang inyong anac ay caparis nang búcong na un~gós sa dulo nang halaman, cayo ang may alaga nang halamanan, ay catungculan ninyo ang mag-in~gat.
Pasicatan sa arao nang Santo Evangelio, diliguin nang magandang aral sa paquiquiharáp sa tauo, at pamumucadcád nang man~ga bulaclac na inyong alaga, ay maquiquita ninyong magsasambulat nang ban~go, sa guitna nang mundó na inyong pinagaalayan.
Na sa capanahonan ay inyong pagsaquitan, at ang aral na ito,i, casabáy nang gatas na ipasuso sa anac, pasundan nang mabuting halimbaua, halimbauang sa inyo,i, maguisnan, at maquiquita ninyo na ang magandang aral ay maguiguing magaling na asal na di mabibitiuan cun di casabáy nang búháy.
N~guni cun inyong bayaan, palac-hing salát sa aral, hubád sa magandang asal, ay capilitang ipagsusulit ninyo sa Dios, at pagdating náng panahon na sila,i, paguitna sa mundó, sa masamáng Páhiná 5uaning sa canila,i, mamasdan, dalamhati ang inyong pupulutin, cayo ang sisisihin nang tauo, at palibhasa,i, bun~ga nang inyong capabayaan.
At sacali ma,t, sa edad na labing dalaua ó labing apat na taon, sa isang Escuela, Colegio ó sa isang Maestro, sila ay mag aral, matutuhan naman ang pinag aralan, cayo,i, maniuala,t, ang magandang asal na canilang pinulot ay tulad sa hirám na damit saglit na isinoot at biglang hinubád: cauangqui nang hiyas na isinadaliri, iniuan sa suloc ay agad nalimutan: caparis nang cáyong nagcuculay dilao, na initan, nang arao, hinipan nang han~gin, ay agád cumupas, at di nacalaban sa init at bilís.
Matamisin ang caunting pagod sa inyong pagtuturo, at pagdating nang panahon na pag-anihan nang inyong man~ga anac ang magandang aral na ipinunlá ninyo, ang hirap ay maguiguing toua.
At cun sa inyong magandang aral, ang man~ga anac ninyong dalaga sa guitna nang pan~ganib sa mundó ay nacapag iin~gat, ang maban~góng bulaclac na canilang puri ay di nalalantá, at pag dating nating panahon na sila,i, tuman~gáp nang estado nang matrimonio, ay maquita ninyó na sila,i, mababait na esposa, at marunong na ina nang canila namang maguiguing anac, ¡laqui nang toua na inyong cacamtan!
Cun ang man~ga baguntauo na inyong anac, sa inyong pagsasaquit ay matutong matacot sa Dios, masunorin sa inyo, marunong maquipagcapoua tauo, magalang sa matatandá, mapagtiis sà capoua binata, maalam bumagay sa tauo sa mundó; at pagdating nang panahon na sila,i, maguing esposo at Páhiná 6ama, ay maquitaan ninyo nang bait sa paquiquisama sa canilang esposa, nang dunong sa pag tuturo sa anac, saan di ang sila,i, capurihán at caran~galan ninyo.
Cun sila,i, tumangap nang anomang catungculan at maquita ninyo na marunong tumupád, maalam magpaquita nang mahal na asal sa guitna nang mundó at caguinoohan, ¡laqui nang pagpupuri nang tauo sa inyo! ¡At ang pasasalamat nang inyong man~ga anac ay di matatapus hangan cayo,i, nabubuhay sa mundó at hangan sa matapus naman ang canilang buhay sa mundó!
Ang halimbauang iniaalay sa inyo, ay isang familia ó mag anac. Sa magcacapatid, na dito sa loob nang libro,i, aquing sinasaysay, ipinatatanao co ang magandang pag aral nang magulang sa anac, at ang pagtangáp nang anac nang aral nang magulang.
Sa pan~galang "Urbana" nababasa ang magaling na paquiquipag capoua tauo. Sa caniyang man~ga sulat sa capatid na Feliza, ay macapupulot ang dalaga, macapag aaral ang bata, maca aaninao ang may asaua, macatatahó ang binata nang aral na bagay sa calagayan nang isa,t, isa.
Cay Feliza, mag aaral ang dalaga nang pagilag sa pan~ganib na icasisira nang calinisan; at ang caniyang magandang asal ay magagauang ulirán nang ibig mag in~gat nang cabaitan at loob na matimtiman.
Sa man~ga sulat ni Urbana, na ucol sa pagtangáp nang estado nang matrimonio, ang dalaga,i, macapagaaral, at gayon din ang baguntauo, at macapupulot nang hatol sa dapat alinsunorin Páhiná 7bago lumagay sa estado, at cun na sa estado na.
Sa man~ga sulat ni Feliza cay Urbana, na ang saysay; ay ang magandang asal nang capatid na bunsó na si Honesto, macapagaaral ang bata, at macatatantó nang caniyang catungculan sa Dios, pagcatanáo nang caliuanagan nang canilang bait.
"Paombong" ang saysay: sa pagca,t, siya ang unang bayang pinautan~gan nang pagod. Bayang pinaghirapan, bayang minahal naman, at palibhasa,i, sa aral at pagod na aquing guinugol, ay naquitaan nang masaganang paquinabang. Bayang lumagui sa loob; sa pagca,t, naquitaan naman nang magandang loob.
Aco,i, sinuyo mo at pinabaunan nang masaganang luha: icao ay maniuala at ang arao na iyo,i, di co linilimot, ang perlas mong bubô ay aquing dinampót, binucsán ang dibdib, at mag pa hangan n~gayon ay iniin~gatan.
Mahiguit sa sampuo ang nalacarang taon, mag mulá sa arao na yaon, n~guni,i, sariua ring parang cahapon.[1]
Limbág ca sa dibdib, ay di ca nacatcát nang habang panahong limbás nang panimdim; at palibhasa,i, ang nag-iin~gat sa iyo,i, susi nang pag ibig.
At cun sa handóg cong halimbaua, cayong man~ga ina ay magdalitang dumampót nang magandang aral, itanim sa loob at alinsunorin, at mapanood co ang paquinabang nang inyong man~ga anac, sa inyong paghihirap sa aquing pagsisicap, ¿ay mahuhulaan caya ninyo ang aquing uiuicain? Páhiná 8 Ang uiuicain co,i, pinapalad aco, at ang cahalimbaua co,i, nagsabog nang binhi, ay ang tinamaan co ay mabuting lupa.
At sa quinacamtang cong toua ang nacacaparis co,i, isang magsasacang cumita nang alio, uupó sa isang pilapil, nanood nang caniyan halaman, at sa caniyang palayan na parang inaalon sa hirap nang han~gin, at sa bun~gang hinog na anaqui butil na guintong nagbitin sa uháy, ay cumita nang sayá.
Munti ang pagod co, munti ang puyat co; at palibhasa,i, capus na sa lacas na sucat pagcunan, n~guni ang paquinabang co sa pagod at puyat ay na ibayuhan.
Cun cayo at aco disin ay palarin, ang toua co,i, di hamac: at palibhasa,i, cun aco,i, patay na, at sa ilalim nang lupa,i, malilimutan na nang mundo; maganda ang iyong loob ay cahit miminsan ay masasambit din ang aquing pan~galan, at sa harapán nang Dios ay alalahanin nang isang Responso ó Ave Maria.
Ito at ang aco,i, papaquinaban~gin sa iyong magagandang gauá, at ang aquing pamanhic sa inyo, at siya rin naman ang sa aquin ay inyong aasahan hangang nabubuhay sa mundó, at gayon din cun marapat macapanood sa Dios, cun matapos itong maralitang buhay.
Paombon y Mayo 10. 185 ...
URBANA: N~gayong á las seis nang hapon na pinagugulong nang hari nang astros ang carrusang apuy, at itinatago sa bundoc at cagubatan, ipinagcacait sa isang capuloan ang caliuanagan, at sa alapaap ay nagsasambulat nang guinto,t, púrpura: ang mundo,i, tahimic, sampuo nang amiha,i, hindi nag tutuli,i, nagbibigay alio, ang man~ga bulaclac, ay nan~gag sasabog nang ban~gong inin~gat sa doradang caliz; ang lila,t, adelfa na itinanim mo sa ating pintoan; ang lirio,t, azucena; ang sinamomo,t, campupot na inihanay mo,t, pinag tapattapat sa daang landas na ang tinutun~go,i, ating hagdanan; oras na piniling ipinagsasaya, nan~gagsisin~giti,t, ang balsamong in~gat ay ipinadadala sa hihip nang han~gin; mapalad na oras na ipinag lilibang nang camusmusán ta, ipinagpapasial sa ating halamanan. Páhiná 10 Marahil Urbana,i, di mamacailang pagdating sa iyo nang oras na ito, ang alaala mo,t, boong catauohan ay nagsasaoli sa ating halamanan, iyong sinasagap ang balsamong alay nang man~ga bulaclac na bago pamuti sa parang linalic na man~ga daliri mo,i, pinaiibayuhan ang di munting pagod sa pagaalaga.
Naglilibang icao, aco,i, gayon din naman, at dito sa lihim nang namumulaclac na suhâ, ay sinasagap co ang caaya-ayang ban~gò, pinanonood co ang lipad nang ibong napaiilang lang sa himpapauid; ang pato at tagác na nonoui sa hapunan, husay nang pag liliparan, tulad sa ejércitong nag susunod sunod, ualang nahihiualay, iisa ang loob iisa ang tun~gò, isa ang sinusundan nang sang bayanang ibon, at palibhasa i, tulad din sa tauo may pinipintuho,t, sinusunod na hari. Sa pag didili-diling ito i, di caguinsa guinsa,i, napaimbulog ang pag iisip co, icao ang hinanap sa loob nang halamanan, sinundan sundan ca at napanood cong mamumuti nang bulaclac, pinag salit salit, pinag tama tama ang sari-saring culay, guinagauang ramillete: saca co naquita na inihahain sa maalindog na reina nang rosas, ni Urbana, rosa naman sa calinisan. Magpahangan n~gayo,i, aquing natatanao na nunuti ca nang amapola, nang maquita co na nagniningning na sa man~ga buroc na iyong daliri ay sinundan quita, napahabol ca naman, saca nang abutan quita,i, conouari itinangui ang quimquim na bulaclac, saca ipinaagao sa aquin: at nang macuha co na,i, in~gay nang canitang paghahalac-hacan sa loob nang halamanan. ¡Masayáng halac-hac na iquinagagalac ni ama,t, ni ina na ninitang toua sa pag aaliuan nang dalaPáhiná 11uang anác!
Magpahanga n~gayo,i, di co nalilimutan ang casipagan mo, na pagca guising sa umaga,i, malicsing baban~gon, sasandatahin ang cruz, maninicluhod ca,t, magpupuri sa Dios, magpapasalamat at iniadya ca sa madlang pan~ganib at pinagcalooban nang buhay na ipaglilingcód sa caniyang camahalan sa arao na iyon Dios ang unang bigcás nang labi mo, at palibhasa,i, Dios ang unang isip mo.
Aquing natatanao ang cauili uiling anyó mo, ang cabaita,t, cahinhinan na nagniningning sa iyong paglacad at boong caasalan, na ipinaquiquita sa pagtun~go sa simbahan, at ipinaqui-quinyig nang Santo Sacrificio. N~gayo,i, naqui-quita cong bucás ang dibdib mo, at natatanao co ang malinis mong puso, na naquiquibagay sa sacerdote na inihahain mo nang boong pagibig, ang Dios nang pagibig na hauac sa camay, at iniaalay sa di matingcalang Ama, alaala,t, galang sa mataas niyang capangyarihan, na ipinag-hahari sa sangdaigdigan.
Nalulugod aco sa capacumbabaan mo at pamimintuho cay ama,t, cay ina, na palaguing gayac ang loob sa pagsunod sa canilang utos, at paghin~gi nang bendicion bago patun~go sa escuela. Dili magcasiya sa puso co ang quinamtan cong toua; n~gayong nagsasaoli sa aquing alaala ang casipagan mong magaral nang leccion na ibinibigay nang Maestra, sa pagnanasang maliuanagan ang bulag na isip, at maca quilala sa Dios na cumapal nang iyong catauohan, punong pinagmulan nang iyong caloloua at siya ring caoouian. Páhiná 12 Ang cabaitang di hamac na ipinaquiquita mo sa escuela, na tinitipid mo ang gaui nang cabataang mag laró sa capoua bata; ang cahinhinan nang iyong asal na di maquitaan nang cagaslaua,t, catalipandasan, mag pahangan n~gayo,i, di nalilimutan nang canitang Maestra, at sa touing masabi sa aquin, ay nagagalác ang loob co,t, nagnanásang mahouarán ang magandang caasalan mo. Ang mabining lacad na bucál sa iyo,t, di pinagaralan; ang mahinhing titig nang matá mo na di nag papalibot libot, at ang tinapunan ay ang linacarang lupa, cun maalaala co na dahilan dito,i, iguinagalang nang man~ga batang lalaqui,t, di ca mahaguisan nang masamáng aglahí ay namamanghá aco, at naipag hahalimbaua quita sa reina nang man~ga bulaclac, na pinaggugulan nang dunong nang naturaleza, na biniguian nang caaya-ayang culay, cauili-uiling ban~gó,t, naca bibihag na diquit; n~guni cun paugahasáng salan~gin nang salan~gapang na camáy, ay capilitang magdurusa, sa pagca,t, ipinagtatangól nang tinic.[2]
Cung aco,i, mangaling sa escuela, macapag pahin~gá nang munti, mupó sa habiha,t, pagaralan cong habihin ang damit na isusuot ni ama ó ni ina, ay naaalaala co yaong matouid mong aral na capurihán nang isang anac na babaye, ang maca pagalay sa magulang nang damit na caniyang pinagpagurang hinabi. Pag aco,i, umupó sa tabi nang panahian, dumampót nang cayo-gumamit nang carayom, at magbuó nang daPáhiná 13mit, ó humarap caya sa calán, magtiis nang init nang apóy sa pan~gun~gusina, ó aco caya,i, mag linis sa pamamahay, ang sinusunód co,i, yaong magandá mong hatol na ang gagauin nang babaye, pagcamulat nang matá hangang sa ipiquit ay ualang catapusán, at dapat ang uica mong papamihasahin ang catauan sa paggauá toui na, sa pagca,t, ang casipagan at calinisan, ay hiyas nang babaye, at ang catamara,i, isang capintasan.
Sa pagbasa mo, Urbana, nitong aquing titic, ay parang naquiquita co na, nagcucunót ang noó mo, ga namumuhí na,t, tinutugón mo aco, at nan~gun~gusap ca sa aquin: ang bilin co sa canitan Maestra na sabihin sa iyo na isulat mo sa aquin ay ang guinagauá mo sa arao arao, ¿ay ano caya ang cadahilanan Feliza, at ang sinaysay mo dito sa sulat ay ang gagauin co nang quita,i, nagsasama, at di ang guinagauá mo n~gayong magca hiualay cata? Sa tanong mong ito,i, liban na lamang sa paglalaró ta, nang quita,i, musmós pa,i, cun anong hatol mo,i, siya cong sinusunód, at ang gagauin mo, nang icao,i, dirine, siya rin namang guinagauá co n~gayon.
N~gayong masunód co na ang cahingian mong sumulat aco sa iyo, ay nauucol namang gantihin mo itong aquing sulat, at isaysay mo naman sa aquin ang magandang aral na tinangáp mo sa marunong na Maestra, diyan sa Maynila, sa loob nang apat na taong icao,i, tinuturuan. Dito,i, lulutasin co itong aquing titic: Adios, Urbana, hangang sa aco,i, sagotin mo.—FÉLIZA.
Si Urbana cay Feliza.—Manila ...
FELIZA: Tinangap co ang sulat mo nang malaquing toua, n~guni,t, nang binabasa co na,i, napintasán quita,t, dinguin mo ang cadahilanan. Ang una i, nabanguit mo si ama,t, si ina, ay di mo nasabi cun sila,i, may saquit ó ualá; n~guni pinararaan co ang caculan~gan mong ito, at di cataca-tacá sa edad mo na labing dalauang taon; ang icalaua,i, hindi ang búhay co cun di ang búhay mo ang itinatanong co,i, ang isinagót mo,i, ang pinagdaanan nang camusmusán ta, at madlang matataas na puri sa aquin, na di mo sinabi na yao,i, utang co sa mabait na magulang natin at sa Maestrang umaral sa aquin. N~guni, pag dating sa sabing nagcucunót ang noó co, at sa man~ga casunód na talata, ay nan~giti ang puso co, nagpuri,t, nagpasalamat sa Dios, at pinagcalooban ca nang masunoring loob.
N~gayo,i, dinguin mo naman at aquing sasaysayin yamang hinihin~gi mo ang magandang aral na tinangap co cay Doña Prudencia na aquing Maestra. Natatanto mo, na aco,i, marunong nang bumasa nang sulat nang taong 185 ... na cata,i magcahiualay. Pag dating co rini, ay ang una, unang ipinaquilala sa aquin, ay ang catungculan nating cumilala, mamintuho, maglingcód at umibig sa Dios; ang icalaua,i, ang cautan~gan Páhiná 15natin sa ganang ating sarili; at ang icatlo,i; ang paquiquipagcapoua tauo. N~guni, at sa pagca ang sulat na ito ay hahabang lubha, cun aquing saysayin itong man~ga daquilang catungculan nang tauo, bucód dito nama.i, n~gayong, á las sieting mahiguit nang umaga na aco,i, sumusulat, ay malapit na ang oras nang pag-aaral co, ay sa icalauang sulat mo na hintin ang pag sunód co sa cahin~gian mo: Adios, Feliza.—URBÀNA.
Si Urbana cay Feliza.—MANILA ...
FELIZA: N~gayon tutupdin ang cahin~gian mo, na ipinan~gaco co so iyo sa huling sulat fecha....
Sa man~ga panahóng itong itinirá co sa Ciudad, ay marami ang dumarating na bata, na ipinagcacatiuala nang magulang sa aquing maestra, at ipinag bibilin na pag pilitang macatalastás nang tatlong daquilang catungculan nang bata na sinaysay co sa iyo. Sa manga batang ito, na ang iba,i, casing edad mo, at ang iba,i, humiguit cumulang, ay na pag quiquilala ang magulang na pinagmulan, sa cani-canilang cabaitan ó cabuhalhalán nang asal. Sa carunun~gang cumilala sa Dios ó sa cahan~galan, ay nahahayág ang casipagan nang marunong na magulang na Páhiná 16magturo sa anac, ó ang capabayaan. Sa man~ga batang ito,i, ang iba,i, hindi marunong nang ano mang dasal na malalaman sa doctrina cristiana, na para baga nang Ama namin, sumasampalataya, punong sinasampalatayanan, na sa canilang edad disin, ay dapat nang maalaman nang bata, caya hindi maca sagót sa aming pagdarasál ó maca sagót man ang iba,i, hindi magauing lumuhód, ó di matutong uman-yó, na nauucol bagang gauin sa harapán nang Dios. Sa pag darasál namin, ay nag lulupagui, sa pagsimba,i, nag papalin~galin~ga, sa pagcain ay nag sasalaulâ, sa pag lalaro,i, nananampalasan sa capoua bata, ó nan~gun~gusap caya nang di catouiran; caya ang man~ga batang ito,i, maquita mo lamang ay maca pag dadalang galit. ¡Oh Feliza, gandang palad natin, at pinagcalooban tayo nang Pan~ginoong Dios nang marunong na magulang! Dahilan sá cahangalang ito nang man~ga bata, ay di unang itinuro nang Maestra,i, ang dasalan, at nang matutong cumilala at maglingcód sa Dios; ang pagbasa nang sulat, cuenta, pagsulat, pananahi, at nang maalis sa cahan~galan. Dinguin mo naman ang aming gagauin sa arao arao.
Sa umagang pagca guising bago cami malis sa hihigán, nag cucruz muna, nagpupuri,t, nagpapasalamat sa Dios, para rin naman nang itinuturo sa atin nang canitang magulang. Macaraan ang ilang minuto, maniniclohód cami saharapán nang larauan nang ating Pan~ginoong Jesucristo at ni Guinoong Santa Maria, ihahayin ang púso sa pag lilingcód sa Dios sa arao na yaon, hihin~gi nang gracia na icaiilag sa casalanan. Páhiná 17 Cun matapos ito,i, maghihilamos, magsusuclay, magbibihis nang damit na malinis, patutun~go sa hagdanan, at bago manaog ay magcucruz muna, yayauo sa simbahan; sa paglacad namin ipinagbabaual ang magpalin~gap-lin~gap, ang maglaró at magtauánan. Pagdating sa pintoan nang simbahan, ay magdarasál ang baua,t, isa sa amin nang panalan~ging sinipi sa salmo na na sa ejercicio cuotidiano. Pagcaoc nang tubig na bendita, ay iniaalay co sa aquing maestra, sapagca,t, cautusán, na cun may casamang mahal ó matandá, ay dapat ialay. Pagca tapos, ay lalacad at maniniclohód sa harap nang Santísimo Sacramento; ang iba,i, magdarasál nang rosario, ang iba,i, may hauac na libro sa camáy at dinadasál ang man~ga panalan~ging ucol sa pagsisimbá. Sa pagluhód namin, ay ibinabaual nang Maestra, na palibotlibotin ang matá, itinuturo na itun~gó ang ulo, at nang houag malibáng sa lumalabas at pumapasoc na tauo. Cun cami,i, naquiquinyig nang sermón, ay tinutulutang umupó cami, n~guni, ipinagbabaual ang maningcayád, sapagca,t, sa lalaqui ma,t, sa babaye, ay mahalay tingnan ang upòng ito, at tila ucol lamang sa hayop. Sa Pagupó namin, ay ipinagbibilin nang Maestra na cami ay magpacahinhin, itatahimic ang bibig, matá at boong catauan, paquiquingang magaling ang aral nang Dios Espíritu Santo, na ipinahahayág nang Sacerdote Feliza, nan~gan~galó na ang camáy co sa pagsúlat, ay sa iba nang arao sasaysayin co sa iyo ang man~ga biling ucol sa paglagay sa Páhiná 18simbahan. Ihalic mo aco sa camay ni ama,t, ni ina: Adios, hangang sa isang sulat.—URBANA.
Si Urbana cay Feliza.—MANILA....
FELIZA: Napatid ang hulí cong sulat sa pagsasaysay nang tapát na caasalan, na sucat sundin sa loob nang simbahan: n~gayo,i, ipatutuloy co. Marami ang naquiquita sa man~ga babayeng nagsisipasoc sa simbahan, na lumalacad na di nagdarahan, nagpapacagaslao-gaslao, at cun mariquit ang cagayacan, ay nagpapalin~gaplin~gap, na anaqui tinitin~gnan cun may nararahuyo sa caniya. Marami ang namamanyo nang nan~gan~ganinag, nacabin~git lamang sa ulo at ang modang ito,i, dala hangang sa paquiquinabang at pagcocompisál. ¡Oh Feliza! ¿napasaan caya ang galang sa lugar Santo? ¿napasaan caya ang canilang cahinhinán? Diyata,i, lilimutin na nang man~ga babayeng cristiano yaong utos sa canila ni S. Pablo, na pinapagtataquip nang muc-ha sa loob nang simbahan, pacundan~gan sa man~ga Angeles?[3] ¿Diyata,i, hangang sa conPáhiná 19fesionario,i, dadalhin ang capan~gahasang di nagpipitagang itanyág ang muc-há sa Sacerdote? may naquiquita namang naquiquipagtauánan sa capoua babaye; ó uupó caya at maquiquipagn~gitian sa lalaquing nanasoc, ano pa n~ga,t, sampo nang bahay nang Dios ay guinagauang lugar nang pagcacasala.
Itong man~ga biling huli na ucol sa lalaque, ay ipahayag mo cay Honesto, na bunsó tang capatid. Pagbilinan mo, na pagpasoc sa simbahan, ay houag maquipagumpucan sa capoua bata, nang houag mabighani sa pagtatauanan at pagbibiroan. Maniniclohód nang boong galang sa harapán nang Dios, magdarasál nang rosario, at houag tularan ang naquiquita sa iba, sa matanda ma,t, sa bata na nacatin~gala, nacabucá ang bibig na parang isang han~gal, na napahuhula. Houag bobonotin ang paa sa chapin, sapagca,t, isang casalaulaan. At sa iyo, Feliza, ang hulí cong bilin, ay houag mong bobonotin sa simbahan at saan man ang paa sa chinelas, at pagpilitan mong matacpán nang saya, sapagca,t, ga nacamumuhí sa malinis na matá ang ipaquita. Ipahayag mo cay ama,t, cay ina ang boong cagalan~gan co: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.
Si Urbana cay Feliza.—MANILA....
FELIZA: Sa a las siete,t, cami macasimbá na, cacain cami sa agahan, pagcatapos ay maglilibanglibang ó maghuhusay caya nang cani-caniyang casangcapan, sapagca,t, ang calinisán at cahusáyan, ay hinahanap nang matá nang tauo, tauong náguising at namulat sa cahusayan at calinisan. A las ocho, gagamit ang isa,t, isa nang librong pinagaaralan; ang iba,i, darampót nang pluma, tintero,t, ibang casangcapang ucol sa pagsulat, magdarasál na sumandali bago umupó sa pagaarál, hihin~ging tulong sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang matutuhan ang pinagaaralan; magaaral hangang á las diez, oras nang pagleleccion sá amin nang Maestra; pagcatapos, magdarasál nang rosario ni Guinoong Santa Maria. Pag nacadasál na nang rosario, aco,i, nananahí, ó naglilinis caya nang damit, at pag cumain ay iguinagayac co ang servilleta, linilinis co ang tenedor, cuchara at cuchillo, na guinagamit sa lamesa. Ang lahat nang ito,i, cung maquita nang Maestrang marumi, ay cami,i, pinarurusahan. Pagtugtog nang á las doce, oras nang aming pagcain ay pasasa mesa cami, lalapit ang isa,t, isa sa cani-caniyang loclocan, magbebendicion ang Maestra sa cacanin, caming man~ga bata,i, Páhiná 21sumasagót nacatindig na lahat, ang cataua,i, matouid at iniaanyó sa lugar. Pagcarinig namin nang n~galang Jesus at Gloria Patri, ay itinutun~gó ang ulo, at saca cami,i lumuloclóc sa pagcain. Pagcatapos, magpupuri,t, magpapasalamat sa Dios. Sa hapon cami ay nagaaral para rin sa umaga. Pagtugtog nang Ave Maria ay magdarasal cami nang pagbati nang Angel cay Guinoong Santa Maria, na paluhód; sa arao nang Sabado at Domingo nan~g hapon, ay patindig, at gayon din naman magmulá sa Sabado Santo hangang sa Sábadong vísperas nang Santísima Trinidad. Gayon ang bilin nang Santo Papa, na nagcaloob nang indulgencia sa dasal na ito. Pagcatapos, sino ma,i, ualang tumitindig sa amin hangang hindi nan~gun~guna ang Maestra, at saca nagbibigay nang magandang gabi sa caniya. Sa gabi magdarasál nang rosario, pagcatapos, magaaral nang dasál ang iba, at ang iba nama,i, tinuturuan nang Maestra nang paquiquipagcapoua tauo. A las ocho cami humahapon; pagcatapos, naglilibang, naglalaró ang iba, at ang iba,i, nagsasalitaan. A las nueve y media, cami,i, nagdarasál na saglit, isang cuartong oras bumabasa nang gunamgunam, pagcatapos, pagdidili-dilihin ang binasa, magaalaala nang casalanang nagaua sa arao na yaon; at inahihin~gi nang tauad sa Panginoong Dios. May isang bumabasa sa amin naman niyaong man~ga uica, na gunam gunamin na ang pagtulog ay larauan nang camatáyan, at ang hinihigang banig, ay cahalimbaua nang hucay; hindi nalalaman nang isa,t, isa, na cun sa gabing iya,i, hahatulan nang Dios, na ipa-Páhiná 22paris sa haring Baltazar na pinangusapan. Sa gabing ito,i, huhugutin ang caloloua mo sa iyong catauan. Macalauà isang lingo, nagcocompisal aco at naquiquinabang; ang iba,i, minsan sa isang buan, ó lingo, at ang sinusunod ang utos nang man~ga confesores. Ang lahat na ito, Feliza, ay alinsunurin mo, at siya mo rin namang ituro cay Honesto, sapagca,t, nauucol sapaglilingcód sa Dios, sa paquiquipagcapoua tauo: Adios, Feliza.—URBANA.
Si Feliza cay Urbana.—PAOMBON ...
URBANA: Si Honesto,t, aco,i, nagpapasalamat sa iyo, sa matatáas na hatol na inilalaman mo sa iyong mán~ga sulat. Cun ang batang ito maquita mo disin, ay malulugód cang di hamac at mauiuica mo, na ang caniyang mahinhing asal ay cabati nang Honesto niyang pan~galan. Masunurin sa ating magulang, mapagtiis sa capoua bata, hindi mabuyó sa paquiquipagauay, at manga pan~gungusap na di catouiran. Mauilihin sa pagaaral at sa pananalan~gin; pagcaumaga,i, mananaog sa halamanan, pipitás nang san~gáng may man~ga bulaclac, pinagsasalitsalit, Páhiná 23iba,t, ibang culay, pinagaayos, guinagauang ramillete, inilalagay sa harap nang larauan ni Guinoong Santa Maria; isáng azucena ang inauucol sa iyo, isang lirio ang sa aquin, at paghahain sa Reina nang man~ga Virgenes ay linalangcapán nang tatlong Aba Guinoong Maria. Cun macapagcompisal na at saca maquinabang ang isip co,i, Angelito, na cumacain nang tinapay nang man~ga Angeles, at ga naquita co, na ang pagibig at puring sinasambitlâ nang caniyang inocenteng labi, ay quinalulugdan nang Dios na Sangól, na hari nang man~ga inocentes. Ipatuloy mo, Urbana, ang iyong págsulat, at nang paquinaban~gan namin: Adios, Urbana.—FELIZA.
Si Urbana cay Feliza.—MANILA ...
FELIZA: Aquing naisulat na sa iyo, ang madlang cahatoláng ucol sa paglilingcód sa Dios, n~gayo,i, isusunód co áng nauucol sa sarili nating catauan. Sabihin mo cay Honesto, na bago masoc sa escuela, maghihilamos muna, suclain aayosin ang buhóc, at ang baro,t, salauál na gagamitin ay malinis; n~guni,t, ang calinisa,i, houag iuucol sa pagpapalalo. Houag Páhiná 24pahahabaing lubha ang buhóc na parang tulisan, sapagca,t, ito ang quinagagauian nang masasamang tauo. Ang cucó houag pahahabain, sapagca,t, cun mahaba, ay pinagcacaratihang icamot sa sugat, sa ano mang dumi nang catauan, nadurumhan ang cucó, ay nacaririmarim, lalonglalo na sa pagcain. Bago magalmosal, ay magbigay muna nang magandang arao sa magulang, maestro ó sa iba cayang pinaca matandá sa bahay. Sa pagcain, ay papamihasahin mo sa pagbebendición muna, at pagcatapos, ay magpasalamat sa Dios. Cun madurumhán ang camay, muc-ha ó damit, ay maglinis muna bago pa sa escuela. Houag mong pababayaan, na ang plana, materia, tarsilla ó regla, papel, libro,t, lahat nang ga~gamitin sa escuela ay maguing dun~gis dun~gisan. Cun naquíquipagusap sa capoua tauo, ay houag magpapaquita nang cadun~goan, ang pan~gun~gusap ay totouirin, houag hahaloan nang lanyós ó lambing houag cacamotcamot ó hihilurin caya ang camáy ó babasin nang lauay ang daliri at ihihilod mo pa n~ga,t, houag magpapaquita nang casalaolaan. Sa harap nang ating magulang ó matandá caya, ay houag mong pababayaang manabaco, ó man~gusap caya nang calapastan~ganan, ó matunog na sabi. Cun naquiquipaglarô sa capoua bata, ay houag tulutan na maglapastan~gan, ó dumhán caya ang damit nang iba, at pagpilitian mo na yaong caraniuang uicain nang tauo, na ang masamá sa iyo,i, houag mong gauin sa iyong capoua, ay itanim sa dibdib at alinsunurin. Sa capoua bata, ay houag magbibigay nang cacanin na may cagat, ó marumi. Páhiná 25 Matanda at bata, ay may pinagcacaratihang casalaolaan, na carima-rimarin. Cun naquiquipagusap sa capoua tauo, caraca-raca,i, ilalagay ang daliri sa ilóng at sisin~gá. Ca-iin~gat, Feliza, na ito,i, gauin ni Honesto. Cun sisin~ga man ay sa panyô ay marahang gagauin, itatalicód ang muc-há ó lumayo caya. May isa pang pinagcacabihasnan ang caramihan nang tauo, na cun naquiquipagusap sa capoua, ay ang camáy ay iquinacamot sa haráp. ¡Asal na cahalayhalayan na nacapopoot sa malilinis na loob. Caiin~gat na ito,i, pagcaratihan nang bata. Cun may lalabas na masamang amoy, ay lumayo sa tauo, houag pamalay at nang di mapan~ganlang salahula: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.
Si Urbana cay Feliza.—MANILA ...
FELIZA: Itong man~ga huling sulat co, sa iyo, na may nanucol sa calagayan mo, at ang iba,i, aral cay Honesto, ay ipinaoonaua co, na di sa sariling isip hinan~go, cun di may sinipi sa man~ga casulatan, at ang caramihan ay aral na tinangáp co cay Doña Prudencia, na aquing Maestra: at siyang sinusunód sa escuela namin caya ibig co disin, na sa ating man~ga camaganac, sa man~ga escuela sa bayan at man~ga baPáhiná 26rrio, ay magcaroon nang man~ga salin at pag aralan nang man~ga bata. Ipatuloy co ang pagsasaysay nang man~ga cahatolan.[4]
Si Honesto, bago pa sa escuela, ay pabebendicion muna cay ama,t, cay ina; sa lansan~gan, houag maquiquialám sa man~ga pulong at auay na tinatamaan, matouid ang lacád, houag ngin~gisi-n~gisi, manglilibác sa capoua bata, ó lalapastan~gan sa matandá, at nang houag mauica nang tauo, na ualang pinagaralan sa magulang. Cun magdaraan sa harap nang simbahan, ay magpupugay, at cun nalalapit sa pintoan ay yuyucód. Pagdating sa bahay nang maestro ay magpupugay, magbibigay nang magandang arao, ó magandang hapon, magdasál na saglit sa haráp nang man~ga santong larauan, na pinagdadasalán nang man~ga escuela, hihin~ging tulóng sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang matutong gumauá nang cabanalan, at maisaulo ang leccióng pinagaaralan. Cun sa escuela may pumasoc na sacerdote, capitan, mahal na tauo ó matandá, ay tumindig, magbigay nang magandang arao, ó magandang hapon, at houag uupó hangang hindi pinaguutusan. Ang galang na ito,i, houag icahihiyang gauin, sapagca,t, ang cagalan~gan ay capurihán nang gumagalang, at di sa iguinagalang. Ang batang may bait at dunong, ay capurihán nang magulang, at ang caniyang quilos, pan~gun~gusap at asal, ay nagsasaysay na mahal ang asal nang nagturong magulang. Pagpilitan mo na houag catamaráng pagPáhiná 27aralan ang lección; cun di matutuhan, ay mag-tanong sa, capoua escuela ó sa maestro caya, houag mahihiya, sapagca,t, cung hiyas nang isang marunong ang suman~guni sa bait nang iba, ay capurihán naman nang isang bata ang mag-tanong sa marunong, sapagca,t, napahahalata na ibig matuto,t, maramtan ang hubád na isip, nang carunun~ga,t, cabaitan; cun di agád matutuhan ang lección, ay houag mabubugnót mag-tiagang magaral, sapagca,t, ang carunun~gan ay bun~ga nang catiagan.
Cun di tinatanong nang maestro, ay houag sasagót, at cun matatanong ay tumindig muna, at sáca sumagót. Gayon din ang gagauin sa matandá ó guinoong causap.
Pagbilinan mo, na huag magpahalata sa capoua escuela, na siya,i, nanaghili sa mariquit na gayac, carunun~gan cayamanan, camahalan nang capoua, bata, sapagca,t; maguiguing capintasan sa caniyang asal.
Sa capoua bata, houag magsasalitá nang nangyayari sa ating bahay, nang icamumura sa capoua tauo, at sa ating bahay naman, ay huag ipapanhic ang naquiquita sa escuela, sa lansan~gan at sa bahay nang iba, lalo na cun na-ooui sa paninira nang puri, at cung sacali magupasala sa tauo ay sauain, at cun umulí pa,i, parusahan.
Cun sacali macarinig sa capoua bata nang mura sa magulang ó camaganac na may bait ay ipagtangól nang banayad at matouid na sabi, at pagdating sa bahay ay ilihim at nang di pagmulan nang pagaaway. Páhiná 28 Turoan mong maquípagcasundó si Honesto sa capóua bata, houag manampalasang magmura manungayao, at cun sacali,t, may lumapastan~gan sa caniya ay ipagtangól ang catouiran nang banayad na uica, at cun sacali nauucol na isumbong sa maestro, ay houag daragdagan, houag magpaparatang nang sala sa iba, sa pagnanasang maca panghiganti, sapagca,t, ang manghiganti; ay an~gat sa camahalan nang asal.
Cung siya,i, magsasalitá,t, ayao paniualaan nang casalitáan, ay houag patotohanan nang sumpà, sapagca,t, ang manumpâ sa ualang cabuluhan ay tandâ nang cabulaánan.
Sa escuela, cun may maquitang cacanin, ay houag pa~ngahasang canin hangang di pagutusan, at nang di paguicang matacao.
Sa ano mang utos nang maestro, at ayon sa matouid, ay umalinsunod, at cun sacali,t, maparusahan ay houag mabubugnót, matamisin sa loob ang parusa,t, nang houag maquitaan nang capalaloan.
Cung macapagleccion na,t, pahintulutan nang maestro na omoui, ay lumacad nang mahusay, houag palin~galin~ga, magpatuloy omoui sa bahay, at pagdating ay magdasál, at pagcatapos, ay humalic sa camay ni ama,t, ni ina, at gayon din ang gagauin sa hapon.
Sabihin mo cay ina, na di co sila nililimot sa harapán ng Dios, at malayo man aco ay hinihintay co ang canilang bendicion: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.
Si Urbana cay Felisa—MANILA....
FELIZA: Sa malabis na cadun~goan nang man~ga bata cun quinacausap nang matanda ó mahal cayang tauo, ang marami ay quiquimiquimi at quiquilingquiling, hindi mabucsan ang bibig turoan mo, Feliza, si Honesto, na houag susundin ang ganoong asal, ilagay ang loob sa cumacausap sagotin nang mahusay at madali ang tanong, at nang houag cayamután.
Cung man~gun~gusap ay touirin ang catauan, ayosin ang lagay. Ang pagsasalitá naman ay susucatin, huag magpapalampás nang sabi, humimpil cun capanahonan, at nang huag pagsauaan. Cun naquiquipagusap sa matandâ ma,t, sa bata, ay houag magsabi nang hindi catotohanan, sa pagca,t, ang cabulaanan ay capit sa tauong traidor o mapaglilo.
Ang pagsasalitá ay sasayahán, ilagay sa ugali, ituntóng sa guhit, houag hahaluan nang cahambugán, at baca mapara doon sa isang nagsalitang hambog, na isinagót nang causap. Fúú, Fúú, na ang cahulugán ay, habagat, habagat. Huag magpalampás nang sabi at baca maparis doon sa isang palalo na sinagót nang caharáp: hintay ca muna amigo,t, cucuha aco nang gunting at gugupitin co ang labis.
Sa paquiquipagharáp, ay mabuti ang nagmamasid sa quinacausap, at cun macaquita nang mabuting asal sa iba, at sa iba,i, cahan~galan, ay dampotin ang cabaitan at itapon ang casamán n~guni, ang nagcamali ay houag alipustain, sapagca,t, ang magpautang nang masama, malao,t, madali ay pagbababayaran. Páhiná 30 Bago bigcasin ang bibig, ang sasabihin ay iisipin muna, at susundin yaong hatol ni San Agustin ang minsang bibitiuan nang dila ay paraaning macalaua sa quiquil, sa macatouid ay sa bait. Caiin~gat at ang sabihing masama sa minsang mabitiuan, ay di na madarampot.
Sa pagsasalitat,i, houag cucumpáscumpas, ilagan ang in~gay, at nang di nacabibin~gi; masama rin naman ang totoong marahan, sapagca,t, nacayayamót sa quinacausap.
Houag magnanasang maghari sa salitaan at magsabi nang icapupuri sa sariling catauan, sapagca,t, ang mapagmapuring tauo,i, bucód sa di pinaniniualaan, ay naguiguing catatauanan at pangalio sa salitaan.
Cun tumama nang isang hambóg, ay houag salansan~gin paraaning parang han~gin, at nang houag pagmulan nang usap.
Cun macatama nang isang matabil, na di nan~gan~gauit magsalitá, ay maghunos dili sa gayong asal, ilagan ang catabilán, sapagca,t, nacayayamot sa causap. N~guni,t, cun masama ang matabil na lubha, ay masamá rin naman ang magasal tan~gá, na nacatingalá na parang napahuhula. Ilagan ang catabilán, at ayon din ang catan~gahan.
Houag maghihicáb ó magiinat, at nang di uicaing nayayamót, ó pinauaualang halagá ang causap.
Sa pagbibiroan, ay houag bumigcás nang masaquit na sabi, na sucat damdamin nang causap. Ano pa n~ga,t, sa pagsasalita,i, angquinin yaong refran na caraniuang sabihin: ang masama sa iyo,i, houag mong gauin sa capua mo tauo.
Cun icao Feliza,i, may ipagdadalamhati, ó iquinapopoot caya sa casama sa bahay, at may pumanPáhiná 31hic na tauo,i, huag cang magpahalatá nang calumbayan ó cagalitan; tipirin ang loob, sapagca,t, sa man~ga desgracia ó basagulo sa bahay, ay isang cagamutan ang lihim. At cun may isang secreto ó lihim, ay pacain~gatan mo, na parang isang mahalagang hiyas.
Sa pagsasalita,i, houag magasal pusóng ó bobo, sapagca,t, cun tapós na ang toua at salitá, at pagisip-isipin ang guinaua, ay ang natitira,i, cahihiyan at sisi sa loob na sarili.
Cun may pumupuri sa iyo, ay di dinadaan sa tuyà, ay isaloob mo yao,i, nagmulá sa caniyang magandang loob, at di sa inin~gat mong cabutihan, at gantihin mo nang maraming salamat. Cun may pinupuri ca sa haráp, ay iin~gatan mo ang pagbigcás nang sabi at baca uicaing siya,i, tinutuyá mo.
Huag ituturo nang daliri ang quinacausap; at cun sacali,t, matandá, guinoó ó mahal, ay houag iparis sa iba, at uicaing casintandá mo ó casing taas mo.
Cun macaquita nang bata, ay huag pintasan at tauanan ang caniyang cagandahan ó capan~gitan, sapagca,t, pan~git man at magandá, ay gauang lahat nang Dios; Gayon din naman, cun may ibang nagpaquita nang canilang gauá, ó magsaysay nang canilang abilidad ó carunun~gan, ay tapunan nang caunting puri, at palibhasa,i, siyang nasa.
Sa pagsasalita,i, cun may mamali ó magalan~gan nang pagsasabi, ay houag pan~gunahan. At cun macapansin nang calupitán ó iba cayang capintasan, ay paraanin, at sucat ang ilagan.
Ang Páhiná 32quinacausap, ay houag camamalasin na parang may sinisiyasat, at houag namang italicód ang muc ha, na parang pinauaualang halaga ang quinacausap. Cun marami ang caharap, ay houag iisa lamang ang tatapunan nang salitá, at tatalicdán ang lahat, sapagca,t, mahahabag sa sariling calooban. N~guni,t, cun may mataas na tauo sa m~ga causap, ay siyang causapin, gayon man, ay di carapatang paualang halaga ang iba.
Cun darating sa isang pagpulong ay houag magusisa cun anong pinagsasalitaan, lalo, na at cun ibig ilihim.
Cun ang man~ga capulong iba,t, iba ang uri, may mataas, may mababa ay babagayan naman ang isa,t, isa nang ucol sa paquiquipagusap, houag magcuculang sa cani-caniyang calagáyan. Adios Feliza.—URBANA.
MANILA.....
MINAMAHAL CONG CAPATID: Ang isang sulat ay isang pagsalin sa papel nang na sa isip at sa loob, pinagcacatiuala, at nang matantó nang pinagpapadalhán.
Ang sulat ay isang salitaan sa papel, caya ang letra ay dapat linauan, at ang pan~gun~gusap ay ilagay sa ugali.
Cun ang sinusulatan ay caibigan at capahayagan nang loob ay pahintulot ang humaba ang sulat, at palibhasa,i, marami ang masasaysay.
Cun ang ibig sabihin sa sulat, ay isang bagay lamang, at ang sinusulatan ay di caibigan, hindi catampatan ang magsaysay nang ibang bagay.
Ang sulat, ay ibabagay sa sinusulatan, at gayon din ibabagay ang paquiqui usap. Páhiná 33 Iba ang sulat nang mataás sa mababang tauo, at nang mababa sa mataás; iba ang sulat nang matanda sa bata, at nang bata sa matanda.
Ang gulang na cailan~gang gamitin nang bata sa matanda,i, hindi cailan~gan sa sulat nang matandá sa bata; maliban na lamang, cun sa bata ay may naquiquitang bagay na sucat igalang.
Ang di pagcatutong maghanay nang sulat, ang sumulat nang lihis sa reglas nang arte; na ang tauag ay gramática, ay nagsasaysay na ang sumulat ay culang sa pag aaral.
Salamat Feliza, at icao ay nagsaquit matutó; at si Honesto ay pinagsasaquitan mo.
Ang sumulat nang lihis sa regla, ay capintasán sa isang dalaga, at lalong pansin sa man~ga lalaqui.
Ang papel na gagamitin, ay malinis at fino, lalo cun ang sinusulatan ay di caratihan.
Ang sulat, bago ipadala, ay sarhan at laguian nang sello.
Pagtangap nang sulat, cun sa biglaan, ay catampatang saguting madali, at di man biglaan, ay dapat na sagutin, at ang di pagsagot, ay nagsasaysay na tayo ay culang sa pinagaralan.
Ang bigcás nang sabi, ay houag tataasan, at nang di mauica na tayo,i, nagpapalalo: ilagay sa catatagán at nang di icapintas sa atin.
May bago n~gayong caugalian na ang sobre ó taquip nang sulat, ay bucod na papel: ang sulat ay ipaloloob sa sobre, at sa licod ay di sinusulatan nang n~galan nang pinadadalhan.
Ang pliegong gagamitin ay boó, cahit man~ga ilang uica lamang ang itatalá sa papel.
Bago sumulat, ay isipin muna; at nang di tayo Páhiná 34macapagbigay poot; lilinauan, at nang di i-ucol sa masama.
Cun maraming bagay ang sasabihin, ay pagbucdin-bucdin, at di dapat na pagpisanin sa isang pitac: at sa pinacadaquila ó mahalagang bagay ucol na simulán.
Ang letrang diquit-diguit na nacaguguló, ang dalauang uica na di paghiualayin, ang n~galan nang tauo, ciudad ó bayan na di punoan nang muyúscula ó letrang malaqui, ay pan~git sa isang lalaqui at capintasan sa isang babaye; gayon ang alin mang mali na laban sa regla nang arte.
Ang pagticlop nang sulat, ang paglalagay nang oblea ay pagbubutihin, at nang mahusay tingnan.
Ang lacre, ay na-aari rin namang ipagsará, n~guni madaling masira; ang obleang mabuting gamitin ay ang maliliit at maquiquintab.
Ang ticlop nang sulat ay matouid ang sa man~ga camahalan, na ang bansag ay de etiqueta at negocio, apat ang ticlop; sa itaas, sa ibabá, sa caliua,t, sa canan; at sa man~ga babayeng mahal at masisilang ay maquitid at maliit, gayon din ang manga billete.
Cun ang sinusulatan ay papel de esquelas, ang fecha ay ibaba nang firma, at dacong caliuá.
Ang cumatcat nang letra sa sulat, ay nacarurumi sa papel at nagbabansag nang di carunun~gan.
Salamat Feliza, at ang man~ga sulat ni Honesto na ipinaquita mo sa aquin, ay malilinis, at alinsunod sa reglas nang arte.
Gayon man, tingnan nang capatid nating bunso ang regla sapagsulat na ipadadala co.
Cay ama at cay ina, humahalic aco sa camay. In~gatan cayo nang Pan~ginoong Dios.—URBANA.
MANILA....
FELIZA: Alinsunod sa sinabi co sa iyo na aco,i, magpapadala nang reglas sa pagsulat, ipababasa mo cay Honesto itong m~ga casunod.
Pupunuan nang mayusculas ang m~ga pan~galan at apellido nang tauo, caparis nang Francisco Baltazar; ang sa mga caharian, Ciudad, bayan, provincia, bundoc, dagat, ilog, batis para nang España Maynila, Biñang, Batangas, Arayat, Océano, Pasig, Bumbun~gan; gayon din ang n~galan nang carunun~gan, para nang Teología, nang Artes, para nang Gramática, Poecia; gayon din ang n~galan nang manga catungculan, para nang General, Papa, Arzobispo.
Gayon man cun sa Oración ó isang sabing boó ang man~ga n~galan nang carunun~gan, artes, at iba pang sinabi co, ay di pinacapan~gulo, ay pupunuan nang letrang munti, caparis niton halimbauang casunod; si Benito at si Mariano ay capoua nagaral sa pandayan.
Feliza, turuan si Honesto nang matutong maglagay sa sulat nang man~ga notas ó tanda. Ang man~ga notas ay ito: Coma (,): Punto y coma(;): Dos puntos (:): Admiracion (!); Interrogacion (?): Paréntesis (): Puntos suspensivos (::::): Etcétera ó Etcétera (&c.): Acentos (áàâ): Rayas ó comillas—».
Ang Coma, ay ilalagay sa man~ga pag-itan nang man~ga pan~galan: Vito, Teodoro, Pedro; gayon din sa pag-itan nang baua,t, isang Oración, cun di pa tapos, ang cahulugan nang ibig saysayin; para nitong halimbauang casunod; si Eva,i, tinocso nang Páhiná 36demonio, ay nagcasala sa Dios, at si Eva naman ang humicayat cay Adan.
Ang Punto ay ilalagay sa catapusan nang Oración; cun dito,i, nabobuo, ang cahulugan nang ibig nating sabihin sa papel.
Ang Punto y Coma, ay tanda nang pagcacaiba ó pagcacalaban nang cahulugan nang magcacasunod na sabi ó Oración, caya sa pag itan ilalagay itong man~ga uicang datapuoa, n~guni, gayon man, Tingnan itong halimbaua: ang tauo,i, binig-yan nang Dios nang bait at loob; n~guni,t, sumuay sa caniyang man~ga utos.
Ang dalauang Punto, ay inilalagay, at nang maalaman na hindi pa tapos ang ating ibig sabihin ay ga uari tapos na; inilalagay, at ang cahulugan ay may cahulugan pa. Tingnan itong halimbaua: ang man~ga cahatulán nang Santo Evangelio, ay Santo; at laban sa cahatulan nang mundo.
Ang Paréntesis, ay inilalagay sa puno at dulo n~g Oración, na nagpapalinao nang sabi; n~guni,t, cun alisin man ay di nacasisira nang cahulugan. Tingnan itong halimbaua: cun icao ay magcasala (houag din nauang itulot nang Dios,) ang gamot, ay ang magsisi.
Ang Interrogación, ay parang S na baligtad, at sa ulo,i, may punto; inilalagay sa isang tanong. Tingnan itong halimbaua: ¿Icao ay cristiano na?
Ang Admiración, isang tanda na nagpapaaninao nang tunog na ibig nating ibigay sa pagtataca ó daing; ang tanda, ay isang guhit na patindig, sa ulo ay may punto; caparis nitong halimbaua: ¡Ay at aco,i, napahamac ¡Laquing caululán nang tauong nan~gan~gahas magcasala! Páhiná 37 Ang Puntos suspensivos, ay inilalagay, at ang cahulugan, ay ang cahatulang guinagamit natin, ay di sarili, cun di sa iba: quinucuha ang cailan~gan at iniiuan ang hindi. Inilalagay rin naman sa pinuputol na sabi, at di itinutuloy caparis nito; dan~gang pinanonood tayo nang Dios ay:::
Ang uicang Etcétera, na ang tanda ay ito &c. ang cahulugan, ay ang ating sinaysay, ay sucat na, iniiuan ang iba, at nang di macasamá.
Ang Acentos, ay man~ga guhit na para nito áàâ na cung ilagay sa ibabao nang vocal, humahaba, ó diyan binibigatan ang bigcas nang sabi. Tingnan dito sa dalauang uica: Hába, Habá.
Ang man~ga Comillas ó Rayas, ay nagsasaysay na ang lahat na talata na may lagay sa guilid, ay sipi sa iba; guinagamit, at pangtibay sa ipinahahayag sa atin.
Ang Guion, ay nalisan co. Ito,i, isang guhit na pahigá, na inilalagay sa dulo nang talata. Cun ang isang uica,i, hindi magcasiya sa talata, ay binabahagui sa dalauang magcasunód. Ang sang bahagui ay sa itaas, ang isa,i, sa casunód, at sa pag-itan nang uica, ay may Guion, ó guhit, para nito: May-nila, Mali-bay.
Ang Punto naman, ay naquiquilala sa tandang ito [.] Inilalagay, cun buo,t, tapos na ang caisipan natin, na ibig nating isaysay sa isang, oración, at ang casunod pinupunuan nang letra Mayúscula.
Cun mangyayari disin, ay dapat pagsaquitan n~g man~ga maestros at maestras na ang man~ga batang escuela, ay matutong bumasa nang sulat; at sumulat, bucod sa ibang bagay na dapat ituro. Hindi ang maca yari lamang nang letra, cun di maca sulat nang tapát. Páhiná 38 Ang sulat na lihis sa reglas, ay bucod sa nacaiinip basahin, ay nacasisira nang cahulugan, at nagsasabi ang di caalamang sumulat.
Ituro mong magaling, Feliza, cay Honesto itong man~ga reglas na aquing padala sa iyo, at marahil ay hindi lamang siya ang maquiquinabang. Isulat mo sa aquin cun caniyang sinusunod. Adios capatid co.—URBANA.
PAOMBONG....
URBANA: Tinangáp co ang man~ga sulat mo aco,i, napapasalamat sa iyo at cami ni Honesto ay pinagsasaquitan mong matuto.
Aquing iniutos sa caniya na pagaralan itong man~ga reglas na padala mo; tinangap nang boong toua at nagsaquit magaral. Sa caniyang pagpipilit ay natuto; at ang uica mo na di lamang siya ang maquiquinabang ay pinatutuhanan. Nang matutuhan na, ay itinuturo naman sa iba; at palibhasa,i, ang magaling ay hindi matahimic sa isa cun di sa calahatan. N~gayon ang man~ga escuela,i, nagcacahayahan, nagpapaquitaan nang cani-canilang sulat at cun may mabating mali nang capoua bata, ay binabago ang sulat. Ang sulat cong ito ay letra ni Honesto. Adios Urbana.—FELIZA.
Si Urbana cay Feliza.—MANILA ...
FELIZA: Si Honesto,i, cun macatapos na nang pag-aaral matutong bumasa nang sulat, sumulat, cuenta at dumating ang capanahunang lumagay sa estado, ay di malayo ang siya,i, gauing puno sa bayan, caya minatapat co sa loob na isulat sa iyo ang caniyang aasalin, cun siya,i, magca catungculan, at ang sulat na ito,i, in~gatan mo at nang may pagcaaninauan cun maguing cailan~gan. Ang m~ga camahalan sa bayan, ang cahalimbaua,i, corona na di ipinagcacaloob cun di sa may carapatan, caya di dapat pagpilitang camtan cun di tanguihan, cun inaacala na di niya icamamahal, sa macatouid, cun di mapapurihan ang camahalan. Ang corona, camahalan at caran~galan, ang dapat humanap nang ulo na puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap nang coronang ipuputong. Ang caran~galan, sa caraniuan, ay may calangcap na mabigat na catungculan, caya bago pahicayat ang loob nang tauo sa pagnanasa nang caran~galan, ay ilin~gap muna ang mata sa catungculan, at pagtimbangtim, ban~gin cun macacayanang pasanin. Pagaacalain ang sariling carunun~gan, cabaitan at lacas, itimbang sa cabigatan nang catun~gculan, at cung ang lahat nang ito,i, magcatimbang-timbang, saca pahinuhod ang loob sa pagtangap nang catungculan, n~guni hindi rin dapat pagnasaan at pagpilitang Páhiná 40camtán, cun di ang tangapin, cun pagcaisahan n~g bayan, at maguing calooban nang Dios.
Ang magnasang magcamit nang camahalan sa bayan, sa caraniuan ay hindi magandang nasa, sapagca ang pinagcacadahilanan ay di ang magaling na gayac nang loob na siya,i, paquinaban~gan nang tauo, cun di ang siya ang maquinabang sa camahalan; hindi ang pagtitiis nang hirap sa pagtupad nang catungculan, cun di ang siya,i, maguinhauahan; hindi ang siya,i, pagcaguinhauahan nang tauo cun di ang siya,i, paguinhauahin nang tauong caniyang pinagpupunoan.
Ang masaquim sa camahalan, sa caraniuan ay hindi marunong tumupad nang catungculan, sapagca,t, hindi ang catungculan, cun di ang camahalan ang pinagsasaquiman; salat sa bait, sapagca,t, cun may inin~gat na bait, ay maquiquilala ang cabigatan, ay hindi pagpipilitan cun di tatanguihan, caya marami ang naquiquitang pabaya sa bayan, ualang hinaharap cun di ang sariling caguinhauahan; ang mayaman ay quinacabig, at ang imbi ay ini-iring. Caya Feliza, in~gatan mo si Honesto, pagdating nang capanahonan, tapunan mo nang magandang aral, nang houag pumaris sa iba na ualang iniisip cun di ang tin~galin sa caibuturan nang camahalan, sucuan igalang at pintuhoin nang tauo sa bayan.
Huag limutin ni Honesto, na ang caran~galan sa mundo, ay para rin nang mundo, na may catapusan; ang fortuna ó capalaran nang tauo, ay tulad sa rueda na pipihit-pihit, ang na sa itaas n~gayon, mamaya,i, mapapailaliman, ang tinitin~galá n~gayon, bucas ay mayuyuracan, caya hindi ang dapat tingnan lamang, ay ang panahong hinaharap, cun Páhiná 41di sampo nang haharapin. Itanim mo sa caniyang dibdib, ang pagtupad nang catungculan, na sacali ay tatangapin niya, sapagca,t, may pagsusulitan may justicia sa lupa,t, may justicia sa lan~git; ang malisan nang justicia rito, ay di macaliligtas sa justicia nang Dios.
Houag magpalalo, sapagca,t, ang puno at pinagpupunoan, ay di man magcasing uri, ay isa rin ang pinangalin~gan, isa ang pagcacaraanan at isa rin naman ang caoouian; Dios, ang pinangalin~gan magdaraang lahat sa hocoman nang Dios at Dios din naman ang caoouian.
Houag magpaquita nang calupitan sa pagnanasang igalang nang tauo, sapagca,t, hindi ang catampalasanan, cun di ang pagtunton sa matouid, at pagpapaquita nang magandang loob, ang iguinagalang at minamahal nang tauo. Mahal man, at cun malupit, ay di mamahal, cun di quinalulupitan, at pagca talin~gid ay pinag lililohan nang caniyang pinaglulupitan. Ang capurihan nang mahal na tauo ay na sa pagmamahal sa asal, at pagpapaquita n~g loob, paninihag nang puso nang tauo; n~guni ang pagmamalaqui at pagmamataas, ay tandang pinagcacaquilanlan nang caiclian nang isip, at pinagcadahilan nang pagcapoot nang caniyang capoua.
Cailan ma,i, houag lilimutin nang puno ang caniyang catungculan, lumin~gap sa lahat, mahal man at hindi, sapagca,t, cun ang paglin~gap niya ay laganap sa lahat, ay di lamang siya ang mamahalin nang tauo, cun di sampo nang caniyang familia, at sa panahon nang caguipitan, ay di magpapabaya ang caniyang pinagpaquitaan nang magaling.
Pacatatandaan, na ang isang guinoo, ó mahal na marunong tumupad nang catungculan, tapat na Páhiná 42loob sa m~ga caibigan, mapagampon sa man~ga mabababa, maauain sa mahirap, ang ganitong mahal ay ligaya at capurihan nang bayan, at hari nang lahat nang pusò. Sa catagang uica,i, ang tunay na camahalan, ay na sa pagmamahal sa asal, at paggaua nang magaling.
Unti-unti, Feliza, na ipaquiquilala mo cay Honesto ang cahalagahan nang mahal na asal, nan pag-tuntón sa matouid at cagandahan nang loob. Italà mo sa caniyang dibdib, na ang báculo trono, corona ma,t, cetro ay ualang halaga, cun di napapamutihan nitong mahahalagang hiyas, Ipahayag mo cay ama,t, cay ina ang cagalan~gang co sa canila. Adios, Felisa, hangang sa isang sulat.—URBANA.
Si Urbana cay Feliza.—MANILA....
FELIZA: Ang marunong maquipagcapua tauo, saan saan ma,i, pinacamamahal, at isang tandang pinagcacaquilanlan, na may pinagaralang bait. Sa paquiquipagusap nang isang pinagpupunoan sa caniyang puno, ay di lubhang maquiquilala ang marunong maquipagcapoua tauo, sapagca,t, sa tacot ó sa alang alang, ay nacapagpapangap nang mahal na asal na uala sa dibdib, n~guni,t, sa paquiquisama, ó sa paquiquipag-usap sa caniyang caparis, ay diyan naquiquilala ang marunong maquipagcapoua tauo, at ang hindi; ang may mahal na asal, ó asal Páhiná 43timaua, ang may tapat na loob, at ang lilo, ang may pinagaralang bait, at ang ualá, sapagca,t, ang uala ay capag nalin~gat, ay nailoloual ang laman nang puso dahil sa pagpalagayan nang loob.
Sa pagpapalagayan nang loob ay di na cailan~gan sundin ang man~ga ceremonias at cagalin~gang ucol sa man~ga puno; n~guni, bagay-bagay rin naman ang pagpapalagayan nang loob. Cung sumisinsay na sa matouid, na pinagcacadahilanang ipahayag sampo nang casalaulaan; ito,i, isang caasalang nauucol lamang sa tauong salát sa cabanalan at sa calinisan, caya malaqui man ang pagiibigan ay di dapat iloual ang boong nasa sa loob. May isa namang pagpapaquita nang loob na may halong pag-imbot, na di ang hinahan~gad ay ang tunay na pagiibigan, cun di ang siya,i, maquinabang sa tinatauag na caibigan. ¡Malupit na pagibig na laban sa mahal na asal! Ang man~ga caibigan ito ay maipaghahalimbaua sa alamid, na nagdaya sa ouac, na sinasalita sa Fábula: May isang ouac na nagnacao nang queso,i, napailanglang nang lipád at tumuntong sa san~gá nang mataas na cahoy. Nang maquita nang alamid ang queso sa bibig, ay binati nang boong galang at quinausap. Di macacailan, aniya na aquing narinig, na sa balita,i, di sucat na maniuala, n~gayon co natanto na ang sabing ito,i, may catotohanan. Di anhin ang sabi, icao, sacdal itim, mapanood quita,i, mauiuica cong maputi capa sa busilac: daig mo ang cisne talo mo ang yedra, at cun sa huni disin, ay dadaiguin mo ang man~ga ibon, para nang pagdaig mo sa culay nang balahibo, ay uiuicaing co, na icao ang hari nang lahat nang ibon. Sa ganitong puri ay napa-ilanglang ang isip nang ouac, pinagbuti Páhiná 44ang tayo, ipinamayagpag ang pacpác, at sinabayan nang huni, nabucsan ang tucá; nalaglag ang queso,i, quinain nang alamid. Sa ang ouac ay magcagayon, ay nagdalá nang malaquing hiya, at naquilala na siya,i, inaring ulol, at pinagdayaan nang alamid.
May pagpapalagayan nang loob, na bun~ga nang tapat na pagiibigan. Sasaysayin co Feliza, ang man~ga regla na dapat alinsunurin. Magbibigay luhód sa casama ó caibigan, pagbibigyang honor ó puri, n~guni ang pagbibigay ay tapat sa loob, at di paimbabao. Houag magnasaang pintuhoin at igalang nang caibigan cun di mamahalin, na para nang pagmamahal niya sa sarili. Hindi ang isa lamang ang magpapaquita nang loob, cun di capoua magpapaquitaan. Hindi maghahanapan nang cagalan~gang ucol sa naquiquilalang puno; datapoua,i, ibinabaual naman ang calapastan~ganan. Cun ang isa,i, naquiquitaan nang casiraan, ay dapat sabihin nang isa, nang banayad at mahusay na sabi, nang houag mapulaan ang caibigan; dapat naman tangapin nang pinagsasabihan ang magandang hatol nang nagtatapat loob sa caniya. Cun ang caibigan ay maquitaan nang cabaitan at tapat na loob ay pagsasangunian, at di naman dapat pagcaitan nang magandang hatol ang nunuhang sanguni. Cun ang isa,i, pinaguupasalaan, ay dapat ipagtangól nang nacaririnig na caibigan, ipahahayag ang caniyang cabutihan at nang houag masiraan nang puri. Maglilingcód at sasaclolo sa panahón nang caguipitan at casacunaan; sa catagang sabi,i, ang caibigan ay naquiquilala, sa bilangoan sa saquit at sa camatayan. Ang pagiibigan, ay isang caguilio-guilio na tanicalang guintó, na Páhiná 45tumatali sa dalauang pusó; n~guni,t, mahirap hanapin, at palibhasa,i, mahalagang tanicalá. Caiin~gat si Honesto sa pagiibigan, malasin cun sino ang pinagcacatiualaan nang caniyang puso; tingnan cun tapát na loob, mahal na asal, may pinagaralang bait, marunong sumaclolo sa arao nang panganib at cun maquita niya itong may man~ga halagang hiyas saca naman ipagcatiuala ang caniyang loob. N~guni, at cun sa bala na, ay maquiquipagibigan cun masaui sa palád na tumama nang malupit na asal, salat sa cabaitan, ualang hinahan~gad cun di ang sarili niyang paquinabang, ay mapapahamac ang canilang bunsó; masisira ang magandang asal na tinangap sa ating magulang, at matatapos ang cabaitang sa iyo,i, pinagaralan.
Papamihasahin mo naman ang caniyang puso sa paggaua nang magaling sa iba, n~guni, sa bagay na ito, iilagan ang pagimbót na siya,i, gantihin sa ipinautang na loob. Cun may gumauá nang magaling sa caniya ay pasasalamatan, quilanlin ang utang, at gumanti sa capanahonan, sapagca,t, isang capalamarahán, isang casiraan nang puri, ang di cumilala sa utang na loob. Adios, Feliza.—URBANA.
Si Urbana cay Feliza.—MANILA....
FELIZA: Cun icao at ni Honesto, ay maanyayahan sa isang piguing, ay dagdagan ang in~gat Páhiná 46at maraming lubha ang pagcacamalan. Pagdating nang bahay, ay magbibigay nang magandang gabí, ó magandang arao sa may bahay sacá isusunod ang man~ga caharap, houag magpapatuloy sa cabahayan hangang di inaanyayahan, bago lumucloc ay hintin muna na pagsabihan, at houag pipili nang mahal na loclocan, sapagca mahan~gay ipagutos nang may bahay na umalis ca sa mababa at umaquiat ca sa mataas, na cun na sa mataas ay paalisin at ituro sa mababa. Sa paguumpocan ay caiin~gatan ang quilos, tin~gin at pan~gun~gusap, at baca maquitaan nang cagaspan~gan, ay cahiyahiya.
Sa isang piguing ay maraming lubha ang masasamang gauang naquiquita, na laban sa calinisan sa cabaitan at sa camahalan nang asal.
May maquiquita cang guinoó, na palibhasa,i, inaaring mataas nang iba, ay guinagaua ang asal na di nagpipitagan sa may bahay. Palin~gap-lin~gap ang mata, sa magcabi cabilang suloc, tinitingnan ang handa, at pag may di naibigan ay pinipintasán, na halos murahin ang may piguing.
May maquiquita ca naman, na pagpanhic sa bahay, ang sombrero,i, na sa ulo, ang baston ay di mabitiuan; di nagpupugay sa may bahay, pagbucá nang bibig ay nacatutulig, at pagsasalita,i, siya ang marunong, siya ang may bait siya ang matapang, ang mayaman at mahal na asal; bago,i, na ang pang-sira sa piguing na paris niya. Ang lahat na ito ay sucat ilagan. Sa madlang bagay na inihahanda nang may piguing, hindi mauaualan nang sucat cauiuilihan nang mata: cun may ipaquita ang may bahay, na parang ipinagpaparan~galan, cun may cabutihan ay taponan nang caunting puri, Páhiná 47at cun may capintasan man ay magualang bahala houag pupulaan, at nang di ang dalamhati ang matubo nang caua auang nagpagod. Cun nangaanyaya sa pagcain ang may piguing, ay houag magpapauna sa lahat, nang houag uicaing salangapang n~guni,t, masama rin naman ang pinagcacahirapang anyayahang, sapagca,t, quinayayamotan.
Sa lamesa, ay sabihin mo cay Honesto, na cun macaquita nang bata na naquiqui guiit sa matanda, idinuducot ang camay, naquiquicain, ay di ina-anyayahan, ay pacailagan ang gayong masamang asal sapagca,t, nacasisira nang puri sa ma~gulang at nauiuica, na di tinuroan nang magandang caasalan. Houag maquiquiloclóc sa matatanda, cun di pagutusan at pilit pilitin. Sa pagcain, ay iilagan ang pag uubó, at cun hindi mangyari ay tumindig, gayon din naman ang paglura, pagdahác, pagsin~ga, ang pagbahin, at cun di maiilagan at cun minsan ay mabiglaanan, lumin~gon sa cabila, tacpan ang bibig nang panyó, at nang houag mahalatang lubha. Ilagan nang bata ang pagcamot camot, at iba pang gauang cahan~galan sa pagcain. Houag magpapauna sa matatandá sa pagsubo; houag magsasalita cun di tinatanong, at cun matanong naman ay sumagot nang maicli at banayad; n~guni, lilinisin muna ang bibig nang servilleta cun mayroon, at cun ualá ay panyó at houag sasagót nang lumilinab ang bibig at namumualan. Houag magpapaquita nang galit sa naglilingcód sa lamesa, sapagca,t, isang caualan nang bait, na para rin naman nang cumaing namumunó ang bibig, nagdudumali dalás-dalàs at malalaqui ang subo, di pa nalululón ang isa,i, susundan na naman, ó namumutictic ang canin at naglilináb; sapagca,t, mahaPáhiná 48halata ang catacauan at casalaulaan. Ang pagcain ay banayad, ang subo ay catamtaman, hindi malalaqui at dalás-dalás, patun~gó ang mata at di nagmamasid sa quinacasalo, ay tandang pinagcacaquilanlan nang cabaita,t, cahinhinan. Iilagang marumhan ang mantel, lamesa, nang sabao, alac ó tubig nang di mapahamac, cun ang hinahauacan ay vaso, cuchara, ó copa, ay houag punuin, at nang di mabubó. Ang magpaquita nang lambing at magpairi iri ay nacamumuhi sa bata. Ang humimod sa daliri, hipan ang mainit na sabao, lamasin ang ulam, manguipaldal ang pingang quinacanan, cagatin ang ulam, at saca isauli sa pinangalin~gang pingan; uminom sa copa nang alac, ó vaso nang tubig na di nililinis ang labi, ay pauang casalauaang nacapandidiri sa nacacaquitang tauo. Ang uminom nang alac, ay masamang tingnan sa bata, at lalong masama ang mahalatang maibiguin sa alac. Cun matanda at iinóm ay maglagay sa copa nang caniyang mauubos, acalain ang maiinóm, sapagca,t, cun may matirá, ay pandidirihan nang iba, at bago uminóm ay linisin ang bibig, gayon din naman cun matapos. Hindi nauucol na magpainóm sa isang copa ó vaso cun maraming magagamit, sapagca,t, cun mainuman n~g isa ay pandidirihan nang iba. Cun baga,t, nagtatagayan, ay houag pipilitin ang capoua na painomin nang di macayanan, nang houag, macapahamac, at nang di siya ang pagcadahilanan nang pan~gun~guaad nang masama, paggaua nang di matouid, cun baga,t, mapagdimlan na ang isip. Cun hihin~gi nang alac, ay houag ipan~gusap nang malacás, cun di ihiuatig lamang sa namamahala. Houag nagpapahulí sa lahat sa pagcain, at houag Páhiná 49namang magpapauna nang pagtindig, cundi paunahin ang matanda. Cun may í aabot sa iba, magoui nang ulam at ano mang bagay, ay houag lamasin at nang di pandirihan. Ang maganyayang mulán ang pagcain, ay na-uucol sa may piguing at di sa pinipiguing, at nararapat naman na sayahan ang muc há nang nagaanyaya at nang di maquimi ang inaanyayahan. Ang magsucbit nang matatamis ó maglagay sa bulsa nang ano mang macacain, ay isang catacauang nacahihiya; n~guni, cun may matanda na magaabot sa bata, ay dapat tangapin at cacaraca,i, pasalamatan ang nagmagandang loob.
Cun darampót nang vaso nang tubig, ay tingnan muna cun malinis ang daliri, at nang di marumhan ang hahauacan; houag isusubo ang daliri sa loob, sapagca,t, cun maquita nang maselang matá, may mandidiri. Sa pag inóm, cun mangyayari ay gamitin ang dalauang camáy, ang man~ga daliri ay sa dacong puno, houag ipapatong sa labi nang vaso ó saro at nang di casuclamán. Pagtindig ó bago umalis sa dulang, ay magpapasalamat sa Dios; n~guni, ang dapat mamuno ay ang may bahay, ó may piguing; at cun may sacerdoteng casalo ay sa caniya nauucol, at pagcatapos, ay magpasalamat sa may bahay. Nauucol disin na ituro nang magulang, ó maestro sa escuela ang pag bebendición sa dulang, ang pagpapasalamat sa Dios, sa man~ga bata, gayon din naman ang magandang cahatulan na isinulat co, sa iyo Feliza, laquing caligayahan ang aquing cacamtan, cun si Honesto,i, maquita co, na marunong maquipagcapoua tauo at sa paquiquipagharáp sa puno sa bayan, sa man~ga sacerdotes, sa matatandá, maguiPáhiná 50noó, sa capoua bata, at itinutunton sa guhit ang asal, quilos at pan~gun~gusap. Quiquilanling cong utang cay ama, cay ina,t, sa iyo, cun sa isang piguing ay di magpaquita nang catacauan, cahan~galan, cun di cabaita,t, cahinhinan, sapagca,t, maguiguing capurihan nang umaral na magulang at caran~galan mo naman; ¡oh Feliza! sapagca,t, catulong ca sa pagcacalin~ga. Adios, hangang sa isang sulat.—URBANA.
MANILA....
MINAMAHAL CONG CAPATID: Alinsunod sa pagsunód co sa cahin~gian mo na isulat co sa iyo ang mágandang aral na aquing tinangap sa maestra, ay minatapat co na dito,i, ipahayag sa iyo ang ayon sa calinisan. Tanto co na icao at si Honesto hinguil sa magandang asal na ito, n~guni dito,i, siya co ring saysay at ang aquing nasa,i, siyang cauilihan nang iyong loob at panatilihan, sapagca,t, ang cahusayan nang calinisan sa asal ay salamin nang calinisan nang caloloua.
Pagca tapos nang pagpupuri sa Dios, ang pagpilitan nang tauo ay ang paglilinis nang catauan, na para nang aquing sinaysay sa man~ga unang sulat, ay isusunod ang pagsisicap na ang damit na isosoot ay malinis; at ang calinisang ito ay di dapat limutin nang tauo sa bahay man, sa simbahan at sa lansan~gan man sapagca,t, ang calinisan at cahusayan sa batá ó binata, sa may asaua, ó sa dalaga ay hiyas na quinalulugdan nang mata at quinauiuilihan nang loob. Ang calinisan at cahusayan, anaquin; sapagca,t, malinis man at mariquit ang damit, cun ualang cahusayan, ay di nagbibigay dilag sa dinaramtan. Bucod sa caPáhiná 51linisan at cahusayang hinihin~gi, ay cailan~gan din naman ang pagbabagay-bagay sapagca,t, napatataua ang hindi marunong magucol ucol nang damit, na caparis nang lucsa na sa pula; gayon din naman ang pagsasalit nang may halagang cayo sa duc ha at abang damit.
Cun ang pananamit na di nagcacabagay-bagay ay nacatataua, ang pananamit na mahalay ay nacasusuclam at nacaririmarim.
Cun magsoot ang isang babaye nang barong nan~gan~ganinag, ualang tapapecho ó panaquip sa dibdib, ay nacasusuclam tingnan, at ang may panaquip man ay di rin naitatago ang catauan at cahit paganhin ang barong nan~gan~ganinag sa isang babaye ay masamang tingnan, sapagca,t, naquiquita ang calahati nang catauan.
Salamat, Feliza, sa íyong magandang ugali, na pinagsususón mo ang baro, at iniin~gatan mong maquita nang matá ang iyong catauan. Ang magluang nang bilog, ang mamaro nang maicli, ang babaye na di marunong magin~gat nang caniyang pagquilos, ay parang itinatanyag ang catauan sa mata nang tauo.
Sucat alalahanín nang man~ga namamaling binibini ang malinis na uaní nang isda, na tinatauag na Pesmulier. Ang isdang ito, ang sabi, ay may suso sa dibdib, ang palicpic ay malalapad: pagnahuli nang man~gin~gisda, caraca raca ay ibanababá ang palicpic at itinataquip sa dibdib at nang di maquita. ¡Magandang caasalan na sucat pagcunang halimbaua nating man~ga babaye! Páhiná 52 Casunod nang calinisan sa pananamit ang calinisan at cahusayan sa pamamahay; sapagca,t, ang carumihan at caguluhán ay nagbabantóg sa nananhic na ang namamahay ay culang sa bait, anyaya at magasó. At nang pagcaratihan mo, Feliza, ay hatol co sa iyo na anomang gamitin mo ay isauli sa pinagcunang lugar, at bago isauli ay linisin cun narumihán. Ang hagdanan, cocina at hihigan ang nagsasaysay nang calinisan nang may bahay, caya dapat pagiin~gatan.
Sucat na tandaan nang isang dalaga na siya ma,i, maganda, mayaman at marunong maghiyas cun di marunong mamahay, ay uala ring halagá sa marunong magmasid: sapagca,t, ang babaye ang nagiin~gat nang susi nang caran~galan sa pamamahay, caran~galang sinisira nang sambulat na babaye.
Cun ang calinisan ay hinihin~gi, sa tauo sa sariling catauan at sa pamamahay ay hinihin~gi rin naman sa pagharap sa tauo. Ito ang dahilan at pan~gun~gusap quilos, pagtin~gin at boong caasalàn ay sucat in~gatan na houag maquitaan nang casalaulaan ó anyong masama na icapipintás.
Cun tayo,i, naquiqui usap ay houag i-abot ang camay cun baga,t, marumi at nang di pangdirihan: at sacali,t, hin~gin, ay itangui at isaysay ang cadahilanan.
Sa pagcain, ang ano mang bagay na ating gamitin at marumihan nang camay ó nang ating bibig ay di dapat i-abot sa casalo.
Ano mang gamit natin sa pamamahay ay houag ipagamit sa iba cun pangdidirihan, maliban na lamang cun na sa caguipitan at ualá nang magamit na iba, at capos naman sa panahong sucat ipaglinis. Páhiná 53 Sa pan~gin~gibang bahay naman ay dapat ang pagiin~gat. Sa paggamit nang casangcapan nang may bahay ay di ucol ang ualang uastó, ualang cahusayan at calinisan, sapagca,t, nacamumuhi.
Ang manhic sa ibang bahay na di malinis ang chapin ó paá, ay nacagagalit sa may bahay, caya dapat maglinis muna sa pamahiran nang paá.
Sa pagpanhic sa hagdanan ay houag mananabaco, lalo,t, cun ang sinasadya ay tauong mayselan. Cun macapanhic na, macapag bigay galang sa may bahay, houag caracaraca,i, umupó cun di cun pagutusan: at sacali,t, dumating ang ibang tauo ay alayan nang loclocan, at cun bagá ualá nang iba cun di ang inu-upoan natin ay siyang i-alay.
Ang man~gahas bumuclat nang libro ó sulat, ó dumampót caya nang ano mang bagay na maquita sa mesa, ay asal nang tauong hamac.
Ang magsalitá nang nacasusuclám sa caharáp ay masamang paquingan, at totoong pan~git sa isang binibini.
Gayon man, ang magandang caasalan ay naguiguing viciong nacacamuhi, cun pinalalampas sa guhit. Nacapopoot sa man~ga casambahay, at sa sinasamáng palad na nacacasama sa man~ga paglacad sa cati, sa paglayag sa caragatan, ay nacápagbibigáy poot cun maquita na ang anomang malapit, anomang maamóy, anomang mahipo ay pinangdidirihan.
Nacálulucod tingnan ang malinis sa pamamahay, sa pananamit, sa m~ga paggauá at sa boong caasalan: n~guni ang lahat nang bagay dito sa mundó ay dapat ituntóng sa guhit, na di ucol na lampasán. Páhiná 54 Ang cahusayan at calinisan ay hiyas na hinahanap sa babaye at gayon din sa lalaqui, n~guni alalahanin na ang ating man~ga casangcapan, damit at madlang pagaari sa mundo at talagang ipaglilingcod sa tauo. Caya cahima,t, mahalaga ang anomang pagaari, ay di sucat mahalin nang ating puso, di dapat na pagubusan nang ating lacás.
Cun sa pagmamahal sa asal, at sa calinisan ay nágcuculang ang man~ga babaye, ay lalo ang man~ga lalaqui.
Namamasdaan n~gayon ang mamaro nang maicli, ang salauál ay manipis at madalang, ¿ano ang sinasaysay nang asal na ito?
Ang sinasaysay ay casalaulaan, caculan~gan nang hiya at bait nang sumusunod sa mahalay na moda.
¡Masamang casalan na pangsira sa man~ga caloloua, nunucao nang galit nang Dios na tayo, parusahan!
Ipagcaloob nauá nang Lan~git na maliuanagan: ang nagcacamaling bait nang cabinataan.
In~gatan ca nang Dios, Feliza.—URBANA.
Si Urbana cay Feliza.—MANILA ...
FELIZA: Ang isa pang pagcacaquilanlán sa tauo, na may pinagaralan, ay sa pagcain, caya ang tauo,i, hangang bata ay magaral, at nang houag maguipit sa capanahonan. Magmulá sa cabataan, hangang sa tumanda, ay marami ang pagdaraanan, Hindi nalalaman cun siya,i, magmamaguinoo, o cun hindi, cun sino sinong tauo ang caniyang macacasalo sa pagcain, cun saan saang bayan siya mapapatun~go; cun may pinagaralan, ay di mahihiya pagdating nang capanahonang gamitin ang caniyang carunun~gun.
Cahiman, Feliza, ay di caraniuan sa ating tagalog ang gumamit nang cubiertos[5] sa pagcain; dito,i, isusulat co rin ang man~ga cahatolang dapat alinsunurin. Di mo cailan~gan ang saysayin co sa iyo, pagca,t, datihang cang gumamit; n~guni quinacailan~gan nang iba, na di nacaaalam, sapagca,t, cun maanyayahán sa isang piguing na di sumusubo nang camáy ¿ano ang masasapit cun di marunong? Capilitang mahihiya. Laqui nang nasa co, na ito,i, pagcaugalian sa catagalugan. Ang lahat nang nacion sa Europa, ang Americanos, may ganitong caugalian, sapagca,t, isang camahalan nang asal. At cahiPáhiná 56ma,t, ang Inchic, ay di gumagamit nang cubiertos sa pagcain, ay may sipit na sinasancáp, sapagca,t, aayao marumihan ang camay at nang di carimariman. Ang man~ga Turcos ay may ugali sa pagcain na para nang tagalog; n~guni sa panahong ito,i, nagaaral nang magcubiertos, lalo na ang man~ga guinoó, tumutulad sa man~ga taga Europa, sapagca,t, naquiquita ang calinisan nang ganitong pagcain. Aquing mumulang isulat ang man~ga regla.
Ang lamesa,i, lalatagan nang mantel na malinis, at sa ibábao nang servillet ilalagay ang sopera[6] cun mayroon. Ang soperang ito, ay ilalagay sa harap nang magbabahagui nang sopas, na ang caraniuang mamahagui ay ang pinaca puno sa lamesa. Cun ilan ang uupó sa dulang, ay gáyon din namán ang bilang nang plato sopera;[7] sa caliua ilalagáy ang tenedor, sa canan ang cuchillo,t, cuchara na cung mangyayari maguing tatlong paris na pauang malilinis. Pagcatapos nang sopas, ay casunod ang puchero ó laoya na babahaguinin nang may catungculan. Cailan~gan, na ang magpipiguing ay humanap nang sirvienteng datihan sa ganitong pagcain, sapagca,t, cun di matuto ang naglilincód sa dulang, ay mahihiya ang may piguing. Ang iba,i, may ugali, na pagcatapos cumain nang isang potage, ay naghahalili nang pingan at cubiertos, magmasid ang pinipiguing at maquiugali sa caniyang casalo. Quilanlin naman nang may piguing cun sino ang caniyang pinipiPáhiná 57guing at carampatang bagayan. Tingnan cun may ganitong ugali, at paquibagayan. Nang di magcagulo-gulo ang pámamahala sa mesa ay nauucol maghandá nang maraming pingang malinis sa isang bucód na mesa, at magca hali halili. Pagcatapos nang puchero, may ugali ang iba na isinusunód ang man~ga guisado at saca ang prito, asado ó inihao. Ang salsa, ay ilalagáy sa salsero[8] na carániuang gamitin sa man~ga asado. Ang salsero ay houag saosauán, sapagca,t, isang casalanlaan.
Cun cailan~gang magsangcap nang salsa, ay magbuhos nang caunti sa caniyang pingan, at cun ang salsero,i tasa lamang ay caoquin nang cucharang malinis. Ang cuchara ó cuchillong marumi, ay di dapat gamitin sa ulam na nasa mesa, at nang di pangdirihan nang iba. May isa namang ugali, na ang namamahala sa mesa, at namamahagui nang ulam, ay ang man~ga casambahay ó caibigan caya nang may piguing. Ang isdá cun malaqui, ay dapat namang ilagay sa isang platong mahaba, at cun babahaguinin sa lamesa, ay hahatiin nang cuchillo sa taguiliran, magmulá sa ulo hangang buntot, cun maubos ang isang taguiliran ay isusunod ang cabilâ. Cun ito,i, maubos naman, ay itaas ang tinic, at saca isunód na ipamahagui ang bandang tiyan. Cun ang isda,i maliliit, ay ipamahaguing boó. Cun may calac han ay pagputlin-putlin. Ang pugo ay boong ipamahagui, cun malalaqui ang ibon ay pag-puputlin-putlin sa isang pingang bucód, huhulihin ang casucasuaan nang pacpác, hita at nang huag paghirapan, ang pichó ó dibdib, ay cucunin nang paayón sa estauan, boó-boong piraso at di duduroguin. Páhiná 58 Ang jamon naman, ay lalapain muna ang tabá, na di ihihiualay sa casama, bábaligtarin ang balát na linapláp saca cucunin nang pasalapsáp sa loob, paayon sa quilabot, ninipisán nang pacuha cun ilang lapang, ang cailan~gan, ay siyang ipamahagui, at saca itataquip ang linapnáp na tabá. Ang iba,i, may ugali, na hinihiuang manipis nang paputól ang jamón. Sa pabo nama,i, ang unang quinucuha,i, ang buchi, isinusunód ang hita, at saca ang dibdib, na hinihiua nang pahabá. Di ang caraniuang gamit ay ang trinchante.[9]
Ang pastel at relleno, ay inaalisán muna náng pinacataquip, quinucuha ang lamán, at ang pastel ó masang nacabalot sa lamán ay hihiuain nang pahabá. Cun ang laman ay ibon, ay ibubucod. Cun ang pastel ay manipis, mumulan ang hiua sa bandang guitna. Ang inihao na baca, ay hihiuain nang pahalang sa lamán, ang tupa ay paayón.
Ang man~ga biling ito, ay siya ring susunód sa man~ga guisado. Ang man~ga bun~ga nang cahoy cun i aabót sa iba at uala sa pingan, ay duroin nang tenedor, at houag hahauacan nang camáy. Ang man~ga binatang nagiibig matuto, ay mag-aral sa sarili nang houag mahiya pagdating nang capanahonan.
Houag ihahahauac ang daliri nang ano man sa mesa cun di ang gagamitin ang cochillo,t, tenedor.
Sa pingan ó sa vasong ini inomán ó quinacanan, cailan man ay magtitirá nang coanti. Banlauan Páhiná 59ang ano mang quinacanan at saca inomin ay isang catacauan.
Ang paggamit nang cubiertos ay marahan, houag n~gan~galotin nang n~gipin at houag namang n~gabn~gabin nang labi.
Ang magauit sumutsót at dumhán ang iba nang sabao, ay nacarurumí, para rin naman nang sumigao, mamintás nang ulam, mamulá sa iba, magmadirihin sa quinacain, sapagca,t, nacahihiyá sa may piguing, at nacagagalít sa iba. Cun magsasalitá ay sayahan, n~guni lalangcapán nang cahinhinan; houag maglalasing, sapagca,t, cun mapagdimlan na ang isip, ay di na maalaman ang guinagaua ó sinasabi.
Houag magpaquita nang quilos masamá, na para baga nang mamualan, dumampót nang lapang lapang na ulam, ó tinapay, uminóm nang maraming alac, nang di mauicaang matacao ó lasing.
Cun tumama nang pingan ó ulam na marumi, ay houag ipahálata sa may piguing na pinangdidirihan, ibigay sá sirviente at nang halinhan nang ibá.
Cun may capintasan ang handa, ay ualing bahala; ang ipaquiquita,i, saya, at pasalamatan ang nagpiguing sa anyayang bigay puri sa piniguing.
Ugali nang taga Europa, na sa pagcain ay nagsasalit nang tagay na sinasamahan nang pan~gun~gusap na tulá, at cun minsan ay di tulá, na ang cahulogán, pagnanasá nang cagalin~gan sa hari ó reina, ó ibang pinuno, ó sa may piguing caya. Páhiná 60 Cun minsan, ay unang nan~gun~gusap nang patindig, ang pinaca puno sa mesa, pagtindig niya,i, susunod ang lahat; at sa paginom naman nang alac ay ganoon din. N~guni,t, ang baua,t isa, ay may sariling copa ó vaso.
Máy bucod namang brindis ó tagayan na isang tatlo apat lamang sa mesa ang nagtatan~goan nang ulo, na ang cahulugán, ay pa papáhayag nang cani canilang pagiibigan at pagmamahalan.
Ang camahalan nang asal sa pagcain, sucat pagaralan hangang bata, nang pagca bihasahan, at nang di n~gan~gapa-n~gapa pagdating nang capanahonan.
Si Honesto, Feliza, pagpilitan mong matuto, sapagca,t, capurihan mo,t, caran~galan naman niya. Cun nagtatacá ca,t, aco animo,i, isang dalaga, ay hindi bagay ang gumauá nang madlang bagay na dito,i, sinasabi, ang sagot co sa iyo,i, di co guinagaua,t, di co nacacayanan, palibhasa,i, di ucol sa babaye. Isinulat co sa iyo,t, nang may pagcaaninauan si Honesto. Adios, Feliza, in~gatan ca nauá nang Dios.—URBANA.
Si Urbana cay Feliza.—MANILA....
FELIZA: Cun si Honesto,i, isasama mong magpacial, ay papamihasahin sa paglacad na mahinhin, ang biling cong ito,i, sa iyo,t, sa caniya,i, ná-uucol naman. Cun nagpapacial ay houag tutulinan ang lacad, lalo,t, cun may ibang casama. Houag magpapaquita nang cayaban~gan, na iquinacayangcang ang dalauang camáy, ang liig ay naninigás at pacailagan ang palalong äsal, na máquiquita sa ibá, na cun ilin~gon ang muc ha,i, casama pati catauan na parang naninigas.
Cun ang tauo,i, manlalansan~gan, ay bago manaog sa lupa, ay isaloob muna na siya,i, hamac na ood, anac sa casalanan, hilig sa camalian, caya magpacain~gat man, ay nagcacamali rin. Cahit ang cabaita,t, para nang cay David, cahit ang carunu~ga,i, para nang cay Salomon, cahit ang cayamana,i, para nang cay Asuero, ay magcacamali rin at capilitang mapipintasán din.
Cun lumalacad sa daan huag magnanasang mapuri nang lahat, sapagca,t, cun may isang pumuri ay sampuó ang pupúla. Huag isasaloob ang caniyang carunun~gan, camahalan, cagandahan at dalang cabutihan, ang alalahanin ay ang sarili niyang casiraan at dalang capintasan, at nang matutong magpacababa nang loob at asal, malayo ang capalaloan, at houag mamihasáng maghambog nang di tauaguing ulól. Páhiná 62 Sa isang dalaga naman, ay di nababagay ang paglacad na pinag-áaralan, ang magpaquin dingquinding at tumin~gin nang pasuliáp sa naquiquitang binata, sapagqa,t, icapupúla sa caniyang asal.
Cun ang isang dalaga ay mag paquita sa lacad, sa quilos, at pagtin~gin nang laban sa cabaitan, ay parang nagaanyaya sa lalaqui, na siya,i, aglahiin nang masamá.
Cun pinagcalooban nang Pan~ginoong Dios nang cagandahan, ay alagaan at paca-in~gatan na parang isang lirio, bacuran nang cabaita,t, tinic nang cahinhinan at nang di pan~gahasang pitasin nang salangapang na camáy.
Houag ipagpalalo, houag magnanasáng mabunyi,t, mabantóg, sapagca,t, di ang cagandahang tulad sa bulaclac na madaling malanta, agád cumucupas, di ang cariquitang para nang oropel, na ang buti at ningning ay pandayang mata, cun di ang cabaitan at ang tacot sa Dios ang pinacamamahal nang tauong may bait, siyang hinahanap nang haring Salomon, at ipinupuri sa isang babaye.
Houag magnanasang mabunyi sa cagayacang hiyas at cariquitan, at baca mahilo sa incienso nang puri, suyo at lamuyot, na isinusuob nang cabinataa,i, mapagdimlan ang isip at mapagdayaan.
Paca isipin nang dalaga, na ang caniyang puri, ay maipaghahalimbaua sa cayamanan, sa hiyas na iisa-isa na ini-in~gatan, sa minsang masira,i, di na maooli, sa minsang malaglág ay di na madarámpot. Tulad sa maningning at malinis na bubog na sa minsang mabasag ay di na mabubuo.
Paca iin~gatan nang isang dalaga, sapagca,t, sa minsang manacao nang tacsil na loob, ay uaPáhiná 63lang magagaua, cun di ang tuman~gis, n~guni, tan~gisan ma,i, di na macucuha ang ipinanacao na hiyas.
Cun nanglalansan~gan ang isang babaye, at napamumutihan nang mariquit na damit at mahahalagang palahiyasan, at parang naguaualang bahala, sapagca,t, masamang tingnan ang palaguin nagaayos sa daan, hindi matuloy ang lacad, at toui na,i, pinagmamasdan ang boong catauan.
Cun papasoc sa isang halaman, ay houag man~gahas muti nang man~ga bulaclac, mitas nang bun~ga nang man~ga hálaman, cun di pinaguutusan nang may ari.
Cun may papanhiquing bahay, ay houag darampot nang anomang casangcapan, ó laroan caya, sapagca,t, isang capan~gahasan.
Cun ang bata,i, may casamang matandá, ay houag tutulinan ang lacad, at alalahanin ang cahinaan nang caniyang casama.
Cun ang capacialan ay isang guinoó ó mahal, ay houag man~gun~guna, ó umagapay caya, cun di magpahuli nang munti, houag namang tumiguil cun di sila ang magpauna. Cun pipihit at babalic sa pinangalin~gan, ay houag magpapauna, at cun pipihit na,i, houag tatalicuran.
Cun nagpapaalam na, at maghihiualay na sa pagpapacialan, ay houag magdaan ang bata sa haráp nang matanda at ang sila may magcapoua bata, ay houag tatalicuran ang casama cun di ang ucol ay ang harapin.
Cun ang casama ay mataas sa caniya, ay cacananin, n~guni, cun nalacad sa tabi nang bacod sa acera caya, ó latag na bato, na nasa tabi Páhiná 64nang bahay na para rito sa Maynila, ay doon ilalagay ang mataas, ó mahal, cahima,t, mapa sa caliua.
Cun tatlo ang nagpapacial, at magbabalic at pipihit na lahat, ang paguiguitna ay ang quinacanan nang nangaling sa guitna: cun nagcaca-apat, ang paguiguitna,i, ang dalauang na sa tabi; n~guni, magin~gat sa pagpihit, at houag talicoran ang capacialan.
Ang reglang itó, ay susundin maguing sa bahay at sa lansan~gan man nagpapacial.
Cun ang nagcacasama ay tatlong di magcaisang uri, capala pa,i, di ang mahal sa lahat ang iguiguitna, at cun baga sa lansan~gan nagpapacial at pipihit na lahat, ang mataas ay ilalagay sa acera, ó sa tabi nang bacod, ang paguiguitna,i, ang pan~galaua niya sa uri.
Cun ang bata, baguntauo ó binata, ay may casamang matanda, mahal, ó guinoo at may maquitang caquilala, ay houag tumiguil na maquipagsalitaan at nang di matalicdan, na parang pinauaualang halaga, ang quinacasamang mahal, bucod dito,i, di dapat na papaghintayin.
Cun baga sacali,t, magsisitiguil at tatayó, ay masamang tingnan ang pagsaclitin, ó papagpatun~gin ang paá, ó pacaang-caan~gin caya, na parang naghahambog.
Ang magpalin~gos lin~gos sa raan, magtacá, mamaang sa ano man, na parang noon lamang naquita, ó maquipagsalita caya sa matanda na para nang sa bata, ó magsaysay caya nang ano man na parang siya lamang ang naca-aalám, ay isang casalanang nacalulupit. Páhiná 65 Cun masalubong ang bata nang sacerdote, maestro ó mahal na tauo, ay pagpugayan, at cun sacali,t, siya,i, titiguilan at sasalitain, ay houag ilalagay ang sombrero sa ulo, hangang di pagutusan, at pagutusan ma,i, houag ilalagay na madali, cun di uliting macalaua, ó macaitlo.
Cun ang na sa ulo,i, panyó ay carampatang alisin, cun maquiquipagusap, maguing sa lansan~gan man, at maguing sa bahay, lalo,t, cun nagsisilbi sa dulang.
Masama rin namang caasalan sa lansan~gan ang tingnang palagui ang chapin, ó chinelas, pagpaguin cun di cailan~gan, bunutin sa paa,t, bitbitin sa camay ó quipquipin caya sa quiliquili, ang lahat nang ito,i, nacatatauang tingnan, maguing sa lalaqui; gayon din naman sa lumalacad na lumalagapác ang paá, sasaga-sagadsad, sapagca,t, naquiquilala na hindi datihan ang paang sangcapan nang chinelas at chapin.
Ang lalaqui o babaye na cun lumalacad sa simbahan, ay di nagdarahan, ang tulin ay di hamac at cun nagchichinelas ay sumasagadsad, bucod sa masamang tingnan, nacalilibang sa nagdarasal na tauo, nacapagbibigay galit at di malayo macayurac sa nan~galuluhod, ay nagpapahayag na uala sa caniyang caloob ang pagpasoc sa bahay nang Dios.
Sa pagpapacial naman at may datnang lu~gar na paghin~galayan at ang man~ga binata,i, may casamang mahal na tauo, ó man~ga babaye, cun sacali,t, man~gagsisiloclóc, ay magparaya ang man~ga binata sa mahal na tauo, ó man~ga babaye cun sacali,t, ualang maraming bancó, ó man~ga taboreteng mauupan. Páhiná 66 Cun ang bata ó baguntauo, ay nagpapacial na casama,i, capoua binata, ay iilagan ang masamang ugali, na nagyayacapan, cun minsan nagaauitan ó naghihiyauan parang ulól, ó nagaaglahian nang mahalay, sapagca nagpapahayag na ualang pinagaralang bait.
Caiin~gatan mo, Feliza si Honesto, houag ipahintulot na maquisama at maquipagibigan sa capoua batang masama, sapagca, cun may caunting bait na inin~gat, utang sa pagcacalin~ga ni ama,t, ni ina, masisira, cahina hinayang, sapagca,t, cun ano ang maquita sa capoua bata, ay siya ang gaguin.
Cun magcagayo,i, sayang nang magandang aral na tinangáp sa magulang sayang nang canilang puyat, sayang naman nang puyat mo. Dito nauucol yaong refran nang castila: sabihin mo sa aquin cun sino ang casa-casama mo, at tuturan co naman sa iyo cun icao ay sino. Ang cahuloga,i, cun ang casamahi,i, may bait, ay bait naman ang matutuhan nang bata, at cun masamá ang casamahin, ay masamá rin naman ang matututuhan.
Cun si Honesto na sa lansan~gan, ay houag mong tulutan na maglalaong lubha, maquiquipagpacial sa batang ualang bait, at nang houag masira.
Cun may causap sa lansan~gan, na maguing mahal mang tauo, ó capoua bata, ay itutunton sa guhit ang asal, quilos at pan~gun~gusap, at houag magasal han~gal. Adios. Feliza, hangan sa isang sulat.—URBANA.
Si Urbana cay Felisa.—MANILA....
FELIZA: Dito,i, ang ipahahayag co sa iyo, ay ang aasalin ni Honesto, sa paquiquipagaliuan sa capoua bata, at ang paglalaro cun siya,i, lumaqui na. Ang isip nang tauo ay para rin naman nang tauo, na nahahapo cun mapinsalaan sa paggaua. Ang malabis na pagaaral, ang magisip na palagui, ang magpuyat sa pananalan~gin, na bahagya na macapagpahin~ga ang catauan, sa oras na quinacailan~gan, at ano mang gauin nang tauo pag di natunton sa guhit, ay nacapagcaca-saquit, caya itinutulot ang pagaalio, nang may pagcaguinhauahan ang tauo, may pagcaliban~gan at nang houag maginit ang ulo. N~guni, at sapagca ang lahat nang gagauin nang tauo, ay i-aalinsunod sa regla, cun ang pagaalio, na isa rin namang cabanalan ay napapasinsay ó napapacalabis, ay naguiguing vicio.
Ang paglalaró nang bata sa capoua báta, ay ilalagay sa catamtaman at houag itulot sa caniyang puso ang anomang camalian na icapipintas sa caniyang asal.
Houag lilimutin ang cabaitan, cahinhinan, at sa caniyang calaro, ang ipaquiquita,i, magandang loob na lalancapan nang pagpaparaya cun cailan~gan.
Cun nananalo, ay houag magparamdam nang malabis na toua, at cun sacali ma,t, matouá ay houag magpaquita nang quilos na sucat damPáhiná 68damin nang caniyang tinalo, houag hahalachac na parang ipinagtatagumpay ang pananalo, sapagca,t, hindi man magalit, ay capilitang masasactan ang nagahis na calarô.
Cun natatalo naman ay houag magpahalata nang calumbayan ó cagalitan at nang di mauicaan na masaquim sa salapî.
Sa pagdampót nang salaping panalunan, ay houag limutin ang cabaitan.
Ang paninin~gil nang pautang sa oras nang paglalarô, ay houag gagahasaan.
Cun ang pananalo,i, nagcacaalan~gan, na ang magcacalarô ay may cani-caniyang matouid na inihahanay, ay ipahahayág nang banayad, at houag sisigáo-sigáo ó magpapahalatá caya na ualang inin~gat na mahinhing loob.
Ang pagcaisahang hatolan na dapat matalo sa inaacala mang siya,i, may matouid ay magparayá at ang isaloob, ay ang nagsihatol ay may bait na tauo,t, ualang quinacabig at ualang iniiring. Sa matouid ma,t, sa hindi ang caniyang pagcatalo, ay houag magpahalata nang galit, houag ipagtapunan ang baraja ó anomang pinaglalaroan, tatadyác caya,t, sisicad houag cucumpas cumpas sapagca,t, ang gayong quilos, ay laban sa mahal na asal. Paganhing saysayin, sa pagaalio, ay houag lilimotin ang tapát na paquiquipagcapoua tauo, at diyan maquiquilala cun may pinagaralan.
Caiin~gatan mo, Feliza si Honesto, na maquipaglarô sa malulupit na bata, sapagca,i, di man pagaauay ang caniyang matubo, ay pan~ganib na mahaua sa canilang casamaan. Páhiná 69 Cun may matandang maganyaya sa bata sa paglalarô ay houag cara-caraca,i, papayag, sapagca,t, cun masda,i, isang capan~gahasan.
Cun ang larô, ay baual nang Superior Gobierno, nang Santa Iglesia ó nang caharian, ay tumangui nang banayad, at mahan~gay siya,i, paghinanactan sa pahinuhod sa di matouid.
Cun sa paglalaro,i, may dumating na matandá ó guinoó, at ualang maupan, ay tumindig, at ipagcaloob ang caniyang loclocan.
Hangang naglalaro,i, houag patatalong tiquis, at nang di uicain na naglalaro,i, masamà sa loob, ó naguulol-ulolan.
Cun ang calaro,i, cagalang-galang na tauo, at nagagalit dahil sa natatalo,i, houag magtindig sa larò hangang di macabaui, ó siya caya,i, tulotang umayao; at cun matalo naman ay nauucol na tumindig at houag umutang magcabi-cabilá.
Cun aalis na sa larò, ay houag magpaquita nang galit ó calumbayan, sapagca,t, parang pinipilit ang tumalo sa caniya na maglaban uli hangang di macabaui; cun magcagayon, ay ano ang uiuicain cun di ang siya,i, hindi marunong maglihim nang inin~gat sa loob. Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.
Si Urbana cay Feliza.—MANILA ...
FELIZA: Cun icao ay maquiquipaglipon, ay pagiisipin ang sariling calagayan ang sa quinacaharap, ang caniyang asal at caugalian, at ang lugar na pinaguusapan; cun ang lahat nang ito ay hindi limutin sa paquiquipagharap ay di masisinsay ó masinsay man ay munti lamang, sa man~ga cautusang guhit nang paquiquipagcapoua tauo. Caya magmula sa pagcabata hangang sa tumanda, ay magaral maquibagay sa capoua tauo at, bagayan naman ang lugar na pinaguusapan. Ang magagaua sa sarili, ay di maaari sa harap nang iba; ang mauiuica,t, magagaua sa bahay, ay di mababagay sa lansan~gan, at ang magagaua sa lansan~gan, ay di mababagay sa Simbahan. Caya sa paquiquipagcapoua tauo, ay isasaloob cun sino ang caniyang cacausapin, ang lugar na paguusapan, at cun ano ang ipaquiquipagusap, at ang lahat ay habagayan. Ang mabibigcas na sabi sa isang maalio na salitaan, ay di mababagay, sa pagpupulong sa namatayán: sa ibang sulat, Feliza, sasaysayin co sa iyo ang masamang caasalan na dapat ilagan sa bahay nang namatayan: at ang gagauin: ang mauiuica nang lalaqui ay umaan~gat sa babaye; ang bagay sa baguntao,i, di babagay sa dalaga; ang maigagayac nang bata ay di babagay sa matanda, sapagca,t, mauiuica, na ibig manaog sa baonan na batbat nang Páhiná 71yaman, hiyas at pamuti. Ang bumigcás nang salita na malayo sa pinaguusapan, ay nagaanyayang tauanan; caya ang tauo,i, maquiquibagay sa caniyang capoua, at ang caniyang gaua, quilos at pan~gun~gusap, ay pagbabagaybagayin at nang huag matauanan. Sa halimbaua, patutun~go sa bahay nang isang piguing, nagsasaya,t, tumangáp nang magandang capalaran, caran~galan ó catungculan, ay di nauucol magdamit nang marun~gis, magpaquita nang malumbay na muc-ha, sapagca,t, ang caniyang sadya ay ang pagbibigay nang en hora buena, ang cahuluga,i, ipahahayag ang quinacamtán niyang toua sa nabagong palad nang caniyang pinagsadya. Cun magpaquita nang calumbayan ay parang nagsasaysay na siya,i, nananaghili; caya ang quilos at pan~gun~gusap ay iisipin, na ibagay sa touang ipahahayág.
Ang tauong nagagalit ay houag aaglahiin, sa pagca,t, lalong magagalit. Ang bata,i, houag man~gan~garal sa matandá cun di may catungculan, at capoua man bata ay di sucat man~garal, cun inaacalang di mamatapatin. Cun man~gan~garal sa capoua tauo, ay babanayarin ang sabi, houag gagahasain, at itama sa oras na mamatamisin sa loob, at di ang sino ma,i, macapan~gan~garal sa caniyang capoua, cun di ang may carapatan, caya bagay-bagay ang man~gan~garal at inaaralan, at ibagay naman sa panaho,t, oras, sapagca,t, cun di magcabagaybagay, ay di macagagaling cun di macasasama ang bibitiuang aral. Ang sasalin nang pan~ginoon sa alila, ay iuucol sa caniyang pagcalagay; at nang siya,i, igalang; n~guni,t, di nauucol ang mahampalasan, ó magpaquita caya nang cagahasaang igalang cun di ang carapata,i, lumagay sa caniyang pagcaPáhiná 72lagay; di ang calupitan, cun di ang magandang loob ang ipaquiquita at nang pintohoi,t, mahalin. Houag lilimutin nang pan~ginoon, na ang caniyang alila,i, quinapál nang Dios, calarauan nang Dios, tinubós nang mahal na dugó nang ating Pan~ginoong Jesucristo; cun dito sa ibabao nang lupa,i, tinitin~gala siya doon sa isang buhay, sinong macaaalam cun siya naman ang titin~galá; dito,i, nacapagpaparusa cun may casalanan, doon sa arao nang paghohocom sa sangcatauohan di na naaalaman, cun ano ang masasapit; cun maguiguing isá sa magsisihatol sa caniya; alalahanin naman nang alila, na ang mababa niyang calagayan, ay tulot nang Dios, at parang isang hagdang pinaaacyatan sa caniya, sa pagpanhic sa lan~git; at ang paglilincod sa caniyang pan~ginoon, ay icararapat sa Dios, ipagcacamit nang caloualhatian cun minamatamis sa loob, nagtatapat sa pan~ginoon, at tumutupad nang catungculan. In~gatan nang pan~ginoon ang puri nang alila, at gayon din naman ang alila sa pan~ginoon, at houag iba bantóg cun may maquitang camalian, lalo,t, cun icasisira nang puri ay pacain~gatan. Capagnan~gahas manira, ay pan~gin~gilagan, mapaguiuicaan na ualang inin~gat na bait. Paganhing saysaying ang tapat na paquiquipagcapoua tauo ay isang tapat na pagibig, caya ang quinaoouian ay ang pagbibigay lugod sa capoua. N~guni,t, ang pagbibigay lugod na ito, ay may guhit na tinutunton. Cun ang hinihin~gi, sa atin nang capoua, maguing camaganac man at caibigan, ay sinsay sa matouid, ay di dapat pahinohod cahit ipagdalang poot at icasira man nang pagiibigan Sinasalitâ sa historia, na si Rotilio, ay pinaghinanactan nang isa niyang caibigan, dahil Páhiná 73sa di napahinohod sa isang di tapat na cahin~gian caya pinan~gusapan nang caibigan at uinica: ¿ano ang capansanan nang pagibig mo sa aquin, cun di ca macapagbibigay loob sa hinin~gi co? ang gayong pan~gun~gusap na may hinanaquit ay sinagot ni Rotilio nang tapát: aanhin co ¿naman ang iyong pagibig cun maguiguing daan na ipipilit mo sa aquin sa paggauâ nang di catouiran? Gayon man ang marunong maquipagcapoua tauo, cun di man mangyaring macapahinohod sa namamanhic sa caniya, ay sinasagot nang banayad, binabagayan nang masayang muc-hâ. Ipinaquiquilala, malaqui disin ang caniyang nása na magbigay loob, ay hindi mangyari,t, di macayanang gauin, ó nasisinsay caya sa catouiran. Ano pa n~ga,t, ang caniyang sagót na ayao, ay sucat calugdán nang namamanhic na rin nang óo.
Ipinaguutos din naman, na cun magpapautan~gan nang loob, ay houag papaghintay hintayin ang namamanhic. Cun may sumasanguni,t, nunuha nang hatol, ay houag sumagót nang mataás na sabi, cun di banayad, malamig at cauili-uili, houag magpapangáp marunong, houag magaama-amahan, at sa caniyang sagót ay ipahahalalâ ang magandang nása nang loob sa capoua. Ano pa nga,t, cun icao. Feliza at ni Honesto, ay matutong maquipagcapoua tauo, ay ang inyong quilos, asal at pan~gun~gusap, ay magdaramit nang cariquitan na maca bibihag nang puso.
Ibig co disin, na ang man~ga sulat cong ito ay basahin mo, at gayon din naman si Honesto, houag ang minsan cun di ang maminsan-minsan, sapagca,t, cun minsan lamang, matalastas man Páhiná 74ang cahulugan ay madaling malimutan; cun basahin toui-touina, may malimutan man ay maaalaala, at ang macaligtaan sa man~ga unang pagbasa ay maaaninao sa icalaua; ang di na pagaralan nang una, ay mapagaralan sa huli, caya ipinanamanhic co na basahi,t, basahin. Adios, Feliza, hangang sa tayo,i, magquita diyan sa Paombong—URBANA.
Si Urbana cay Feliza.—MANILA ...
FELIZA: Isa sa m~ga gauang tapat na ipinaguutos nang paquiquipagcapoua tauo, ay ang pagdalao sa camaganac, caibigan ó caquilala cun capanahonan, cun dinadalao nang masamang capalaran ó namamatayán cayá, ay carampatang dalauin at maquiramay sa catouaan, ó aliuin caya sa hirap. Ituro mo Feliza cay Honesto, cun papaano at cailan gagauin ang pagdalao.
Ang unauna,i, gauin sa capanahonan, at pag di natama sa oras ay naiinip ang dinadalao, at magdadalang hiyá ang dumadalao. Sa oras na may guinagaua, lalo,t, cun nagagahól sa panahon cun cumain, humahapon ó nagdarasál ay di na uucol gauin, maliban na lamang cun magcadatihan ang nagdadalauan. Caya dapat ipagtanong ang caugalian (nang bayan at sa lahat nang caquilala) at nang houag madalao sa panahong di ucol. Páhiná 75 Cun nacasara ang pintóan nang daan, ay tugtuguing banayad at houag dalás-dalas.
Cun pumapanhic sa hagdanan, ay patatao, at cun may casamang tauo na ucol igalang ay ilálagay sa maguinhauang panhican.
Cun may casamang matanda, at di macacaya, ay tulun~gang pumanhic, at alalahanin ang panahong haharapin.
Cun may casamang mahal na babae, ay ilagay sa canan ó sa lugar cayang ucol sa caniyang calagayan.
Cun pumapanhic na sa hagdanan, ay magdarahan nang pagtungtong sa baitang at houag magin~gay at cun may masalubong na matanda ó guinoó ay tumiguil at paraanin sa canan ó sa mabuting daanan.
Pagcapanhic nang hagdanan, ay houag caracaraca,i, tutuloy, magpasabi sa alila cun mayroon, at cun uala ay tumugtóg nang marahan sa pinto at nang mamalayang may táuo.
Cun datnang bucás ang pintoan nang salas ó cabahayan, silid ó iba cayang pitac nang bahay ay houag sisilip-silip; at sala sa cabaitan.
Cun macapagbigay na nang galang sa may bahay, icao ay patoloyin sa cabahayán at paupoin ca, ay lumagay nang mahusay, houag magpaquita nang cagaslauán, na para baga nang man~guyacoy, magpatong nang paa at magpaquiling-quiling.
Cun may dalang sombrero at tungcód, ay houag ilalagay sa lamesa, canafé, cun di sa inaacala na mamatapatin nang may bahay: lalong ibinabaual, na ilagay sa hihigan. Páhiná 76 Cun ang dinadalao ay maquita na may gagauin, cacain ó aalis caya, ay houag aabalahin, at ang catampata,i, magpaalam.
Cun sa iyo at ni Honesto ay may dumalao sa oras na di ninyo ibig, ó cayo caya,i, naaabala ay houag magpahalata na ibig na ninyong umalis ang panaohin at cun magpahalata man ay binian.
Cun ang dumadalao ay mahal na tauo, ay samahan hangang sa daan, at sacali,t, gabi ay tanglanan nang candilang may nin~gas cun mayroon.
Cun cayo ay dumadalao, at sa pagalis ay sasamahan cayo nang may bahay, ay magpasalamat at ipamanhic na houag nang maabala.
Cun sa inyong pagpupulong ay may dumating na ibang tauo na di caratihan, sa caratihan man sacali at inaacala ninyo na may ipahahayag na lihim, ay houag abalahin, magpaalam sa, may bahay at sa lahat.
Cun lalaqui ang dumadalao sa isang babaye, ay di catungculan ihatid pa sa hagdanan ó sa daan, maliban na lamang cun totoong mahal na tauo; n~guni, ang lalaqui ay dapat maghatid sa babaye at catamtamang ilagay sa canan.
Cun cayo,i, dalauin ay dapat gumanti, at cun cayo,i, anyayahan sa isang piguing nang iquinasal ó ano mang pagcacatoua, ay nauucol na sa loob na ualong arao ay gantihin namang dalauin na parang pagpapasalamat sa caniyang paquitang loob.
Cun cayo,i, anyayahan sa bahay nang binyag ó libing at di nacapag ibigay loob, cun macaraan na, ay carampatang dalauin at ipahayag ang cadahilanan. Páhiná 77 Cun cayo naman ang pa sa libing ó sa bahay caya nang namatayán, sila naman ang may catungculan na gumanting dumalao.
Ang anyaya,i, magagaua sa bibig ó sa sulat at ang inanyayahan, cun ibig pahinuhod ay houag magpairiiri at sa ibig sa ayao ay pasasalamatan ang gayong paquitang loob. Cun sacali,t, aayao ay tumangi nang mahusay, at ang dahilanin ay ang man~ga gauain at iba pang bagay na paniualaan; n~guni caiilag sa cabulaanan.
Pag napaoó, ay houag sumala sa oras na taning; at cun di macatupad nang pan~gaco, ay sabihin ang pinagcadahilanan, at di carampatang sumira nang pan~gun~gusap, maliban na lámang cun may tunay na pinagcaabalahan. Alamin ang oras nang houag dumating na maaga, at houag namang mahuli.
Feliza, si Honesto palibhasa,i, bata, hindi malayo na sa paquiquipagcapoua tauo, ay magpaquita nang capusucán nang loob; cun macarinig nang uicang di dapat, cun magcabihira,i, di macapagpaparaan, caya pan~gun~gusapan mo na iilagan ang paquiquipagtalo.
Cun macarinig nang di catouiran at di mapan~garalan ang nan~gusap, ay paraanin; cun ang marinig ay lihis sa catotohanan, ay houag sagasain, nang di pagtalunan.
Si Honesto,i, na sa panahon pa nang pagaaral nang ucol sa Dios, ganang sarilí at sa paquiquipagcapoua, tauo, caya turoan mong tumupad, nitong tatlong catungculan, na catampatang pagaralan nang isang batang cristiano.
Cun matutong cumilala, sumambá,t, mamintuho sa Dios, ay di lalaquing bulàg ang isip, Páhiná 78matututong umilag sa casalanan mamimihasang gumaua nang cabanalan, matiticman ang cáguinhauahan at magandang capalarang quinacamtan dito sa ibabao nang lupa nang isang catoto nang Dios, na sampong sa hirap at casaquitan ay nacaquiquita nang toua,t, caligayagahán; inaaring cruz na magaang pásanin, minamatamis sa loob, tinatangap nang boong pagibig, at palibhasa,i, natatanto na di macasusunod cay Jesucristo, di magcacamit nang lan~git, cun di magpasán nang cruz.
Natatanto rin naman na nag cacadalaua ang hirap nang di marunong umayon sa calooban nang Dios; hirap na ang dumarating, ay naghihirap pang lalo sa di pagcatutong magtiis, sapagca,t, iquinagagalit, at cun minsa,i, ipinagn~gan~galit na,i, di rin maalis sa hirap. At hangang ipinagn~gan~gálit ay lalong nalubóg sa hirap, n~guni ang marunong magtiis, ay magtiis, nacararanas nang toua sa hirap, sapagca,t, inaaring cruz na bigay nang Dios, at minamatamis sa loob.
Cun si Honesto,i, matuto nang catungculang ucol sa caniyang sarili, cahit ualang tauong sucat sacsing cahihiyan, cahit ualang sacsing sucat macaquita na sa caniya,i, sumisi, ay di pahihinuhod ang loob sa isang licong isip, di mapapanibulos sa isang gaua cayang lihis sa matouid, at palibhasa,i, natatanto ang boong cahulugan nang masama at magaling.
Cahit paghandogán nang boong cayamanan at caran~galan sa mundó, cahit pagpisanan nang lahat nang hirap, cahit icatapos nang buhay, ay di magpapahamac gumaua nang icasisira nang sariling puri, palibhasa,i, natatanto yaong matoPáhiná 79uid na hatol nang Dios Espíritu Santo na isinulat ni Salomon: magpilit cang magin~gat nang magandang pan~galan, ang cahuluga,i, magmahal ca sa asal.
Cun matutong maquipagcapoua tauo,i, magpapacailag sa quilos, asal at pan~gun~gusap na macasusucal sa mata nang iba, at di man cusain, ay calulugdán at iibiguin nang lahat.
Ipagcaloob naua nang Dios na matandaan at itanim sa dibdib ni Honesto itong maicling hatol na isinulat co sa iyo, at nang malagui sa pagibig sa Dios, at matutong magpacamahal sa asal. Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.
Si Urbana cay Feliza,—MANILA....
FELIZA: Sa pagcamasid co na sa maraming bata saan mang bayan, ang isa sa man~ga nacasisira ay ang malabis na paginom nang alac na naquiquita,t, namamana sa paquiquipagibigan; sa sulat na ito, minatapat co na siya cong saysayin sa iyo, at nang pagpilitan mo na si Honesto,i, macailag sa masamang caibigan at nang houag mahaua sa canilang vicio. Cun ang batang iya,i, lumaqui,t, maguiguing baguntauo, icao ay lumamagay na parang pan~galauang ina, at ipan~garal Páhiná 80mo yaong magandang hatol ni Tobias sa anac: houag cang maguicain at maqui-inom sa masamang tauo, at nang houag cang sumamang para naman nila. Cun ang tamaan ni Honesto ay man~gin~ginom, mauilihin sa taberna, ay di malaon at cun áno ang asal nang casáma ó caibigan, ay siya namang aasalin. Houag din nauang itulot nang Dios na siya,i, magcagayon. Ipaaninao mo na ang paglalasing ay nacasisirá sa caloloua, nacapagcacasaquit sa catauan, nacauauala n~g puri, at nacalilipol nang pagaari. Tingni,t, aquing sasaysayin itong apat na casamán na natutubo nang lasing sa alac.
1.° Ang caloloua na pinamahan nang Dios nang caniyang larauan, pinamutihan nang tatlong capangyarihan, bait, alaala,t, loob, at sa santo bautismo,i, pinagcalooban nang lalong matataas na cabanalan at daquilang biyaya, ang isa sa man~ga graciang ito, na sa caloloua,i, inahihiyas nang lan~git ay nauaualang lahat at palibhasa,i, nagcacasala nang daquila. Pag nagcagayon na,i, ¿ano pa ang quinasasapitan nitong calolouang anac nang Dios sa gracia, cun di ang maguing alipin ni Satanás sa sala? ¿Nasaan ang cabaitan, nasaan ang calinauan nang isip, baquit cun nalalasing na,i, cahit aglahiin, cahit pagtauanán ay di dinaramdam, at palibhasa,i, di nacaquiquilala? Ang hayop ay cahit ualang bait, na para nang tauo ay pinagcalooban nang Dios nang isang bagay, na cahit di matatauag na bait, ay cahalintulad nang bait na iquinaquiquilala nang pan~ganib, na icatatapos nang Páhiná 81canilang buhay; n~gunit ang tauong lasing ay ¿nacaquiquilala caya bagá nang pan~ganib na ito, na parang pagcaquilala nang hayop? Cun lumalacad sa daan, cahima,t, may mata na itinitin~gin, ay di naquiquita ang batong catitisuran, ang butas na cahuhulugan at palibhasa,i, napagdidimlán ang isip. ¿Nasaan ang catibayan na ipinagcaloob nang Dios? ¿baquit caya baga máhipan lamang nang han~gin ay susuray suray at guiguiri-guiri? Baquit caya baga,t, cahit isang bata ang siyang magtulac, ó di man itulac at masagui lamang, ay nayuyucayoc at nasusubsob? ¡Tauong caaua-aua at cahabag-habag! na punó nang alac ay nahubdán nang cabaitan, at palibhasa,i, napagdimlán ang isip. Napagdimlán ang isip ay nahubdán nang magandang hatol, na salat sa matotouid na sabi, naticom ang bibig sa tamang salitá, at ang pinapamimilansic sa dilang matabil ay ang panunun~gayao at panunumpâ, ang maruming sabi at uicang mahalay, ang pagyayabang at paghahambog ang pagtatalo at cun magcabihira,i, ang pagtatagaan at pagpapatayan. Pasoquin cun ibig ang bahay nang masasamang piguing, malasin ang pagpupulong sa man~ga taberna, at diya,i, maquiquita ang man~ga casalanang ito. Siyang naquiquita sa man~ga lugar na iyan, at siya rin namang saysay nang Dios Espíritu Santo sa capitulong icadalauang puo,t, tatlo nang proverbios.[11]
Cun sumisirà sa caloloua ang malabis na pag-inóm nang alác; ay sumisira rin naman sa catauan. Dinguin ang catotohanan. Páhiná 82 2° Cun dito sa ibabao nang lupa, ay may quinacamtang munting caguinhauahan ang catauan, ay ualang caparis na para nang cun di dinaratnán nang saquít. Ang tauo,i, cahit sacdal hirap, cun masaya ang loob, masiglá, ang catauan, ay tinatauag nating mapalad, n~guni cun datnán nang saquít ay ang buntonán man nang yaman, ang batbatin man nang hiyas, ang punin man nang caran~galan, ang sambahin man nang mundo,i, tauo ring mahirap, at palibhasa n~gá,i, na sa hirap. Caya ang lahat nang tauo,i, nagpipilit umilag sa saquit, at cun sacali datnan, ay ang lalong masaquít na tapal, ang capait paitang painóm, ang patuloin man ang dugo,i, nagtitiis nang hirap, at macamtan lamang ang hinahan~gad na cagalin~gan. Ang lahat ay ninilag sa saqíut, bucod ang mapaglasing na humahanap nang saquit, at nagpapaiclí nang buhay. Ang lalong matibay na catauan ay nanghihina, nagcacasaquit at cahit batang bata ay tumatanda,t, dumadali ang buhay pag nagiinom nang alac. Ang lalong mariquit na culay ay cumucupas, ang muc ha ay namumutlá, ang matá ay naninilao, ang catauan ay nan~gan~gayayat, nalulupaypáy ang licsi nang cabataan, ang siglá nang edad na catanghalian, ang ningning nang cagandahan, ay inaaglahing lahat nang alac: at sa muc-ha nang man~gin~ginom ay gauari may naguguhit na malaquing letra, na cahit sa malayo,i, nababasa ang ganitong, pan~gun~gusap: aco,i, tauong lasing. Si Hipócrates at si Galeno at ang lahat nang médico ay nagpapatotoo na ualang pansira nang catauan na para nang catacauan sa pagcain at nang cayamoan sa pag inom nang alac at uala namang pangtibay na-para Páhiná 83nang casiyahan. ¿Ilan caya baga sa ating man~ga cababayan: ilan sa man~ga caquilala ang dinatnan nang peste ó salot, ilan ang namamatay sa masamang han~gin; ilan ang sa taol,[12] ilan ang nalulunod sa dugó dahil sa di pagtitipid nang pagcain at paginóm? Ang lahat nang ito,i, natatantó nang lasing, n~guni di pinapansin, at palibhasa,i, di mapaglabanan ang masamang caasalán.
Ang tiyan nang man~gin~ginom ay maipag hahalimbaua sa isang pusalian, na sinisin~gauan nang lalong cabaho bahoan na sumisin~gao sa catauan, caya cahit ualang lamang alac, ay quinasusuclamán nang capoua tauo, ayao lapitan, at palibhasa,i, nacahihilo. At ang lalong casaquitsaquit, ay ang biglá at masamang camatayan, na tumatapos sa masamang buhay, sapagca,t, pinatataláb sa canila ang uica nang Dios Espíritu Santo: cun ano ang pagcabuhay gayon din ang pagcamatay. Caiin~gat man~ga binata dito sa masamang vicio at linin~gin yaong santong hatol nang ating Pang~inoong Jesucristo.[13] Mahalin ninyo ang inyong buhay caiin~gat at baca mabigatan ang inyong puso sa cayamuan, sa pagcain, sa paginom at sa paglalasing; ay datnán cayo nang biglang camatayan. Ano pa n~ga,t, ang pinaquiquinabang nang lasing sa malabis na paginóm, ay pauang cahapis-hapis, asal na parang hayop, buhay na cahirap-hirapan, may caloloua,i, para ring uala, cun marapa,t, macatindig ay mararapá ulí, at mapupuno na ang ulo nang sin~gao nang alac, ay mahahalang na lamang sa tabi ó guitna nang lansan~gan Páhiná 84at ang siya ma,i, pagsicaranan, aglahii,t, pagtauanan, ay di namalayan, at palibhasa,i, cahoy na na cahalang. Caya uala camunti mang inin~gat na puri.
3° Ang puri ay isang mahalagang hiyas, na iguinagayác nang tauo sa caniyang pan~galan. Caya may nagmamahal sa puri, na mahigit pa sa buhay, na sumasagasa sa lalong daquilang pan~ganib, lumululong sa camatayan, houag lamang mauala ang puri na iniin~gatan. Sumasalacay sa lalong maban~gis na caauay, houag lamang masira ang magandang pan~galan. Sa icalabindalaua nang capitulo nang Eclesiastes, ipinagbibilin nang Dios Espiritu Santo, na magin~gat nang magandang pan~galan, ang cahulugan, ay ang boong caasalan nang tauo, ay itutonton sa matouid, ang gaua at pan~gun~gusap ay i-aalinsunod sa utos nang religion Santa nang icararapat sa Dios at pagcamit nang puri nang tauo, n~guni ang santa religion, ang puri at lahat camahalan ay hinahamac na lahat nang man~gin~ginom. Pag napuno na nang alac ay parang ulol na lumalacad sa daan: may mata,y, para ring uala; may tain~ga,i, para ring bin~gi; ang bait ay di magamit caya cun magpasuraysuray, cun marapa at magban~gon, cun maquiling at magtouid at aglahiin nang man~ga bata, pagtauanan at paghiyauanan nang tauo, ay di dinaramdam, palibhasa,i, ualang cahihiyan. Cun may caloloua,i, para ring uala, cun may catouiran man ay hindi macayanan, caya ang sabi ni San Basilio, ay masama pa sa hayóp.[14] Ualang hayop na tulig, ualang hayop na mangmang na para nang tauong lasing, caya panira nang puri sa magulang na pinanggalin~gan, sa asaua, anac Páhiná 85at boong cahinlugan; iquinahihiya sa bayan, at palibhasa,i, ualang inin~gat na puri at camahalan. Caya di naman pinagcacatiualaan nang cahit puri at catungculan sa bayan.
Sa isang lasing ¿ay sino caya baga ang magpapahayag nang lihim, aling may bait na dalaga ang macaiibig, alin cayang magulang ang magpapacasal sa anac, aling caya bagang man~ga guinoó ang magcacatiuala na papagpupunuin sa bayan; cun hindi rin lamang nasusuholan nang salapi ó napahihibo sa masamang suyo, cahit mapahamac ang sangbayánang tauo? Ualang magcacatiuala, at di naman sucat pagcatiualaan ang tauong lasing. Quinapopootan nang lahat, hindi pinacucundan~ganan, cun di hinahamac, sa man~ga salita,i, guinagauang ulo, at sa man~ga pagpupulong ay masabi lamang ang pan~galan nang tauong lasing, ay naguiguing pagtaua at panghalac-hac, at palibhasa,i, ualang camahalan, ualang puri, ualang cábaitan at ualang caran~galan, sapagca,t, pangsira nang capurihan, at gayon din naman sa cayamanan.
4°Ang cayamana,i, hindi lalagui sa man~gin~ginom, at palibhasa,i, iuauasac nang alac, gayon ang sabi ni Salomón sa proverbios:[15] at siya naman naquiquita natin sa arao arao.
Sa umaga, sa tanghali,t, sa hapon nagdidilim sa tauo ang tindahan nang alac; diyan maquiquita ang ualang bait na guinoó, na di nagbibigay puri sa caniyang calagayan, at siya ang maestro sa pagtatagayan. Diyan nasisira ang bait nang binata, at diyan natatapos ang hinahap sa maghapon nang pobreng cantero, carpintero, banquero, anloagui, Páhiná 86magsasaca at iba pang upahan. Pagtangap nang upá, bago omoui nang bahay, daraan sa taberna, at ang uica,i, lalagoc nang isang lagoc, yaon na ang alio. N~gunit ¿anong nangyari? capagcalagoc nang isa,i, may darating na caibigan tatagaya,t, magiinoman, yaon na ang isang pangalio. May darating pang isa,i, magiinoman na naman. Pag nagca ganito na,i, magmamala inibay, magpapaliparan na nang sabi, at uiuicain di man pacaibiguin ay huag lamang pagca hiin. Sa ganitong uica, magiinoman na naman, man~gagtatagayan uli, at uiuicain; ang quinacain nang tauo,i, di sa cagutuman, cun di sa alang alang. Sa inolit olit náng paginom ay nan~galasing ang tumagay at tinagayan at ang quinahinatna,i, natapos ang hinanap sa maghapon, nagcautang pa sa taberna, at ang inaoui sa asaua,t, anac ay alac at utang. Pagdating sa bahay, sasalubon~gin nang asaua, itatanong ang naquita sa maghapon, at palibhasa,i, inaasahang hahapona,t, aagahan nila,t, sampong man~ga anac. Sa tanong na ito,i, sasagotin ang pobreng babaye nang isang tun~gayao, sasalubon~gin naman nang asaua nang tun~gayao rin, at ang quinasapita,i, ang sala-salabat na sumpa,t, tun~gayao. Susumpain nang babaye ang lalaqui, at ang lalaqui naman ay sa babaye: susumpain ang canilang pagsasama, ipaquiquiramay ang anac at boong sangbahayan; at ang pangtapos sa gayong música, ay ang pagsusungaban, paghahampasan, pagsisicaran, pagtatadyacan at pagcacagatan. Ano pa n~ga,t, ang quinahinatna,i, ang buhay nang lasing ay naguing infiernong munti sa sinisin~gauán nang apóy na sari saring culay, nang pagtatalo nang magasaua nang hapis at cagulohán nang boong sangbahayan: Páhiná 87at escandalo nang capit-bahay. ¡O cahapis hapis at cahabág-habág na man~gin~ginom! verdugo ca nang asaua mo, escándalo ca nang bayan at luha nang sangbahayán. N~guni ¿ano caya ang cagamotan?
Houag uminóm nang alac cailan man, ito ang cágamutan lamang na maihahatol sa iyo. Mahirap na hatol ang maitututol mo sa aquin, n~guni,t, mahirap man, ay anong gagauin, cun di ang pagpilitan: lalong mahirap ang mabuhay sa alac, mamatáy sa alac at icapapacasama. Lalong mahirap ang doon sa infierno ay painomin ca nang apdó nang ajas at apdó nang man~ga olopong na maguing parusa sa malabis na paginóm. Cun may saquit ang man~gin~ginom ay nacapagtitiis nang isa ó dalauang buan man na di tumítiquim nang alac, ¿baquit di mo magaua caya ang pagtitiis na ito, pacundan~gan man lamang sa icagagaling nang iyong caloloua? Ang icalauang maihahatol co sa iyo, ay cun ibig uminóm magpabili nang caunti, at inomin sa oras nang pagcain: houag magiin~gat nang marami sa bahay, sapagca,t, cun maquiquita,i, di macatitiis hangang, di malasing. Ang icatlo, houag maquisama sa man~gin~ginom, at nang di malamuyot sa dating gaua. Umilag sa man~ga piguing nang man~gin~ginom, sapagca,t, diya,i, hindi naquiquita ang casiyahan sa pagcain at, sa paginóm, cun di ang cayamoan. Ang icapat, houag uminóm sa di oras nang pagcain, sapagca,t, cun aboting ualang laman ang sicmura, ay umaac-yat sa ulo ang alac at nacapagcacasaquit. Pag uminóm, sa hapon at sa gabi, ay nacapagdidilim sa isip, nacasisira nang lacás nang catauan, at pagcacadahilanan nang man~ga saquít na aquing sinaysáy. Cun ang isasagót sa aquin, ay di macaPáhiná 88titiis na di uminóm nang marami: ang ipinapacli co,i, pagaralan. Cun ang itututol sa aquin, ay di mangyayari,t, di macacayanan: ang isasagót co,i, tumauag sa Dios, patulong cay Guinoong Santa Maria, at nang macayanang paglabanan ang masamang caibigán sa alac. Ang caholi-holihan cong hatol, ay magconfesion general, salicsiquin ang calahat-lahatang casalanang na gaua sa boong panahong nagumon sa vicio, pagsisihang masáquit sa loob, ipahayag sa confesor nang macayanang; talicdán ang masamang caasalán, at nang masaoli naman sa gracia nang Dios; sapagca,i, cun ualà sa gracia, ualà rin namang lacás na icapaglalaban: cahit anong gauín, cahit pagpilitan, ay di mangyayari, at palibhasa,i, hindi calugdang tulun~gan nang Dios.
Aco,i, napalauig na lubha, Feliza, nang pagsasaysáy nang dilang casamáng bun~ga nitong calupit-lupit na vicio, nang maquilala ni Honesto,i, ilagan hangang bata; at nang di pagsisihan cun mapahamac. Ang sulat na ito, ay mabasa naua nang caniyang capoua bata,t, binata, at nang paquinaban~gan. Adios, Feliza, hangang sa isang sulat—URBANA.
Si Feliza cay Urbana.—PAOMBONG ...
MINAMAHAL CONG CAPÁTiD: Sa pagcamasid ni ina, na aco,i, dumating na sa panahon, na dapat co nang ilagay sa estado, ay sa madlang binata na sa aqui,i, nagnanasa, ay napahinuhod ang loob sa isang baguntauo, na inaacala na may inin~gat na cabaitan.
Dito, sa man~ga nacaraang arao, ay madalás sumagui sa aquing pagiisip, cun ano ang aquing mapagsasapit sa panahong haharapin. Cun dumating ang capanahonan, at tayo,i, maulila cay ama,t, cay ina, at aco,i, dalaga pa, di aco sa mundo,i, ulilang ulila. Ulilang ulila at mapapagisa sa guitna nang mundong puno nang pan~ganib. Cun magcagayon na,i, di catulad co,i, isang marupóc na daong na inabót nang sigua sa guitna nang dagat, pinagtutulong-tulon~gang hampasin nang salu-salubong na han~gin, ibaba,t, itaas, nang matataas na daluyong; cahima,t, ang timon nang cabaitan ay di masisira, cun uala na ang pilotong macapagaalaga; ¿masasabi cayang macasasadsád sa guilid, macapan~gan~ganlong sa han~gin, at di mababagbág sa laot? Ang puring inin~gat nang aquing pusong daong na marupóc, cun pagtulong-tulon~gang hampasin nang marahás na han~gin nang hibo,t, paraya, cahit anong bait, cahit anong Páhiná 90hinhin, cahit anong ilag ang aquing gamitin, at ipagsangaláng cun mapag-isa na,t abotin nang hina, at aco,i, hapoin sa catiyagaan ¿masasabi co cayang dili mababagbág sa laot? ¿Di caya isang capan~gahasan, cun aquing uicain na ang capurihan co at calinisan, ay ma iin~gatan co rin sa calaguitnaan nang suson-susóng pan~ganib? isang capan~gahasan at isang caulolan. Caya di pahinohod ang loob co, na aco,i, lumagui sa ganitong calagayan. Cun ang isang dalaga,i, may bait at may nag aalagang magulang, cun may mag bantá man nang di matouid, ay di mapanibulos at palibhasa,i, ang macacabanga,i, dalauang cabaca ang cabaitan nang isang dalaga, at ang alang alang sa magulang. N~guni cun maulila na, ang cabaitang ito na parang isang cutang tangolan nang puri nang isang virgen, cun mapag-isa na,t, ualá nang magtangól, ¿di caya pagpahamacang lusobin nang pan~gahas na loob? Cun magca gayon na,i, ang carupucán nang bata cong loob ¿ay macaaasa cayang macapagtatagumpáy?
Cun pagdili-dilihin co naman, na ang matrimonio,i, mabigát pasanin, lalo,t, ang tatamaan ay di co macacasundo, at iba ang asal, iba ang uani, salát sa cabaitan at ualang cabanalan, iba ang loob, ang dalauang puso ay di matatalian nang isang pagibig, ay capilitang malayó sa amin ang pagcacasundo. Cun ang man~ga bagay na ito,i, aquing pagdili dilihin, ay nagaalan~gan aco, natatacot tumangap nang isang mabigat na pasán, na hindi co masabi na macacayanang dalhín. Sa lagay na ito, na nagaalan~gan ang aquing loob sa dalauang estado: pinag titimbáng-timbáng ang pan~ganib at caguinhauahan nang isang dalaga; ang pagca Páhiná 91ayo sa pan~ganib, ang cabigatan at cahirapan nang isang may asaua, ay nagugulo ang aquing isip, nagaagam-agam ang loob, at hinahandulong aco nang malaquing saquit. Sa ualang matutuhang gauin, ay itin~galá co ang matá sa lan~git, at palibhasa,i, diyan co inaasahan na magmumulá ang tulong sa aquin.[16] Ipinahayag co sa Dios, ang dinaramdam cong capighatian at aquing sinaysay yaong pinala~nging bigcas nang Profeta: aco,i, turoan mo Pan~ginoon cong sumunod sa iyong mahal na calooban, at palibhasa,i, icao ang Dios co.[17] Ang man~ga mata co,i, para nang alipin na bibitin bitin sa pan~ginoon hihintay-hintay at di inaalis hangang sa di caauaan.[18]
Ang Dios na dinadain~gan co, sa toui-touing daratnán aco nang sáquit, si Guinoong Santa Maria na tinatauag cong Ina, ay naaua,t, nahabag sa aquing man~ga panalan~gin, hindi nalao,i, hinan~go aco sa hirap. Isang gabing tahimic, na bagong natapos acong nagpuri sa Dios, ay nilapitan aco ni ina,t, may ipinahayag.
Icao, Feliza, ay na sa capanahonan na sucat ipagisip, na lumagay sa estado. Ang tauo ay di lagui sa mundó, buhay maicli at may catapusan caya ang iniisip co,i, ang sa haharapin. Minamahal cata, bunto at di co; datapoua,t, lalong minamahal co ang capanatagan mo.
Cun dumating sa aquin ang oras nang camatayan, at maiuan quita sa calagayan iyan, ay maPáhiná 92guiguing tinic na sa aquing puso,i, magbibigay saquit, sa pagaalaalang quita,i, maiiuan sa madlang pan~ganib, lalo,t, cun ulila ca na sa ama,t, sa ina. Sa madlang baguntauo, na nan~gin~gibig sa iyo,i, isa ang napili nang ama mo, at gayon din naman aco. Isang baguntauo na anac guinoo, magandá ang quias, asal ay mahinhin, may loob sa Dios, may iquinacacaya, asal ay tahimic, malayo pagaauay, ualang nota sa bayan, ang pan~gala,i, Amadeo. Ang baguntauong ito,i, ang maacala cong macacabagay mo, at maguiguing casing isa mo sa palad: Pagtaga ni ina nang caniyang salita ay natalastas co ang tinutun~go, n~guní hindi co sinagot hangang di natapos, at niniisip co naman ang itutugon co.
Nang siya,i, tumahimic na, ay ualang naisagót aco, cun di ang salamat, ina, sa pagcacalin~ga sa aquin sa magandá mong nasang aco,i, mapalagá'y sa capanatagan, sa panahong haharapin. N~guni ang hin~gi co ina,t, pamanhic sa iyo,i, aco ay bigyan nang caonting panahon naipagisip. Aquing natatantô, ina, na ang matalas mong bait, ay nadarayaan, di ang cagandahan, di ang pagca guinoo, di ang munting ari ni Amadeo, cun di ang magandá niyang asal, ang nacahicayat sa iyo, na ibigáy sa aquing esposo, n~guni hintay muna, ina, at magmamasid acong man~ga ilang arao. Cun maquilala co na ang caniyang pagibig ay di paimbabáo, asal niya,t, asal co ay nagcaca-isa, ang magugulang niya,t, man~ga capatid ay macacasundo co, ay asahan mo, ina, na aco ay caniya, n~guni cun sa caniyang familia, ay may ipipintás ang tauo sa bayan, at ang capintasang ito ay icasisira nang ating puri, ay ipahintulot mo, Páhiná 93ina, na di co ipayag sa caniya ang aquing puso, at inaasahang co naman na ang sagót cong hindi, ay di mo icapopoot.
Sa sagót cong ito,i, nan~giti si ina, at aco,i, niyacap na pinacahigpit, at ang ipinacli: sa ilan nang arao na ninanasa cong magpahayag sa iyo, ay nahuhulaan co na ang isasagót mo. Salamat Feliza, sa Dios, sa masonoring loob na ipinagcaloob sa iyo, salamat sa pagsunód mo sa calooban nang magulang. Salamat sa cabaitan mo. Sa isang masonoring anac, ay ualang sucat na asahan ang ina, na para nang sagót na iyan, na bulong sa iyo nang inin~gat mong bait.
Di co masaysay, Urbana, sa iyo ang quinamtáng tóua ni ina,t, sampong aco naman: aco,i, niyacap na muli, saca ang canan co ay pinacahigpit na hinauacan nang dalauang camay, ay bago uinica: matulog ca na, bunso, bucas ay mulan mo nang isanguni sa Dios sa iyong man~ga panalan~gin, idalan~gin mo cay Guinoóng Santá Maria, na icao at aco,i, tulun~gang ipagcaloob na matulóy ang ating magandang bantá, cun maayon sa santong calooban niya, at igagaling nang iyong caloloua; at cun hindi naman, ay bigyan tayo nang daan na icasasansala.
Nang quinabucasan, Urbana, ay naquita cong nasoc sa pintoan nang ating bacuran si Amadeo. Adios, Urbana, hangang sa isang sulat.—Feliza.
Si Feliza cay Urbana.—PAOMBONG....
URBANA: sa sulat na sinundán nito ay aquing sinaysay sa iyo na maquita co si Amadeo, sulat co,i, napatid, at dinguin ang cadahilanan: ang dibdib co,i, nagtatahip; ang puso,i, nabibigatán nang isang caramdamang di nararanasan magpacailan man; ang camay co,i, nan~gin~ginig, ang pluma,i, nalalaglág sa daliri; sa matá co,i, nan~gin~gilid at bibitin bitin ang camunting luha, at sa catapusang matitic sa sulat ang n~galang Amadeo, pluma,i, nabitiua,t, pumatac ang tubig na bumasa sa sulat. N~gayon co ipatuloy ang sulat iyon.
Nang si Amadeo ay maquita cong na sa pintoan nang ating bahay, ay natilihan aco, loob co,i, napindang at naualan nang diua. Isang baguntauo, na ang quias at tindig nang pan~gan~gatauan, ay timbang na timbang, quilos ay mabini, mahinhin ang asal, sa caniyang muc-ha,i, cahit di maquita ang nacasisilao na cagandahan, n~guni nagniningning ang cabaitan, ang malubáy at maamong loob na iniin~gatan, ang mata,i, maamo,t, ang binibitiuan ay may hiyang titig, na di napan~gahasang itapon sa aquin. Nauumid siya,t, mata,i, nan~gun~gusap, at acong nacaharap naman ay gayon di,t, tiboc nang puso co ay labis nang tunog, na aco,i, nagdalang tacot, na baca marinig. Sa aquing mapanPáhiná 95sin ang calagayang iyon, bait co,i, nan~gusap, nagdamdam nang hiya: sa malaquing hiya,i, aco,i, napaalis na biglang di co na nagamit ang galang sa pagpapa-alam. Nang aco,i, maligpit na sa silid, ay naramdaman cong napaui ang catahimicang cacambál nang cabataan co, at ang humalili,i, isang caligaligan na dinaramdam co,i, dili co masaysay. Ibig co dising umalis sa silid na quinalalagyan co,t, aco,i, paquita uli, at humin~ging tauad, sa di co pagpapa alam, n~guni nacarinig aco sa dibdib co nang isang matunóg na voces, na sumansala, sa aquin, at nan~gusap: na ang gauang iyo,i, bulong nang licóng pagibig, at saui sa cabaitan nang isang dalaga. Titindig na aco,i, napa-upó uli nacapaghunos dili at na ala ala co yaong auit ni David: aco,i, nagsacdál sa aquing Pan~ginoon nang pagusiguin aco nang saquit, ay quinalugdan dinguin ang carain~gan co.[19] Itong santong auit nang may dusang Profeta ay parang narinig co, napatindig uli sa quinaloloclocan, biglang naniclohód sa ating Pan~ginoong napapaco sa cruz, nanalan~gin aco sa caniyang harapan, at ang caralitaang damdam nang puso co ay aquing sinaysay:[20] isilay mo, Dios co, ang caliuanagan sa napagdidimlang cong isip, nang di ang caloloua co,i, abotin nang camatayan, houag mong itulot na macapagtagumpay sa aquin ang malupit na caauay nang di pagauitan aco, aglahiin at uicain: siya,i, nagahis co rin.[21] Nang matapos acong macapanalan~gin, sumigla ang puso, nagdamdam Páhiná 96nang catapan~gan, aquing uiuica; iilag na aco sa pan~ganib na macasisira nang calinisan co; at naalaala co yaong uica ni San Pablo; sa tucsong laban sa calinisan, ang douag ang nagtatagumpay. Gayon man Urbana,i, hindi rin mangyari cun di ang sangunian cata. Hintay ang casagutan mo nitong iyong capatid na na nagmamahal sá iyo.—FELIZA.
Si Urbana cay Feliza—MANILA ...
FELIZA: Tinangap co ang dalaua mong sulat ang isa ay fecha 5, ang icalaua,i, 12, capoua dito sa lumalacad na buan; ay natanto co ang dilang cabutihan ni Amadeo, ang catapan~gan mong lumaban sa isang mahigpit na cahin~gian nang puso ang pagsasacdal mo sa lan~git sa panahon náng pan~ganib ang pagtatagumpay nang cabaitan mo, at ang dilang cahin~gian mo sa aquin.
N~gayo,i, ang sagot co sa iyo,i, magpasalamat ca sa Dios, at ang tularan mo,i, yaong mapalad na haring nagsaysay: magpupuri aco sa Dios, sa toui-toui na: at ang pagpupuri ay di co huPáhiná 97humpayan. Nagsacdál aco sa Pan~ginoon co,i, quinalugdang dinguin ang aquing dalan~gin: at sa caralitaang dumating sa aquin, ay iniadya aco.[22] Icao, Feliza,i, ipinahintulot nang lan~git na malagay sa isang pan~ganib, pinabayaang ipaquipagbacat ang sarili mong lacás, dibdib mo,i, nalagay sa guitna nang digma,i, nagcaalan~gan sa lamuyot na tucsó, at sa hatol nang cabaitan; n~guni pagtauag mo,i, agad cang dinulóg at ang caloloua mong lumagui sa hirap, ay sinaclolohan, inalis sa dusa, biniguian nang lacás at caguinhauahan; tingni, capatid co cun di ang catamisan nang Dios, na ibinabalita nang haring Profeta ay naranasan mo.[23] Hin~gin mo cay ina, Feliza, ang sulat co sa iyo, at diyan mo matatalós ang magandang hatol na hinihin~gi mo, Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.
Si Urbana cay Feliza,—MANILA ...
IGUINAGALANG CO,T, INIIBIG NA INA: Isinulat sa aquin ni Feliza ang magandang gayác mo po, na siya,i, ilagay sa estado, ang pagpapahayag Páhiná 98mo sa caniya, ang caniyang casagutan sa iyo, na magmamasid muna,t, magiisip-isip cun icararapat sa Dios. Ayon sa bagay na ito,i, uala acong masabi, cun di ang inyong magandang banta at ang mabait na adhica nang loob ni Feliza, ay ipatuloy, sacali,t, mapaganinao, na na-uucol.
Humihi~ngi naman sa aquin nang man~ga cahatulang ucol sa caniyang calagayan, isinan~guni co sa isang Sacerdoteng marunong, ay di minatapát na ipahayag lamang sa aquin nang bibig, cun di ang isulat. Ang sulat na iyan, na inyong tatangapin, ay quinapapalamanán nang man~ga cahatolang aalinsunurin nang isang ina, na may quinacalin~gang anac na babaye. Caya minarapat cong sa inyo,i, ipinadala.
Ang Confesor cay Urbana.
URBANA: Alinsunod sa magandang cahin~gian sa iyo ni Feliza, ay minatapát cong isulat sa inyo ang man~ga cahatolang laban sa masamang caugaliang naquiquita, na ipinahihintulot nang ina sa anac; at ang matotouid na aral na sinipi ni padre Arbiol, sa santong sulat, na nauucol sa man~ga ina.[24] Mumulán cong isaysáy ang isang masamang caugalian, na caraniuang naquiquita.
Cun sa bahay nang dalaga ay may pumanhic na baguntauo, cun may inin~gat na bait ang maguláng, ay di dapat ipahintulot na ang anac na Páhiná 99dalaga ay gumamit nang bandeja, lalo,t, cun di nahaharap ang ama ó ina, magpan~gan~ga sa baguntauo, sapagca,t, cun ualang inin~gat na mahal na asal, ay capilitang bubuhatin ang camay ó paá, iquiquilos nang masama, lalo,t, cun na sa dilim.
Hindi man pagpahamacan nang gayon, bibig naman ang gagamitin, bibigcas nang sabi; ipahahayag ang na sa loob, na ang caraniuan ay hindi magaling.
Magsasaysay caya naman nang pagibig. Sa pagibig na ito,i, ¿ilan na caya baga ang tapat? at sa tapat ma,t, sa hindi, ¿di caya nahahaloan nang masamang bantá?
Pacatantoin nang ina, na ang calinisan nang isang dalaga ay parang isang bubog, na cahit di magcalamat, cahit di mabasag, mahin~gahan lamang ay nadurun~gisan.
May isa pang caugalian na sacdal nang sama at sucat paca-ilagan nang man~ga magulang. Pag panhic nang baguntauo, pagcabati sa magulang ay iiuan ang anac na dalaga, pababayaang maquipagusap nang sarili sa baguntauo.
Cun ang isang dalaga ay naquiquipag usap nang lihim sa baguntauo, ¿saan caya natin maipag hahalimbaua, cundi sa libay na usá, na hinahabol nang áso, na di tutugutan hangang di abutang macagat, at mapatay? Cun ang itutugon sa aquin nang isang magulang, ay catiuala ang caniyang loob sa anac niyang dalaga, at naquiquita níyang may inin~gat na bait, ang masasabi co naman ay di catampatan sa magulang na ilagay sa pan~ganib na mauala ang bait at malugso ang puri nang caniyang anac. Ang sucat alalahanin yaong tulang sambitlá nang man~ga binata: ang bato,i, Páhiná 100sacdal man nang tigas, tubig na malambot ang nacaaagnas.
Cun ang isang baguntauo, ay naquiquipagharap nang lihim, sa isang dalaga, hindi malayo na mauala ang pitagan tumapang ang loob na magpahayag nang caniyang masamang nasa. Sa unang págpapahayag, sa icalaua sa icatlo, cun ang dalaga,i, may inin~gat na puri, hindi malayo na di pa hinuhod sa mas mang lamuyot at maitatangol pa nang catutubong cabaitan. N~guni sa icaapat o icalima marahil ay hindi na. Mahirap nang macapaglaban, at palibhasa,i, nararagandan. Maipaghahalimbaua sa cahoy na babad man sa tubig, sa apóy capag nálapit, at naragandang sa init, ay capilitang magdiriquit.
Sa caraniuang paghaharap nang dalaga,t, baguntauo, ang catauan ay nagcalapit, nagtatama nang mata,t, nagcacaabutan nang sabi; ay at ¡ilan cayang panimdim na laban sa calinisan ang bucal sa isip! ¡ilang masamang banta ang magaling sa puso! ¡ilang bucang bibig ang mabibitiuan! ¡ilang masamang quilos ang magágaua nang binatá na pauang panglugsó nang puri nang isang dalaga!
Cun icao, dalaga, ay sasagot sa aquin, na ang puso mo,i, gaui sa calinisan, dibdib mo,i, matibay na di mababagbág, ang isasagót co sa iyo,i, yaong dalauang hatol nang Dios Espíritu Santo, na ualang nagcandong nang apóy na hindi nasunog. Ang lumululong sa pan~ganib, ay sa pan~ganib din mapapahamac.[25]
¡Oh pabayang ama! ¡oh nagcacamaling ina! caiin~gat at sa minsang malugsó ang puri nang anac ninyong dalaga, ay di na masasauli. PagPáhiná 101nagcagayon na,i, uala cayong magagaua, cun di itan~gis ang caniyang casiraan, at ang casiraan nang inyong puri; at ang lalong catacot tacot ay ipagsusulit ninyo sa Dios, cayo ang sisisihin at parurusahan, at palibhasa,i, cayo ang may casalanan[26] hatol, na sinipî sa santong sulat ni padre Arbiol, at ipinan~garal sa man~ga ina.
Cun icao,i, may anac na babaye ay turoan mong matacot sa Dios, houag pagpapaquitaan nang n~gipin, paca-in~gatan ang canilang pagca virgen,[27] turoang magmahal sa asal at magpaca hinhin, nang di lapastan~ganin nang binata.
Houag tutulotan, na sa canilang pagtin~gin, ay mabasa ang cagaslauan at pagca mairoguin. Sa matá ang uica nang Profeta Jeremías, nanasoc ang camatayan nang caloloua, na sumisira sa man~ga binata.
Ang anac na talipandás at mapan~gahás, ay nacapagbibigay hapis sa caaua auang ama, ang uica nang Dios Espíritu Santo. Caya pacain~gatan, at cun maquitaan nang casiraan, ay hangang bago,i, bigyan agád nang cagamutan, sa pagca cun lumalâ, ay ualâ nang magagaua. Sundin yaong magandang hatol sa magulang na ualang di nacatatalastás: ang cahoy na licó at buctot hutuquin hangang malambut pag lumaqui na at tumayog, mahirap na ang paghutoc.
Pacaalagaan nang ina ang caniyang anac, tingnan ang canilang man~ga quilos, nang maquiPáhiná 102lala ang licó at buctót, at cun sumasamá. Itong santong hatol nang Dios Espíritu Santo, ay alinsunorin at nang di mamali: binigyan nang Dios ang tauo, nang tain~ga,t, nang ipaquinig, matá at nang itin~gin[28].
Sa pagbabago nang muc-há nang babaye, naquiquilala ang caniyang casamaán,[29] caya hindi carampatang calin~gatan, sapagca ang casiraan nang anac na babaye, ay casiraan nang ina.
Houag tulutang mamintanang palagui, sapagca,t, ang dalagang namimintana, ay caparis nang isang buig nang uvas, na bibitin-bitin sa san~ga sa tabi nang daan, na nagaanyayang papitás sa sino mang macaibig.
Nang houag mamihasa sa pamimintana, ay bigyan nang ina nang gagauin, turoang mamahala sa bahay, at nang di na pagaralan cun dumating ang capanahonan. Ito,i, catungculan nang magulang na ituro sa anac; at gayon ang bilin sa santong sulat[30]. Sapagca,t, sa isang babaye, nangagaling ang masamá ó magandang capalaran nang pamamahay.[31]
Houag tutulotan na ang dalaga ay lumacad sa daang nag-iisa ó utusan caya sa oras na di catampatan, ó magpacial caya nang ualang casama, at nang di pagcaraanan nang capahamacan. Cun si Dina na anac ni Jacob, ay di nagpacial na nanagiisa, ay di disin hinamac ni SiPáhiná 103quem, na anac nang principe Hemor, na inilugsó ang caniyang pagca virgen. Cun magcagayo,i, laquing dalamháti nang isang magulang, at palibhasa,i, casiraan nang puri nila at nang boong cahinlugan. At cun magcabihira,i, mula nang pagaauay at pagpapatayan, para nang nangyari sa man~ga anac ni Jacob at anac ni Hemor.
Minsa,i, naisipan ni Dina, na manaog, at ang nasa,i, manood nang babayeng tubo sa lupa ni Canaan na caniyang tinatahanan. Sa pagpapacial niya sa lupang iyon, ay naquita ni Siquem, nalugód at nagdamdam nang malaquing pagibig, hindi nacalaban sa lihis na nasá, inagao si Dina, itinanan at sinira ang caniyang pagca virgen. Nang magca gayon na,i, ualang pagcasiahan ang capighatian nitong napahamac na dalaga. Sa malaquing pag-ibig ni Siquem, ay hinihiling sa caniyang ama na siya,i, ipacasal cay Dina. Sa cahin~gian nang anac, ay napahinuhod ang ama, siyang namanhic cay Jacob, na ang anac niyang si Dina ay ipacasal cay Siquem. Nang nagsasalitaan ang dalauang magulang, ay narinig nang man~ga anac ni Jacob, natantó ang nangyari cay Dina, galit ay di hamac, nagbantang maghiganti, n~guni di ipinahalatá ang canilang masamang nasa. Sa cahin~gian ni Hemor ay hindi napahinuhod ang man~ga anac ni Jacob, hangang di sila nan~gaco na maquiquiugali sa canila, na susunód sa Ley nang Circuncision na utos nang Dios sa man~ga Hebreo.
Palibasa,i, daquila ang pagibig ni Siquem cay Dina, ay tinupad ágad ang pan~gaco. At di lamang siya, cun di lahat nang lalaquing siquimitas na caPáhiná 104nilang nasasacopan, ay pinagutusang sumunod. Nang may icatlong arao na sila,i, nasasaquitan ay linooban nang dalauang anac ni Jacob na si Simeon at ni Levi ang ciudad nang Siquem, casama ang canilang man~ga lingcod at pinagpapatay ang lahat nang lalaqui na ipinaquiramay si Siquem at ni Hemor, at quinuha si Dina. Nang macaalis na sa ciudad si Simeon at ni Levi, siya namang pumasoc at lumoob ang ibang man~ga anac ni Jacob. Sinamsam ang man~ga obejas, baca at asnos nang siquimitas, at dinalang bihag ang man~ga babaye sampo nang man~ga bata.[32]
!Laquing capahamacan ang naguing bun~ga nang pagpapacial na nagiisa ni Dinang quinapos sa palad! Nasira ang caniyang pagca virgen, hiyas nang isang dalaga, napahamac ang puri nang caniyang magulang at nagca utang nang maraming buhay ang caniyang man~ga capatid.
Cun si Eva disin ay, di nagiisang nanood nang halaman sa Paraiso, di sana pinan~gahasang tinucso nang demonio ó cun pinan~gahasan man ay may isang esposo na macasasansala.
Cun sa isang anac na dalaga, may manunuyo, ay matacot ang ina ò ama na sila ay paglingcoran nang baguntao, sapagca,t, cun magca gayon, ay macaquiquita nang daan na titira na tanghali ó sa gabi, sa man~ga oras na iyan ay ¿macailang cayang magtama nang mata, macailang magsasarilinan nang salitaan? Pagca nagca gayon na,i, daan na nang pagcapahamac; sapagca,t, ang pagtitin~gnan at ang pagnanasa nang masamá, ay di nagcacalayó, ang uica Páhiná 105ni San Gregorio Nazianceno[33] Ang uica nang Dios Espiritu Santo,i, bago dumating ang saquit ay lagyan nang cagamotan:[34] ay ¿saan caya naroon ang bait nang isang ama ó ina, na nagpapahintulot na sa canilang bahay ay tumirá ang isang binata, sapagiimbót nang suyô? ¿di ang cahulugán nito,i, sila rin ang cumiquita nang daan at pan~ganib, na icapapahaman nang puri nang canilang anac na dalaga?
Di naman catampatang magpita nang salapî ang isang magulang sa lalaqui, sapagca,t, bucód sa ibinabaual nang Superior Gobierno at nang Señor Arzobispo D. Fr. José Seguí, ay itinutulad sa hayop ang canilang anac, na pinagbibili sa lalaqui. Di rin naman catampatan, na magparinig na nagcacailan~gan nang salapi, at nang houag mapaguicaang masaquim. Bucód dito naman, ay cun magcaayauan, ay hirap na nang pagsisin~gilan, at palibhasa,i, masáquit ang magbayad. Laquing casiraan nang puri nang isang dalaga, laquing cahihiyan nang isang magulang, cun magca hablahan at paghatolan nang isang justicia.
Marami pa at madlá, Urbana, ang masasaysay cong man~ga cahatolan na dapat alinsunurin nang magulang sa pagaalaga sa anac, n~guni at sa pagca,t, aco,i, lalauig na lubha ay ililiban co na sa ibang sulat ang man~ga cahatolang ucol sa magasaua.
Si Feliza, ay may inin~gat na bait na minana sa magulang, umiilag sa pan~ganib, at palibhasa,i, naquiquilala ang caniyang carupocan ang Páhiná 106rosa nang caniyang pagca virgen ay pinaca aalagaan, quinucubcób nang tinic nang pagpapasaquit, dinidilig nang panalan~gin, at palibhasa,i, natatanto yaong uica ni Santa Maria Magdalena de Pazzis, ang calinisan, ay hindi mabubuhay cun di bacuran nang tinic, at di naman mamumulaclac, cundi batbát nang tinic. Caya uala acong sucat maihatol sa caniya, cun di ang ilagui ang loob sa cabaitan, magpasalamat sa Dios at ipinagtangcacal ang caniyang calinisan sa pan~ganib na icasisira, at ang tularan niya,i, yaong calolouang nagpasalamat sa Dios, at ang saysay: aco,i, magpupuring palagui sa iyo, Dios cong nagtangcacal sa aquin, at iniadía mo ang calinisan co sa capahamacan.[35]
Ang man~ga cahatolang ucol sa paglagay sa estado, ay sa susunod na sulat aquing ilalagay. Adios Urbana.—ISANG SACERDOTE
Ang sulat na ito, ina, nitong sacerdoteng hinin~gan co nang hatol, ay inaasahang co na paquiquinaban~gan nang maraming ina, at ni Feliza naman, n~gayong siya,i, dalaga pa, at gayon din naman cun siya,i, maguing ina. Ipagcaloob naua nang Lan~git na mangyari ang iyong magandang nása cay Feliza cun icararapat sa Dios. Aco po, ina,i, humahalic sa iyong camay, gayon din naman cay ama.—URBANA.
Si Urbana cay Feliza.—MANILA ...
FELIZA: Di hamac ang pagpupuri co sa Dios, at pinagcaloobang ca nang matibay na dibdib, na dili nabagbág nang maulit na tucsò, na nagbantang sumirá nang cabaitan mo; nang timtimang loob na naca pagtiis nang hirap sa paquiquipaglaban. N~gayo,i, ang hatol co sa iyo,i, ang pananatili. Nagtagumpay cang minsa,i, houag cang malin~git, at di ca rin tatahanán. Ang buhay nang tauo dito sa ibabao nang lupa, ay palaguing paquiquipagbaca,[36] caya ihandá ang sandata, houag pasuboc, iubos ang lacás, tapan~gan ang paquiquipag-laban, at catatag capag dating nang digmá.[37]
Ang demonio,i, cun tumucsò sa isang may loob sa Dios nang laban sa calinisan, ay di natin sucat na malirip. Palibhasa,i, diyan naquiquita ang carupucán natin, ay diyan ca naman pagpipilitang ihapay. Daraanin ca muna sa paquiquipag capoua tauo, hihicayating cang maquipagsalitaang palagui sa quinahihinguilán nang loob, ibubulóng sa iyo na ualang pan~ganib, sacá isusunód ang pagpapalagáy nang loob at pagmamahalan, at capag ang puso ay natalian nang masamang pag-ibig ay taling casunód na ang Páhiná 108masamang gauá. Caya ang biling co,i, ang ilaban mo sa ganitong tucsó,i, ang pagilah sa pan~ganib, pagtauag sa Dios, pagdating nang oras.
At cun sacali ma,i, ipahayag mo ang loob mo na si Amadeo ay maguing esposo mo, ay houag itulot, sa puso ang maraming pagibig, at ang alalahanin ay Santo at malinìs ang Sacramento Santo Dios ang may lalang, ang Hari nang malilinis na Angeles, ang Esposo nang man~ga Virgenes: caya tatangapin nang boong calinisan. Tangaping malinis at nang di ang sumpá nang Dios, cun di ang caniyang bendición Santá ang igauad sa iyong casabay nang Sacramento. Basahin mo Feliza, ang sulat na calampi nito, na ipinadadala sa iyo nang aquing Director[38].
Isang Sacerdote cay Urbana.
URBANA: Sa sabi mo sa aquin na si Feliza ay nagcacailan~gan nang man~ga cahatolang ucol sa pagtanggap nang Santo Sacramento nang MatrimoPáhiná 109nio, minatapat cong isulat sa iyo at nang maipabasa mo sa caniya ang man~ga santong hatol, na sinipi co sa isang libro. Dito sinasaysay ang man~ga bagay na quinacailan~gan nang magsisipagasaua na ipagcacamit nang capalaran, at pagcacasundo nang esposo,t, esposa.[39]
Ang una-una,i, cailan~gan, na ang esposo,t, esposa,i, magcaparis nang uri at caugalian. Ang icalaua,i, ang pagiibigan. Ang icatlo,i, ang pagibig ay malagay sa catamtaman. Ang icaapat ay ang pagcacatiualaan nang loob. Ang icalima,i, ang babaye ay houag mapacalubha ang yaman sa lalaqui. Ang icaanim, ang edad ay magcaparis. Ang icapito, ang cagandahan nang babaye na hahanapin ay caiguihan lamang at huag lumabis. Ang icaualo,i, capoua mauilihin sa catahimican at mailaguin sa masasamang pagsasayahan. Ang icasiyam ay huag maiguin sa sugal na baual at malacas. Ang icasampo ay huag maramot at huag náman sambulat. Ang icálabing isa,i, capua banal at may tacot sa Dios. Ang icalabing dalaua,i, masipag at capua caauay nang catamaran. Ang icalabing tatlo,i, matanguihin sa pagcamamariquit. Ang icalabing apat ay loob na timtiman at mapagtiis nang hirap.
Cun ang lahat nang ito ay taglay nangsisipag asaua ay capilitang magcacasundo, ang uica Payo at panununtunan nang magandang capalaran. Cailan~gang magcaparis sa pagca ualang capayapaan, cundi magcagayon. Ang uica nang pitong pantas sa Atenas: ang babaye ay humanap nang caparis Páhiná 110at gayon din ang lalaqui.[40] Ang lalaquing nagasaua sa babaeng mahal pa sa caniya ay di esposo ò asaua cundi alila ang casacapitan at parang humahanap lamang nang caniyang infierno. Gayon ang uica ni Flutano, Huag mong papag samahin sa pagaararo ang baca at asno, ang uica nang Dios sa santong sulat,[41] sapagca,t, sa di pagcacaparis nang canilang lacas at ugali, ay di naman magcacauasto sa paggaua.
Ang icalauang quinacailan~gan, ay ang pagibig, pagca,t, cun may pagibig, ang anomang hirap ay pagcaca-isang bathin, at mabigat man sacali,t, pinagtutulun~gan ay mamagaanin. Cun may pagibig, anomang masapit ay di maghihiualay. N~guni,t, cun ualang pagibig, ang munting hirap ay di matitiis, ang uica ni San Agustin, at palibhasa,i, di nagcacatulong nang pagbabatá.
Ang icatlong cailan~gan, ay ang pagibig ay houag lumabis, sapagca,t, cun lumabis, ay pan~ganib na mahulog sa catacot-tacot na panibughó. Pag ang alin man sa dalauá ay maguing panibughoin, malin~gat lamang sa matá nang asaua, ang acala,i, naglilo na; lumurá lamang sa durun~gauan, pinagbibintan~gan na may causap. At ang guinasasapitan ay ang magasaua,i, parang na sa infierno. Ang naninibugho,i, parang, isang verdugo sa panibughoin. Gayon din, naghihirap ang ipinaninibughó, sapagca,t, nasasactán ang loob sa paglililo na ipinagbibintang sa caniya. Caiin~gat ang magasaua sa panibughó, sapagca,t, Páhiná 111nagpapamatá sa masamá. At cun ang isa,i, mapunó na ay niuiuica sa loob na caniyang titiquisin.
Ang icapat na cailan~gan ay ang pagpapalagayan nang loob, gayon ang uica nang haring pantás sa babayeng timtiman na pinagcacatiualaan nang puso nang caniyang esposo,[42] n~guni nacasisira rin naman ang malabis na pagcacatiuala sa asaua. Cun di nagca gayon si Samson cay Dalila, di disin nahulog siya sa camay nang man~ga filisteos, di disin napahamac ang caniyang buhay.
Ang icalimang cailan~ga,i, ang babaye ay houag yumamang lubha sa lalaqui; sapagca,t, cun magca gayo,i, ang babaye ang maguiguing lalaqui at ang lalaqui ang maguiguing babaye. Marami ang napapahamac na pagaasaua, sa pagca hindi esposa cun di pilac ang hinahanap.
Ang icaanim na cailan~ga,i, ang edad ay magcaparis; sapagca,t, cun magcacahiguitan nang malaqui, ay magcacaroon man nang pagibig, marahil ay di lumagui at cung magca gayo,i, mauauala ang pagcacasundó, at cun samain pa nang palad ay mararamay pati nang pagtatapat nang loob. Ayon sa bagay na ito,i, marami mang bagay na sucat masaysay ay hindi mangyari, at masisinsáy sa calinisan.
Ang icapitong hinihin~gi ay ang cagandahan nang babaye ay malagay sa caiguihan sapagca,t, cun lumabis, marahil ay di matahimic ang lalaqui sasaguian nang agam-agam na sa caramihan Páhiná 112nang nalulugod sa caniyang esposa ay baca siya paglilohan. Gayon ang sabi nang daquilang Sacerdote nang Santa Iglesia na si San Juan Crisostomo.[43]
Ang icaualang cahin~gia,i, ang magasaua,i, capua maibiguin sa catahimican, nang di ang lalaqui man~gamba sa caligaligan nang babaye at nang di ang babaye caya naman ang maghinala sa lalaqui cun maquitang ualang palagui sa bahay at pagalagala, lalo,t, cun palabiro at mapag aglahi. Ito,i, tagubilin nang isang pantas sa Grecia.[44]
Ang icasiam ay capua umilag sa sugal sapagca,t, ang viciong ito ay pangsira nang pagaari, mula nang pagaauay nang magasaua, iquinalilimot sa Dios nang pagtupad nang catungculan nang pagca cristiano, nang pagcacalin~ga sa pamamahay, nang pagaral sa anac; at cun ang babaye ang matutong magsugal, ay lalong malaquing casiraan nang matrimonio. Maraming lubhang casaman ang napapaquinabang sa sugal. May isang babaye na mauilihin sa sugal, na maguing ilang oras man sa laró, ay di naiinip, at palibhasa,i, malaqui ang pagcaibig. Sa guinayon-gayon ay di dinatnan nang saquit. Gayon man ay di pinapansin at nagsugal din. Isang gabing na uupo siya sa sugalan, caraca-raca,i, sumuca siya nang dugó, inabot nang camatayan. Ang caniyang vicio ay sugal, sugal ang ipinagcasaquit, sugal ang iquinamatay. Sucat pang hinuhaan nang maibiguin sa viciong ito.
Ang icasampuong cahin~gian, ay capoua hindi masaquim sa salapi at di naman sambulat. Ang cailan~gan ay bait na icaquiquilala nang panahong tapat na ipagimpoc, at panahong ipagpapaquita nang magandang loob.[45] Ang Páhiná 113masaquim sa salapi ay salat sa pagibig sa Dios, at malupit sa capua tauo; at ang di marunong magsimpan naman, ay malapit sa paghihirap.
Ang icalabing isang cahin~gian ay ang tacot sa Dios sapagca,t, pinagpapala nang Lan~git. Ang uica nang Dios Espiritu Santo,i, ang calolouang may tacot sa Dios, ay hinahanap at pinacamamahal at pagpapalain naman nang Dios.[46] Ang Dios ang canilang pinananaligan na magtatangcacal sa canila,i, ang mata naman nang Dios ay parating lin~gap sa nananalig at umiibig sa caniya.[47] Mapalad ang magasauang may tacot sa Dios mapalad sa canilang pagsasama, mapalad sa man~ga anac, mapalad hangang sa ca-apu-apuhan.
Ang icalabing dalaua,i, ang casipagan. Si Adan at ni Eva ay linalang nang Dios at paraisong puspós nang toua ang pinaglagyan sa canila, n~guni pinagutosan din na bagbaguin ang lupang iyon, at nang may pagca liban~gan.[48] Ang babayeng hinahanap at pinupuri nang haring Salomón ay ang may inin~gat na bait,[49] di ang may cagandaPáhiná 114han at palibhasa,i, madaling lumipas,[50] cun di ang may cabanalan at may cabaitan, na sucat pagcatiualaan nang puso,[51] camahala,t, puri nang isang esposo, at dilang cayamanan na sa caniya,i, ipinamamahala nang dilang casipagan na di ang quinahihinguila,i, ang maghiyas at magpamuti nang labis na di nababagay sa caniyang calagayan cun di ang magca in~ga sa pamamahay, humanap nang lino at balahibo nang tupa na hinahabi,t, itinatalaga sa esposo at man~ga casambahay, dili cumain nang tinapay na di pinagpaguran;[52] ang babaeng itong caguilaguilalas na naghihiyas nang puri at cabaitan[53] at dilang cabutihan na sucat taglayin nang esposa at ina ay pinanguilalasan nitong pantas na hari at nauica na ualang caparis sa lahat nang babayeng anac sa Jerusalem.[54] Ang babayeng ito ay parang corona nang esposo, at palibhasa,i, iquinararan~gal sa bayan at parang camahalang taglay nang caniyang pan~galan na iquinatataas nang caniyang puri sa guitna nang caguinoohan.[55] Ang ganitong esposo ay capilitan mamahalin nang caniyang esposo at cabubuhosan nang boong pagibig pamimintuho,t, paggalang nang caniyang man~ga anac, at capalad-palaran ang ibabansag sa canilang ina.[56] Caya sa Páhiná 115panguiguilalas nang haring Salomon, ay ipinagtatanong cung sino ang maca quiquita nang isang babayeng timtiman, na ang camahalan ay higuit sa camahalan nang lahat nang cayamanan sa mundó:[57] Mapalad, ang uica nang Dios Espírito Santo, ang lalaqui na may asauang banál.[58] Mapalad sa canilang pagsasama, mapalad sa canilang pagaanac, mahal hangang sa caapuapuhan. N~guni ang capalarang ito sa caraniuán, ay di ipinagcacaloob nang Lan~git, cun di sa lalaquing may inin~gat na cabanalan.[59] Caya ang babaye,t, lalaqui, magcaca-asaua, ay dapat capoua magtaglay nang casipagan, cabaitan at cabanalan. Sa catagáng uica,i, magsising isa magandang asal at nang magsising-isa naman sa magandang palad.
Ang icalabing tatlo, ay houag maibiguin sa malabis na pagmamariquit. Ang isang dalaga na nagnanasang magasaua, ay nauucol na magdamit nang mabuti at malinis, n~guni itutuntóng sa guhitt, sapagca paglumabis, ay maooui sa caparan~galan at pagpapa-ibig. Bucód dito nama,i, ang isang dalagang butihin ay sucat catacutan nang baguntauo, sapagca,t, ang uica ni San Basilio, ay cahit ang pilac ay maparis sa agos na pumapanhic sa bahay, ay madaling mauhos nang babayeng butihin, at sucat icapahamac nang isang lalaqui. Si Salomón ay hari na maPáhiná 116yaman at marunong, minamahal nang bayan nang siya,i, bagong maghari. N~guni nang ang caniyang puso ay mabihag at alipinin nang man~ga babayeng butihin sa caniyang palacio, ay nabighaning sumambá sa man~ga idolo, sa pagbibigay loob. ¿Ano pa ang nangyari? Quinapootan nang bayan, dahil sa napilitang pinasaquitan ang caniyang caharian nang matataas na buis, at nang masunód ang masasamang cahin~gian nang mapagmariquit na man~ga babaye na inaalagaan. Sa lalaqui di ucol din naman ang magmariquit nang labis sa caniyang catauan at sa pamamahay; sapagca,t ipaghihirap nang asaua,t, anac.
Ang icalabing apat na cahingian ay ang babaye ay tahimic at matiisin. Ang mundó ay bayan nang dálita, na may hirap na titiisin sa magulang, may asaua,t, sa anac at dilang casambaháy. Cun ang babaye ay ualang loob na timtiman, na ipagtitiis nang hirap, ay ualang caguinhauahang cacamtan sa pagaasaua. Sapagca,t, di matutong magpuno sa pamamahay, at di maca sundó nang caniyang esposo. May man~ga babaye na cun titingnan ay naca guiguilio, at masayá ang muc-ha, at sa paquiquipagcapoua tauo ay cagandahang loob ang ipinaquiquita, n~guni sa munting, masira ang caibigán, ay ipinahahalata agad ang tinagong casamán. Ang mata,i, nanlilisic, ang in~gay nang bibig ay para nang sa campana, ang tinacáp-tacap ay parang manóc na putaquin, sa bibig ay nananambulat ang tun~gayao na anaqui,i, apóy sa himpapauid: ang man~ga babayeng ito,i, saan caya natin maipaghahalimbaua, cundi sa putacti na masaquit Páhiná 117sumiguid, sa man~ga olopong na may tinagong camandág na talagá sa apóy sa infierno. Gayon ang uica nang ating P. J. C.: ¡oh lahi nang ahas at man~ga olopong! ¿papaano cayang macaliligtás cayo sa apóy sa infierno ó sa galit nang Dios, na nagbabalang magparusa sa inyo?
Pang-hinuhahan nang man~ga babaye ang parusang ibinibigay nang Dios sa isang babayeng palatun~gayao sa Cataluña, na sinalitá nang Señor Obispo D. Antonio Claret. May narinig, aniya aco, na isang babaye na nagtutun~gayáo, ay pinan~garalan co. Sa pan~gan~garal co i, tumahimic na saglit, n~guni nang málayo aco,i, umulit na naman. Dito,i, catacot tacot ang nangyaring parusa nang Dios. Namagá ang díla nang labis, na di macasiya sa bibig, nan~gin~ginig, at humihin~gal na tila malalagót ang hinin~ga. May tumauag sa aquin at nang mapa compisalán co, itong caaua-auang babaye; n~guni, ¡oh masamang capalaran! Hindi na nacapan~gusap, at di co naman naquitaan nang tandang pagcacaquilanlan nang caniyang pagsisisi.
Ito, Urbana, ang nacayanan nong sinipi sa man~ga casulatan na man~ga santong hatol, na ucol cay Feliza, sa iguinagayác nang loob na pagtangáp nang Santo Estado. Paquinaban~gan na na niya. Adios, Urbana—ISANG SACERDOTE.
Cun icao, Feliza, ay macapagtitiis nang hirap, macayayacap sa mabigat na cruz na pinapasán nang isang babayeng may asaua: uica co sa iyo,i, tangapin mo itong mabigát na pasán. Cun ang lahat na cabutiha,t, cabanalang hiyas nang isang babayeng timtiman na hinahanap ni Salomón at pinupuri nang Dios Espíritu Santo, Páhiná 118ay di mo man iniin~gatan at nasusunód, ay pagsasaquitan mong sundin: uica co sa iyo,i, tangapin ang Santo Sacramento nang matrimonio. Cun si Amadeo,i, may inin~gat na bait, may tacot sa Dios, na para nang sabi mo, macapagbibigay sa iyo nang magandang halimbaua; cun icao,i, marapa ay maibaban~gon ca: cun mapasinsáy ca sa daang matouid ay maipapatnugot ca: cun inaacala mo na matimpi ang loob na maca pagtitiis nang taglay na hirap niyang mabigát na estado; cun nararamdamán mo na marunong magparaan nang mumunting casiraan at capintasan, na pilit maquiquita sa isang esposa, at palibhasa,i, babaye; cun naquiquilala mo, na ang caniyang ugali ay dili malupit cundi mabanayad at ang casiraan at capintasang taglay, palibhasa,i, tauo ay mapararaan mo: paganhing saysayin, cun nahahalatá mo na cayong dalaua,i; maca pagtitiisan, at ang mabigat na cruz, na cun sarilining pasanin ay di macacayanan, at cun pagtulun~gan ay mamagaanin: hatol co sa iyo ay ipahinuhod cay ina ang calooban mo sa caniyang calooban na si Amadeo,i, maguing esposo mo. Caya ang mabuti ay magmasid muna at magtanong tanong. Feliza ang Dios naua,t, si Guinoong Santa Maria, ang tumulong sa iyo. Adios, hangang sa isang sulat.—URBANA.
Si Feliza cay Urbana.—PAOMBONG ...
URBANA: Basahin mo ang sulat nang isa cong caibigan na casama nito. Nabalitaang co na siya,i, caquilala at capit bahay ni Amadeo, caya siya ang pinagtanon~gan co, cun sa caasalang naquiquita niya sa baguntauong ito, ay maihahatol niya sa aquin na ipahinuhod co ang aquing loob, na maguing esposo co.
Isang caibigan ni Feliza
FELIZA: Sa cahin~gian mo na saysayin co sa iyo ang caasalan ni Amadeo, di mo man sinabi ang puno,t, cadahilanan, ay nahulaan co ang laman nang pusó mo. Dinguin mo ang aquing salitá:
Ang bilang nang panahon nang pagca tauo ni Amadeo ay labis nang dalaua sa edad mo n~gayon na labing anim. Natanto mo na siya ay tubo sa liping guinoo; ang magulang niya,t, magulang co naman ay magcacaibigan, caya ang canilang pagcacaquilala at pagcacasundo ay aming minana naman ni Amadeo, na aquing capoua bata. Di mamacailang nacacasabay co nang cami,i, musmos pa sa pagsisimba, at pagpa sa escuela, cayá ang madalas ay na pagtatanon~gan co nang di co narurunun~gan sa lecciong ibinigay sa aquin nang Páhiná 120maestra. Ang caniyang cabaitang cacambal nang pagca bata, ay di tinalicdan, cun di pinaibayuhan, n~gayong lumaqui na. Loob ay matipid, marunong maquiramdam sa capoua bata; hindi naquiquipag-ibigan cahima,t, can~gino, cun di sa naquiquilalang may tacot sa Dios: Dinguin mo ang sinasalitá niya sa aquin na napahamac na bata, dahil sa maling pagiibigan, na caniyang nabasa sa isang libro ni San Alfonso de Legorio.[60]
May isang batang may loob sa Dios, mauilihin sa pagcocompisal at paquiquinabang, na sinabi nang caniyang confesor na di nagcasala nang daquila, mula nang magca loob. Isang arao na siya,i, naglilibang, nacatagpo nang isang masamang bata, na nacasira nang caniyang cabanalan. Ualang málay malay sa pagcacasala, ay tinuruan nang paraan nang malupit na batá, sa paggauá nang masamá. Nang siya,i, maoui sa caniyang bahay, dumating ang gabi,i, guinauá ang natutuhang casalanan.
¡Oh di sucat malirip na justicia nang Dios! Nang gabi ring iyon ay dinatnan nang camatayan sa pagcacatulog. Nang quinabucasang maquita nang ina,i, patay ang anac, ay ualang pagcasiyahan nang calumbayan, dahil sa pagcamatay na biglá, at di pagcacompisal nang caniyang anác. Ipinatauag na madali ang confesor, at ipinahayag ang caniyang agam-agam. Ang sagot nang confesor, ay huag ca, aniyang man~ganib, at ang anac mo ay di nagcasala cailan man nang daquila; gayon man aniya,i, ipaghahaing co siya sa Dios nang Páhiná 121Santo Sacrificio nang misa, upan ding macacauas siya sa hirap sa purgatorio cun doo,i, may pinagdurusahan. Lumacad nang madali sa sacristia ang sacerdote, at gumayac, sa pagmimisa. Nang siya,i, pasa sa altar na, ay nacaramdam na sa caniyang licoran ay may humahauac sa casulla,t, ayao siyang palacarin. Nang caniyang lin~gonin, ang naquita ay isang caquilaquilabot na anino, na anyong tauo na nan~gusap; huag mo aniya, acong ipagmisa, at aco,i, nagdurusa sa infierno. Sa uicang ito,i, sabihin ang pagcamaang nang sacerdote. ¿Di baga, aniya, ang sabi mo sa aquin nang icao buhay pa,i, di ca nacagaua nang casalanang daquila? Oó, ang sagót nang caloloua, hangang sa cahapong aco,i, tinuruan nang masamá. Capagca gauà co nang casalanan, ay tinambin~gan aco agád nang parusa.
Ito ang dahilan, Feliza, nang pagilag ni Amadeo sa masamang pagiibigan, caya malayong malayo, at ilág na ilág sa man~ga batang hilig sa calupaan. Di naquiquipagpulong sa man~ga lansan~gan at sa pagiinoman.
Sa umaga, bago patun~go pa gagauin, ay nagsisimba muna at ang sinusunod yaong hatol nang ating P. J. C. sa Santo Evangelio. Hanapin muna ninyo ang caharian nang Dios, at ang lahat ay maquiquita ninyo.[61] Capagcatapos, ay napatutun~go sa caniyang sasahan, pinaquiquialaman. Cun macaquita nang i-asusucal nang loob sa man~ga upahan, ay di maca bitiu nang uicang di matuid, di nanampalasan at di linilimot na ang pan~ginoon at alila, ay iisa rin sa mata nang Dios. Páhiná 122 Cun nagsasaca nang caniyang buquid, cahima,t, ang hayop ay dili matumpac, nang paggauá, at naglilibang-libang, caraca-raca,i, hahanap nang lihim na lugar, nagpapasi-pacial, ang mata ay sa lupa,t, hindi nan~gun~gusap. ¡Oh Feliza! cun maquita cong gayon, ay naalaala co si Isaac, na naquita ni Reveca, na nagpapasial sa cabuquiran at nagdidili-dili.
Cun naquiqui umpoc sa man~ga binata si Amadeo,i, nacan~giti lamang dili mapanulos na maquipaghambogan, di naman pulaan yaong man~ga baguntauong nan~gagcacamali, diyan ipinaquiquita ang caniyang carunun~gan na maquipagcapoua tauo, na pinagaralan sa magulang. Cun may magpahamac na baguntauo, na maguica sa caniya na nagbabanalbanalan, dahilan sa naquiquitang cabaítan, at malimít na pagpasoc sa Simbahan, ay di mabuyong magalit, sumagot man ay banayad, di magdalang poot sa carohaguinan. Ay at tila naquiquita co yaong mabait na baguntauong nan~gusap: aco,i, isang baguntauo na inaaglahi at dinudouahagui, gayon ma,i, ang man~ga utos mo, Dios co,i, di co rin linilimot.[62] Paganhing saysayin dito sinasalita co sa iyo,i, matatantó mo ang pagibig sa Dios at cabaitan, ang carunun~gang maquipagcapoua tauo, mapagtiis nang hirap at carouahaguinan sa mundo na tínataglay ni Amadeo.
Aquing nasambit sa iyo na sa tanong mo sa aquin, ay natanto co ang laman nang puso mo. N~gayo,i, dinguin mo naman yaring ipahahayag co, Páhiná 123na di man sagot sa tanong mo, ay ucol na hatol sa nabasa cong puso mo. Si Isaac ay mabait, mabanayád ang asal; di ipinahintulot ni Sara, na cániyang ina, na magasáua sa, man~ga babaye na taga Canaan, na palalo,t malupit, cun di cay Reveca, na tubo sa caniyang angcan na marunong matacot, mamintuho,t, cumilala sa Díos. Itong guinauá ni Sara, sa caniyang anac na lálaqui na sinalita co sa iyo,t, nang pagcunan mong uliran, yayamang naquiquitaan mo si Amadeo nang cabaita,t, cabanalan. In~gatan ca naua nang Dios, Feliza, at naghihintay namang pagutusan itong iyong—CAIBIGAN.
Sa ganitong balita, Urbana, nang isa cong caibigang tapat na loob; sa man~ga pahayag ni ama ni ina at iba pang camaganac natin, ay sinaysay co cay ina, na pumapayag na aco, na si Amadeo,i, maguing esposo co. Di co na sabihin sa iyo ang man~ga nangyaring ualang cabuluhan, bago cami nacasal. Sa arao na ito dumulog cami sa altar, tinangap namin ang Santo Sacramento nang matrimonio, aco,i, nan~gaco sa harap nang Dios at ng sacerdote, gayon din naman si Amadeo na aco,i, maguing esposa niya, at siya,i, maguing esposo co. Adios, Urbana, at hinihintay co na icao,i, sumulat sa aquin.—FELIZA.
Isang Sacerdote cay Feliza,t, cay Amadeo.—MANILA ...
FELIZA AT AMADEO: Ibinabalita sa aquin ni Urbana na tinangap ninyo ang Santo Sacramento nang matrimonio, at tuloy hinihin~gi na cayo,i, sulatang co, at ipaaninao ang man~ga santong cahatolang ucol sa bagong estado, na inyong tinangap. Pacatandaan na ang sacramentong ito,i, daquila, alinsunod cay Jesucristo, at sa Santa Iglesia, alinsunod cay Jesucristo sapagca,t, calarauan nang caniyang pagca Dios at pagca tauo, na nagcacaisa sa isang persona: gayon din daquila, alinsunod sa Santa Iglesia, sapagca,t, calarauan nang pagcacaisa nang lahat nang man~ga cristianos na isá ang ulong quiniquilala na si Jesucristo. Mahal ang pinagmulan, sapagca,t, lalang, nang Dios, at ang dalauang tauo ay naguiguing isa, ang loob ay isa, at palibhasa,i, sing isang catauan.[63] Sasalitin cong saglit sa inyo ang paglalalang nang Dios, nang Santo Sacramento nang matrimonio.
Naguisnan ni Adan sa Paraiso ay maraming hayóp na ang lahat may man~ga caparis. Bucod lamang siya, na namumugtong na ualang casama,t, catulong sa lugar na iyon na caayaaya.[64] Caya pinatulog nang Dios si Adan, at nang macatulog, Páhiná 125ay hinugot ang isang tadyang ay guinauang babaye na ibinigay cay Adan. Sa pag laláng na ito, ay may isang misterio na naaninao si San Agustin.[65] Hindi quinuha nang Dios ang babaye sa ulo nang lalaqui; sapagca,t di itinalagá na gauing pan~ginoon mag uutos sa lalaqui; hindi quinuha sa paa at nang di irin~gin at ariing hamac na parang alipin. Quinuha sa tadyang sa tapat nang pusó, nang pacamahalin at nang ariing isang casama, na cacatulun~gin sa pagtitiis nang hirap sa buháy na ito. Si Adang nacatulog at nahimbing nang lalan~gin si Eva, ay calarauan ni Jesucristo na dinatnán sa Cruz nang tulog na camatayan, at nang mangyaring lalan~gin ang Santa Iglesia na icalauang Eva. Nang si Cristo,i, patáy na sa cruz ay nabucsán ang dibdib at binucalán nang pitong sacramentos, na ipagcacamit nang gracia at casantosan nang Santa Iglesia, at nang marapat na maguing esposa. Caya ang esposo at ang esposa, ay tulad cay Jesucristo at sa Santa Iglesia, na tinatalian nang pag-ibig. Tinatauag naman na magsing isang catauan, sapagca,t ang catauan nila,i, di na nasasarili; caya ang adulterio ó paglílilo sa asaua, ay isang casama-samaang casalanan. Daquilang sala ang sabi nang Dios sa Genesis; malalim ang tauag nang Profeta Isaias, caya calaqui-laquihan naman ang parusa. Dinguin ang nangyari cay Faraon. Si Sara, nang maquita ni Faroan ay quinalugdán, at pinagnasaang camtán, at cahit di tanto na esposa ni Abraham, ay pinarusahan din nang Dios, na iniramay sampo nang man~ga casambaháy. Sa man~ga di binyagan ang casalanang ito ay pinaruPáhiná 126rusahan nang catacot tacot; at, palibhasa,i, inaaring casama samaan. Sa man~ga Finedos, ay may ugali na pinupugutan nang ulo gayon din ang man~ga Arabes. Nang man~ga unang panahon, ay sinusunog nang man~ga Sidonios, at nang panahon ni Moises ay ipinagutos nang Dios na batohin nang bayan hangang sa mamátay.[66] Sa Egipto,i, nang naghahari si Sostris, ipinasusunog na buhay ano pa n~ga,t, ang galit nang man~ga di binyagan sa casalanang ito ay ualang pagcasiyahan na inaaring di na dapat mabuhay sa mundo ang maglilo sa asaua, na ipinapapatay sampo nang casama sa pagcacasala. Sa man~ga Romanos, ay destierro ang parusa.[67] Ipinagutos naman nang haring Constantino na pugutan ang lalaqui at ang babaye ay paloin at culun~gin sa monasterio.[68] Gayon din ang utos nang haring Alfonso Sábio.[69] Sa man~ga huling panahon ay binago ang parusa, pinapagisa ang babaye,t, sa lalaqui na capoua ipinag-utos na patain.[70] Ang parusa naman nang Santa Iglesia sa naglilo sa asaua ay excomunion.[71]
Ang excomunion ay isang parusa nang Santa Iglesia sa masamang cristiano, na pinagcacaitán nang dilang cagalin~gan na sa caniya,i, napapaquinabang; pipinagcacait ang pagaua at pagtanggáp nang man~ga Santos Sacramentos; ang Santo Sacrificio nang misa, ang paquiquipagusap sa capoua Páhiná 127cristiano, ang olicio ó catungculan na caniyang ipinagcasaloob, at cun ang excomulgado ay mamatáy na di naquitaan nang pagsisisi, ay di ipinalilibing sa lupang sagrado, at ang babayeng lilo, cun ayao nang tangapin nang lalaqui, ay ipinacuculóng sa isang Monasterio, at nang doon magsisi sa casalanan. At cun sa man~ga panahong ito, ang marami sa man~ga parusang iyon ay di nasusunód, ay ipinababaya na sa Dios ang pagpaparusa.[72] Lalong catacot-tacot cun ang Dios ang magparusa; sapagca,t, cun patauarin dito, ay itatalagá doon sa isang buhay, at dili bihira na dito at doon ay pinarurusahan. Ang palaguing pagaauayan, paghihirap nang pagcabuhay, na saan man ilagay ang camay, ay di magdaang pala, at tila ang hampás nang Dios ang siyang namamalas. Cun minsan ang lilong lalaqui, ay nagagantihan na pinaglililuhan nang asaua, at cun di man magca gayo,i, ang man~ga anac ang magbabayad, at natutupád ang hatol nang ating Pan~ginoong Jesucristo: cun ano ang isinucat mo sa iba ay siyang isusucat sa iyo.[73]
Feliza at Amadeo, tanto co ang inyong cabaitan, ang tacot sa Dios, at ang pagiibigan, na di pahihinuhod sa paglililo; gayon man, ay minatapát cong italá sa sulat, ang cabigatán nang casalanang ito, nang may pagcaaninauan ang macababasa. N~gayo,i, isusunod co ang inyong catungculang magpilit na cayo,i, magcasundô.
Icao man, Amadeo, ay ulo ni Feliza,[74] ay magpaparayâ ca, at houag mong iguiguiit na Páhiná 128palagui ang iyong capangyarihan, pacundan~gan sa cayo,i, ualang pagauayan. Alalahanin mo yaong pan~gun~gusap nang sacerdote nang tangapin mo ang Santo Sacramento nang matrimonio casama at di alipin ang ibibigay co sa iyo.[75]
Icao naman Feliza, ay magpilit na houag magbigay galit sa iyong esposo, at palibhasa,i, icáo ay nasusucuban nang caniyang capangyarihan.
Icao Amadeo, ay houag macalilimot, na catungculan mo ang maghanap buhay, palibhasa,i, ulo ca, na may cautan~gang magpacain sa esposa at sa maguiguing anac.
Icao naman Feliza, ay may catungculang magimpoc nang maquiquita ni Amadeo, at magalaga sa pamamahay: ilagan ang pagmamariquit nang labis, at nang di ninyo ipaghirap.
Icao, Amadeo, ay houag macalilimot sa gaui mong catahimican, nang di pagcaraanan nang pagcalimot sa Dios, at di naman pagcadahilanán na paghinalaang ca ni Feliza, na siya,i, pinaglililohan mo.
Icao naman Feliza, ay houag manaog nang ualang pahintulot ni Amadeo, nang di icao naman ang paghinalaan. Cayo naua,i, matulad sa jardin ó halamanang may susi, na ualang macapan~gahás pumasoc cun di ang may ari; sa batis na naquiquintatán nang calinauan[76] at binubucalán nang malinao na tubig.
Sa inyong pagsasama, ay houag ihiualáy ang calinisan. Ang Arao at Buan, ay nagpapaliguid-Páhiná 129liguid sa mundo, palaguing nalacad ay di nasinsay sa daang iguinuhit sa canilá nang Dios. Ang man~ga alon sa dagat, ay sacdal nang bagsic, ang inugong ugong ay parang nagn~gan~galit, n~guni pagdating sa guilid ay nan~gan~gayupapa, at di lumalampas sa pasigang iguinuhit sa canila nang Dios.[77] Gayon din ang magasaua, may guhit na dapat tuntunin, hindi lalampasan, at nang di masira ang calinisan.
Alalahanin ninyong magasaua na ang Dios ay Santo, si Jesucristo ay Santo, ang matrimonio ay Santo, caya dapat ninyong pagpilitan na ang pagsasama ninyo,t, boong caasalan ay maturang Santo.
Alalahanin ang catungculan ninyong magibigan, at magmahalan. Ibiguin mo, Amadeo si Feliza, at alalahanin mo yaong salita sa Genesis, na ang babaye hinan~go sa tadyang nang lalaqui na tapát sa puso, at nang pagcaquilanlán na liban na lamang sa Dios ay ualang iibiguin ang esposo na para nang esposa, at gayon din naman ang esposa sa esposo.[78]
Alalahanin mo, Amadeo, na iniuan mo ang ama mo,t, ina, at sumama ca cay Feliza, at cayo,i, nagca isang catauan,[79] caya sa inyo,i, ualang magpapahiualáy cun di ang camatayan; sapagca,t, ang matrimonio, ay isang taling caloob nang Lan~git na di nacacalag nang tauo.[80] Caya dapat cayong magsunuran sa lahat nang bagay na di nalalaban sa utos nang Dios.[81] Páhiná 130 Malasin mo, Feliza, ang caugalian ni Amadeo, at sundin ang caniyang calooban, houag lamang sa di catouiran.
Pagaralan mo naman, Amadeo na si Feliza ay maca sundó mo; at cahit catungculan nang babaye ang sumunód sa lalaqui, ay houag mong piliting masunód na lahat ang caibigán mo, sa pagca,t, magpacabait-bait man ang lalaqui, ay nacacapagpita sa babaye nang di macayanang sundin. Cun maminsan minsan ay di macasunód sa cahin~gian mo, ay houag tampalasanin, houag pan~gusapan nang di catouiran, at nang di maquisama sa iyo, na parang natutuntóng sa dulo nang sibat.
Cun si Amadeo, Feliza, ay patutun~go sa Simbahan, ó pasasa buquid caya,t, magsasaca, ay ihanda mo ang caniyang babaonin, nang macaquita nang loob sa iyo, at palibhasa nama,i, catungculan mo. Cun siya,i, matapos na gumauá, alamin mo ang oras nang pagoui, ihanda ang pagcain nang may pagcaguinhauahan sa pagod at hirap.
Cun nagdaan sa init nang arao ó nagdaramdám caya nang gutom, hindi malayo na maginit ang ulo, paquiramdaman mo, salubun~gin nang tua at pagibig, nang may pagcalamigan ang loob. Cun maquitaan mo nang galit, ay houag salansan~gin, at nang di pagtalunan. Cun may pangalin~gan na malayong lugar, ay bago mo tanon~gin nang ibang bagay, ang itanong mo muna, ay cun nagdaramdám nang cagutuman.
Cun may darating na malaquing fiesta ó Domingo caya, agapan mong alamin, cun may magagamit na damit ucol sa man~ga arao na iyon; at sacali ualá, ay ihanda. Gayon din, cun may punit, agapang buoin, houag hintin ang arao at Páhiná 131oras nang pag gamit, at bacá ca magahól, mapilitan cang gumaua sa fiestang daquila, di ca macapan~gilin, at ipagcasala mo sa Dios dahil sa di pag gaua sa capanahonan.
Cun si Feliza, Amadeo, ay di macasunód sa iyo sa lahat nang bagay at may macaligtaan, ay magpáraya ca, ipahayag mo nang sabing banayad, houag gahasain, sapagca,t, ang isang babaye, ay uliran man nang cabaitan ay may pagcacaculan~gan din sa caniyang catungculan sa lalaqui, at palibhasa,i, ang babaye ay para rin nang lalaquing anac nang nagcamaling babaye.
Cun si Amadeo, Feliza, ay maquitaan mo nang galit, macabitao siya nang masaquit na sabi, ay pagaralan mong tiisin, nang cun maquitaan ca nang magandang halimbaua, ay magaral namang magtiis sa iyo. Marami ang babayeng matabil, di marunong mag tiis: ang isang sabi nang asaua, ay sasagotin nang sampo. ¿Ano ang quinásasapitan cun minsan nang man~ga ganitong babaye? Ang lalaqui pag nagalit, ay hahauac nang pamalo, at ang sampuong sagót nang babaye, ay gagantihin naman nang sampuong palo nang lalaqui. At dito na nagmumulà ang masamang pagsasama, na ang cahalimbaua ay infierno nang pagaauay at pagtutun~gayauan. Icao, Feliza, na minamahal cong capatid cay Jesucristo, caiin~gat na cayo,i, magca gayon.
Cun ang isang babaye, ay tumamà nang mapusóc na loob at tampalasang lalaqui, ay ualang mabuting gamot, cun di ang pagaralang tiisin, pagpaquitaan nang loob, dagdagán ang pagtauag sa Dios at cay Guinoong Santa María, at palibhasa,i, siya ang nag-iin~gat nang ating puso. Páhiná 132 Gayon ang gaua ni Santa Mónica cay Patricio na caniyang asaua, ni Santa Marta cay Mario, ni Santa Gregoria cay Vitalino, ni Santa Rita de Cacia cay Fernando, na sa canilang man~ga panalan~gin, ay ipinagcaloob nang Dios na nagbago nang loob ang canilang man~ga asaua. Nauucol na basahin ang buhay ni Santa Rita de Caciá, nang may pagcunang ulirán ang may asauang babaye.
Cahiman Felisa,i, malayong malayo sa cabaitan ni Amadeo ang manampalasan sa iyo, ay sinaysay co rin ang man~ga bagay na ito, nang may pagcaaninauan ang iba. Sasalitin co pa sa iyo ang asal na cauili uli nang isang babaye, na naguing comare co nang aco,i, bata pa.
Ang asaua nang babayeng ito ay tamád sa paghahanap buhay, mauilihin sa sugál at man~gin~ginom. Cun macaquita nang caunting pilac, dadalhin sa sugalan, capag natalo na,i, iinóm nang alac, ooui sa bahay, at pagcaquita sa asaua ay cagagalitan, at tatampalasanin. Sa guinayon gayon; sa pagdadalamhati touina nang babaye, at sa casalatán nang pagcain na sumasala sa oras, ay dinatnán nang saquit. Ang babayeng ito na cahit casama co sa bahay, at nacacausap co touina minsan man ay hindi co naquitang dumaing sa magulang, sa aquin at sa can~gino, pa man. Sa maquita cong nangyayayat at cahit sinasayahan ang mucha, ay nahahalata rin ang dinaramdam na dalamhati ay di co natiis at tínanong cong minsan: Cumare tila may dinaramdam cang saquit at cadalamhatían Cumpare ang sagot sa aquin, cun maminsan minsan, at aco,i máy, dinaramdám na pighati sa loob, ay ualá acong pang gamót, cun di ang calun~gin co ang anac co, at ulit ulitin cong hagcán. Páhiná 133Ang sagót na ito,i, di na dinugtun~gang catagá man: aco nama,i, nagtindig na sa salitaan, nahambal aco, at ang aquing luha,i, nan~gin~gilid sa mata ¡Oh! babaye na sucat pagcunang ulirán nang may man~ga asaua! Cayong magasaua, Feliza at Amadeo, ay catatauag sa Dios na i-adya sa pagaauay.
Feliza, si Amadeo cun sacali,t, macalilimot sa Dios (hoag din nauang itulot nang Lan~git), ay aralan mo nang banayad, cun napopoot ay hoang salansan~gin, hihintin mo ang oras na natatahimic, malamig ang loob, saca mo pahayagan nang malambót na sabi, at amo amoin na houag mauili sa casalanan, tumauag cay Guinoóng Santa Maria sa toui touina, na ihin~gi niya sa caniyang mahal na Anac nang graciang icapagsisi sa casalanan. Dinguin mo ang casunód na
Sinasabi nang beato Juan Exolto[82] na may isang lalaqui na may asaua na nabuhay sa casalanan, pinan~gan~garalan siyang palagui nang caniyang esposa, palibhasa,i, may loob sa Dios; n~guni hindi maquinyig. Sa ualang magauá ay ipinamanhic nang babaye, na yayamang (aniya) na di ca mag bago nang loob, ay magdasál ca man lamang nang isang Aba Guinong Mária sa touing mag daraan ca sa haráp nang larauan nitong mahal na Ina. Sinunód nang lalaqui ang hatol nang babaye. Isang gabing gumagala, at ang nasa,i, ang masunód ang masamang caibigán Páhiná 134nang catauan, ay naca tin~galá nang isang ilao na nag liliuanag sa haráp nang isang larauan ni Guinoong Santa Maria, na may calong na Niño Jesús. Capagca quita,i, nag dasal nang Aba Guinoong María, palibhasa,i, pinag caugalian na. Sa pagdarasál niya, di caguinsa-guinsa,i, naquita ang Niño, na punó nang sugat at tumutulo ang dugo. Sa naquitang ito,i, ¿ano caya ang mangyayari sa caaua-auang macasalanan? Pinasucan nang malaquing tacot, at nang mapag dili dili na ang man~ga casalanan niya ang sumugat sa canyang Pan~ginoon ay nahambál ang puso, tumulo ang luha sa mata, lalo na nang maquita na siya,i, tinalicurán nang Niño. Sa ualá siyang matutuhang gauin ay nagdasál cay Guinoong Santa María at uinica: Oh ina nang aua itinatapon aco nang mahal mong Anac: ay ¿sino pa ang pagsasacdalán cong pintacasing mahabaguin at macapangyarihan naman, cun di icao lamang na caniyang Ina. Icao,i, aquing Reina tulun~gan mo aco, at ipanalan~gin mo sa caniya. Sinagót ni María ang tauag na ito, at uinica: Ina nang aua ang tauag ninyo sa aquin man~ga salaring tauo, n~guni palagui na ninyo acong guinagauang Ina nang hirap; sa pagca,t, sinasariua ninyo ang saquit nang aquing Anac; at aco,i, binibiguiang dusa. N~guni sapagca hindi marunong humabág itong maauaing Vírgen sa nag sasacdál sa caniya, at nan~gan~gayupapa sa caniyang harapan, ay humarap sa Anac, at inahin~ging tauad ang natauag na macasalan. Gayon ma,i, naganyó ring ayao mag patauad ang ating Pan~ginoon. Sa mag cagayon na,i, binitiuan ang caniyang Jesús, nag patirá pa sa mahal na harapan at uinica: Anac co, di aco titindig sa iyong paanan, Páhiná 135hangang di mo pinatatauad ang macasalanang ito. Ina, ang sagot ni Jesús, di aco maca tatangui sa anomang cahin~gian mo. ¿Ibig mo bagá ang siya,i, patauarin co? Yayamang ibig mo,i, pacundan~gan sa aquing pag ibig sa iyo ay pinatatauad co naman. Siya ay palapitin mo sa aquin, at hagcan ang aquing man~ga sugat. Tuman~gis at lumuluhang lumapit naman itong macasalanang tauo, hinagcang pinag isa-isa ang man~ga sugat nang Niño, at hangang hinahagcan, ay gumagaling na lahat. Nang matapos nang mahagcan, ay niyacap naman siya ni Jesús, nang maguing tandá nang capatauaran. Dito na minulan ang pag babagong loob nitong naglilo sa asaua, at hangang sa matapos ang caniyang buhay, naninta,t, naglingcod cay Guinoong Santa María, na caniyang pinag cautan~gan nang gayong daquilang aua.
Sa salitang ito, Feliza, han~goin mo ang cahatolang ucol sa iyo,t, cay Amadeo. In~gatang cayo nang Dios.—ISANG SACERDOTE.
Isang Sacerdote cay Feliza at cay Amadeo.—MANILA ...
FELIZA: Cun ang inyong pag sasama ni Amadeo, ay bigyan nang Dios nang bun~ga, ay caiin~gatan mo,t, nang huag masira. Ang babayeng nagdadalang tauo ay maramdamin ang catauan, caya dapat itiguil ang pag aayunar, at baca ipag caPáhiná 136ramdam, at bucod sa rito naman ay di ang sariling catauan, cun di sampu nang sangol na dalá sa tiyan, ay nag cacailan~gan nang pagcain. Magpilit, ca namang mag hauac nang loob, umilag sa malaquing cagalitan, at baca mo icapahamac.
Pag saquitan mo naman, Amadeo na houag maca pag bigay dalamhati cay Feliza: icao at siya,i, catatauag sa Dios at cay Guinoong Santa María, na in~gatan ang buhay nang inyong anac, at nang magcamit nang Santo Bautismo. Arao arao ay tumauag cayo sa Angel na catutubo, hin~gin ninyo na cayo,i, hulugan nang magandang tica, iilag sa pan~ganib na icamamatay nang inyong anac: sapagca,t, malaquing totoo ang nasa nang demonio na houag maguing cristiano, at nang di maguing campon nang Dios.
Limitan mo, Feliza, ang pagcocompisal at paquiquinabang ihin~gi nang aua ang sarili mong caloloua, at ang maguiguing anac mo, lalong lalo na sa icasiyam na buan, sapagca,t, catungculán nang babayeng nag dadalang tauo ang mag compisál sa panahóng ito, at palibhasa,i, malaqui ang pan~ganib nang nan~gan~ganac, lalong lalo na cun nan~gan~ganay.
Cun mag daan cang maloualhati ay mag pasalamat ca sa Dios.
Cun ang inyong anac, Amadeo at Feliza, ay maguing cristiano na, ulitin ang pag papasalamat sa Dios, ihain sa pag lilingcód at pamimintuho sa caniyang camahalan.
Sa arao, Feliza, nan iyong pag sisimba, ihain mo ang anac mo sa Dios at cay Guinoong Santa María, hin~gin mong cupcupin na ariing anac, at sambitin mong ulit-ulitin itong panalan~ging hatol Páhiná 137ni Padre Claret: Jesús y María, houag mong ipahintulot na aco,i, maguing ina nang man~ga hunghang: cun ang aquing anac ay mapapasamà, ay bauian mo na nang buhay, hangang siya,i, Angelito na ualang casalanan.[83]
Amadeo,t, Feliza, ang inyong anac ay anac nang Dios sa gracia, caya dapat paca alagaan.
Cun ang isang hari sa lupa ay mag catiuala sa inyo, na paalagaan ang isa niyang anac, ang iyong pagcacalin~ga capala pa,i, ualang pagcasiahán.
Ang inyong anac, na anac nang Dios at ni Guinoóng Santa María na pina-aalagaan sa inyo, cun di cayo maca tupád nang catungculang ito ay magagayác ang parusa, at cun maca tupád naman ay magandang ganti.
Cun magca loob na, ay lalong daquila ang catungculan ninyo sa inyong anac: ang pag tuturo nang man~ga catotohanang icaquiquilala at ipaglilingcód sa Dios, ang pagbibigay nang magandang halimbaua, ang pag iin~gat na siya,i, magcasala, ang pag lalagay estado. Ang lahat nang ito ay natatalá sa man~ga sulat ni Urbana, sa Pláticas Doctrinalas, at sa man~ga sulat co naman.
Gayon man sa casunód na sulat, sasaysayin co ang man~ga cahatolán na dapat alinsunurin nang magulang cun lumaqui na ang canilang anac. Pagcallooban nauá cayong mag asaua nang Dios nang magandang capalaran. Adios, Feliza at Amadeo.—ISANG SACERDOTE.
Isang Sacerdote cay Amadeo,t, cay Feliza.—MANILA ...
AMADEO AT FELIZA: Ang catungculan nang magulang sa pag cacalin~ga sa anac, cun di mamatamisin sa loob at patutulong sa Dios, ay mahirap tupdin, at pag di natutuhan ay palaguing ¡ay! ang mabibitiuan nang ama at nang ina. Laquing hirap nang ina, na siyam na buang pagdadalang tauo, sa boong panahón nang pag papasuso, at gayon din naman ang ama, sa pagquita nang ipacacain sa asaua,t, anac; at lalong mahirap sa pagtuturo sa anac nang man~ga catotohanang icaquiquilala sa Dios, sa pag lalagay sa estado. Gayon man, cun ang magulang ay quinacasihan nang gracia nang Dios, mabigat man ang catungculan ay macacayanang pasanin. Caya catatauag sa Dios cayong mag asaua.
Tinangap ninyo ang Santo estado nang matrimonio, cruz ni Jesucaito na inyong ipinan~gacong pasanin, ang daquilang catungculang calangcap, ay di carampatang ariing mabigat. Ang estadong iyan ay isang daang lalacaran ninyo sa pag tun~go sa lan~git ay di carampatang sinsayan, at pagsininsayan ay di cayo macararating sa linalacbay na caloualhatian. Ang baua,t, isang hirap na inyong pagdadaanan, ay houag ariing hirap cun di hiyas na niyayari ninyo at ipinamumuti sa corona ni Jesucristo, bulaclac na doon sa lan~git ay inyong daratnán ay siyang ipuputong sa inyo. Páhiná 139 Isa sa inyong man~ga catungculan ang pag sasaquit, na ang inyung anac ay malagay sa estado pagdating nang capanahonan.
Cun ang inyong anac ay maca quilala na nang man~ga catungculan nang pagca cristiano at nang paquiquipag capoua tauo; ang dapat isipin naman ay ang pag lalagay sa estado.
Maraming magulang ang naquiquita na ualang mapait sa canilang loob, na para nang mag asaua ang canilang man~ga anac na dalaga, na hangang sa tumanda ó canilang camatayan ay ayao papagaasauahin. Hindi pinag iisip nitong ualang bait na magulang na ipag susulit nila sa Dios, ang di nila pagtupad nang catungculang ito. ¿Sino caya baga ang magsusulit sa Dios nang casalanang na gagaua nang man~ga anac nilang dalaga? ¿Ilang cayang pag iisip na laban sa calinisan, ilang maruming pag iibigan, ilang masamang gauà ang nagagauà nang man~ga anac nilang dalaga, na ualá silang malay-malay ay ipagsusulit nila sa Dios at sila ang parurusahan?[84] ¿Ano ang masasapit nang ganitong man~ga dalaga? Sa caramihan nang nan~gan~gasaua, sa calaunan nang panahon ang guinayon-gayon, na papahamac ang puri, naguiguing casiraan nang camaganacan, escándalo nang bayan, at ang lalong casáquit-sáquit ay ang pagca pahamac nang caloloua nitong caaua auang man~ga dalaga, at ang maraming tauo na nag casala sa masamang halimbauang naquita sa canila. ¿Sino caya baga ang sisisihin nang Dios sa man~ga bagay na ito cun di ang masamang magulang? Páhiná 140 Marami rin naman ang naquiquita na bagun tauong nag si sitanda, nag calat sa lansan~gan, catulad ay cuagong sa gabi ang gala,t, ang huni ay calumbay-lumbay. Calumbay-lumbay anaquin, sapagca,t, ang pag aauit sa daan, ay ang man~ga bucang bibìg nang man~ga binatang ito, ang caramiha,i, hinguil sa calupaan at pang patay sa caloloua. ¿Sino ang may casalanan na sisisihin nang Dios sa gayong asal na calupit lupit? Sino cun di ang masamang magulang na nag papabaya na di pinagsisicapang ilagay sa estado ang canilang man~ga anac pag dating nang capanahonan.
Ayon sa catungculang ito nang magulan, ay dalauang bagay ang dapat tantoin: ang una,i, ang anac dapat pumili nang estado o calagayan, na inaacala niyang mapapasan, at ang icalaua,i, ang magulang ay dapat mamahala. Daquilang bagay ito, na cun pagcamalian, ay dalauang capahamacan hangang sa camatayan ang uica ni Padre Arbiol.
Sa man~ga anac ay may itinatalaga ang Dios sa matrimonio, mayroong sacerdocio, at mayroon naman sa pagca dalaga hangang sa camatayan. Cun ang isang anac ay lumagay sa estado na di talagá sa caniya nang Dios, ay marahil di niya natupad ang catungculang calangcap, at pag di matupad ay sapilitang icasasamá. Caya ang carampatan ay malasin nang magulang ang cahinguilan nang anac, at sacá ilagay sa estado na caniyang guinahihinguilan. N~guni hindi carampatan na ipag dumali, catatauag muna sa Dios ang magulang, at nang maquilala cun alin ang estadong ibibigay sa anac, at nang houag mag camali. Titingnan anaquin, ang cahinguilan nang anac, at ang tularan ay ang magugulang Páhiná 141na taga Atenas, na nag mamasid muna sa caugalian nang anac at ibinabagay sa ugali nang anac ang estadong ibinibigay. Gaya sa cahariang ito naquita ang man~ga tauong balita sa carunun~gan, at ang man~ga guerrerong bantóg sa catapan~gan, na pinag tac-han nang boong mundó.
Cun ang matá nang anac na dalaga ay mahinhing para nang sa calapati, malayo ang loob, ilág ang catauan sa dilang pan~ganib na icasisira nang calinisan, hindi maibiguing tumanyag sa tauo, at di nahihinguil sa pag aasaua, ay di catampatang pilitin nang magulang. Pabayaang mag in~gat nang: pagca Virgen, at nang magcaroon cayo sa bahay nang maputi,t, maban~gong lirio na quinalulugdan nang esposo. Dinguin ang pag pupuri nang man~ga Santos Padres sa virginidad.[85] Bulaclác nang Santa Iglesia ang tauag ni San Cipriano, hiyas at pamuti nang gracia, larauan nang Dios na pinag niningnin~gan nang caniyang casantosan.
Ang uica ni San Ambrosio, ang cabooan ay napailandang sa himpapauid, naquiat sa alapaap, nag sumagui sa man~ga bitoin, naquiquiit sa man~ga Angeles, nag tuloy sa candun~gan nang Ama, hinan~go ang Verbo nang Dios, ipinanaog sa lupa,t, pinapag catauan tauo. Dito matantó nang man~ga magulang ang cataása,t, camahalan nang hiyas na pamuti nang anac nilang dalaga; Virgen ang Ina nang Dios. Virgen ang santo Precursor, Virgen ang dibdib nang discipulo Páhiná 142at apostol na minamahal sa lahat nang apóstoles, quinalugdan hiniligan at pinahayagan nang matataas na misterios, at Virgen din naman ang apóstol na iniaquiat sa icatlong lan~git, at nacarinig nang matataas na lihim, na di nararapat ipahayag sa tauo, Et audivit arcana verba quoe non licet homini loqui 2. Cor. 12 4.
Caya cun ang dalaga,i, na sasa mundó ma,i, parang na aan~gat, at ang caniyang puso,i, itinalaga cay Jesucristo, ay di dapat pilitin nang magulang sa pag tangáp nang matrimonio, at nang di nila agauan ang hari nang man~ga virgenes nang isang esposa niyang virgen. Isang virgen, na sa isang daa,t, apat na puo,t, na libong virgines, casunod-sunod n~g Cordero[86] ay mapapaquibilang at magcacapalad mag siualat sa harap nang trono nang bagong auit na ualang macacasambit, cun di sila lamang na humaharáp sa Dios, na di nadun~gisan sa mundó.[87]
Cun ang isasagòt sa aquin nang man~ga magulang totoo,t, caaya-aya, na ang isang dalaga,i, mag in~gat nang caniyang pagca virgen, n~guni,t, cun di rin lamang liligpit sa isang beaterio ó monasterio, ay malaqui ang pan~ganib na mapahamac, cun mabubuhay rin lamang sa guitna nang mundó. Sa sagot na ito,i, ang itutulot co,i, cun sila,i, itinatalagá nang Dios sa estadong iyan, ay matututo silang umilag sa pan~ganib na icapapahamac, tuturoan nang paraang icapag iin~gat nang calinisan, at cun Páhiná 143canilang pagpilitan ay di naman ipagcacait nang Dios ang caniyang gracia.[88] Si Santa Lucia virgen, Santa Filomena, Santa Ursula at libo-libong virgenes na casama niya, ay sa mundò na buhay, ay naca pag in~gat at nang pumanao sa mundó ay taglay ang lirio nang canilang pagca virgen, na inihandóg sa virgeng esposo.
Cun ang dalaga,i, may tacot sa Dios at napa aampon, ay di mapapahamac; at pag dating nang tucsó ay iin~gatan siya nang Dios at ipag tatangól sa casamaán.[89] Dinguin ang nangyari sa isang mapalad na virgen.
Ipinan~gaco ni Santa Cecilia Romana sa Dios na di niya sisirain ang canyang pagca vírgen; n~guni,t, ipinacasal nang ama sa isang baguntauong di binyagan, cahit mapait sa loob nitong santa, pag dating nang gabi, nangusap cay Valeriano na esposo niya: aco Valeriano,i, ipinagtatangquilic nang isang Angel at siyang nag iin~gat nang aquing pagca vírgen,[90] caya houag mo acong pag pahamacan nang di ca capootan nang Dios. Sa uicang ito,i, di naca pan~gusap si Valeriano at nag saysay na siya,i, sasampalataya cay Jesucristo cun maquita niya ang Angel. Ang sagót ni Santa Cecilia ay di mo maquiquita, cun di ca mag binyag. Sa malaquing nása ni Valeriano na maquita ang Angel, na pabinyág cay San Páhiná 144Urbano Papa. Nang maguing binyagan na,t, mag sauli cay Santa Cecilia, ay naquitang nananalan~gin na casama,i, isang Angel, nag niningning at nag liliuanag, sabihin ang tacot ni Valeriano nang maquita ang Angel, na tapon ang nasang sisirain ang pagca vírgen ni Santa Cecilia. Tinauag si Tiburcio na caniyang capatid, (si San Urbano rin ang nagbinyag cay Tiburcio) at pinapanood sa cauili-uling Angel. At hangang silang tatlo ay pumanao sa mundó at nan~gaguing mártir ay di rin nasirá ang pagca vírgen ni Santa Cecilia.
Dito maquiquita nang man~ga magulang ang tan~ging pag tatangquilic nang Dios sa man~ga vírgenes, na cahit ano mang masapit ay caniyang ipag tatangcal, cun sa caniya tumatauag at nananalig. Caya cun ang anac nilang dalaga ay naquiquitang may bait, maibiguin sa calinisan, mababang loob, may tacot sa Dios, at ang caniyang pagca vírgen ay ina-alagaan na parang lirio na binacod nang tinic,[91] nang pag papasáquit sa catauan, nang pananalan~gin nang palaguing pagligpit sa silid at pag ilag sa pan~ganib, ay di dapat pilitin sa pag aasaua. Ang carampatang gauin ay ang perla santa, ang mariquit na margarita, ang ualang casinghalagáng hiyas nang anac na dalaga ay pag pilitang in~gatan nang magulang, at palibhasa,i, talaga sa lalong camahal-mahalan at cariquit diquitang esposo. Dinguin nang ama at uliniguin nang ina ang uica nang ating Pan~ginoong Jesucristo sa Santo Evangelio: ang santong bagay, ay houag ninyong ibiPáhiná 145gay sa aso, at houag ninyong ihain ang inyong perlas sa harapan nang babuy.[92]
Ang cahulugán ay di dapat ibigay sa hamac na tauo ang cayamanang talagá sa Dios.
N~guni cun ang caasalan nang anac na dalaga ay di na uucol sa isang vírgen, cun ang mata,i, di mahinhin, na para nang sa calapati, cun di para nang sa lauin na sadyang talas sa pag hanap nang patáy na hayop, cahit mag sabi sa magulang na aayao mag asaua, ay houag paniualaan. Si Job ay Santo may tacot sa Dios, malayo ang loob sa pag cacasala, at ang Dios ang nag saysay na ualang caparis sa balát nang lupa;[93] ay ang tauong itong ulirán sa cabanalan ang nag saysay nanaquipag tipán sa caniyang man~ga matá, na di itititig sa dalaga dahil sa malaquing tacot na siya,i, mahulog sa calupaan, cun ito,i, Santo na,i, gayon ang pahayag ¿ang babaye pa caya bagang daquila ang carupucán ang maca pag sasabi na di mapapahamac sa palaguing paquiquipag olayao sa lalaqui? Ang carampata,i, sauatain, at ipili nang isang esposong maca aacay sa magaling.
Cun ang anac na dalaga ay ualang tinagong hinhin, malápit ang catauan sa baguntauo, cahit ang sabihin sa magulang ay uala sa caniyang loob ang cahalayán, ay houag pabayaang Páhiná 146masunód ang masamang cáasalán. Gayon din naman, cun mauilihin sa paquiquipag uriraan sa lalaqui, ang hipoin man sa camay ay di pinapansin, ay di dapat calin~gatan nang magulang. Ang uica ni San Pablo ay isang cabaitan nang lalaqui ang di sumaláng sa babaye;[94] ay isa namang tanda nang cabaita,t, calinisan nang isang dalaga ang di pahipo sa lalaqui. Ang uica ni San Basilio cun ang babae ay vírgen, vírgen naman ang pagtin~gin, vírgen ang caasalan, vírgen ang lahat nang quilos, vírgen ang boong catauan.[95] At cun di rin lamang maca pag iin~gat; nang calinisan, ay iquita agad nang cagamotan sa Santo Sacramento nang matrimonio, sa pagca,t, ang uica ni San Pablo ay mahan~gay mag asaua cun masusunod din lamang nang apóy nang calupaan.[96] N~guni ang paglalagay sa estado ay dapat daanin sa dahan-dahan, at houag namang papag asauahin sa di nila na iibigan, sa pagca,t, cun pilitin, cun pagbalaang parurusahan cun hindi pumayag, o di man pilitin at pag balaan ay pag paquitaan nang masamang muc ha, palaguing an~gil an~gilan o irin~gang caya, sa cahinaan nang loob nang isang babaye, marahil ay mapait man sa caniyang loob ay pumayag sa magulang, na mag asaua sa di nila ibig. N~guni, ¿ano ang nasapit nang man~ga dalagang nag si si pag asaua sa pilit nang magulang? Marami ang napapahamac lalo,t, cun may ibang Páhiná 147na iibigan. Nag papahayag nang óo sa ibig nang canilang magulang, n~guni ang puso,i, di rin inaalis sa canilang catipán. Ano pa ang nasasapit cun macasál na? Ang asaua,i, di mahalin nang loob, di pacundan~ganan, at palibhasa,i, di niya ibig. Cun magca gayon na,i, ¿ano ang quinahihinatnán nang ganitong matrimonio? Ang lalaqui,i, nag sasaua, palaguing namumuhi, ang babaye nama,i, gayon din sa munting magca bihira,i, nag tatalo ang mag asaua at ang quinasasapita,i, ang alin man sa dalaua,i, naca iisip mag lilo. ¿Sinong may casalanan cun magca gayon, cun di ang nag camaling magulang? Pacatantoin nang ama,t, ina na ang pumilit sa anac sa pag aasaua ay casalanang daquila, sapagca,t, ipinahamac ang canilang caloloua. Ang uica ni San Pablo,i, ang capangyarihan nang magulang ay di dapat gamitin sa icapapacasamá nang anac cun di sa icapapacagaling.[97]
Cun icao, Feliza at Amadeo, ay pagcalooban nang Dios nang anac na lalaqui, na mag aaral sa Universidad at cun dumating ang panahón ay mag nasang tumangáp nang Orden Sacerdotal, ay houag cayong cadadali na mag bigay nang pahintulot, cun di rin lamang maquitaan nang carunun~gan na itutupád nang caniyang man~ga catungculan, sapagca,t, cun ualang carunun~gan ay di niya icagagaling, cun di icasasama, at sampong cayo,i, caramay dahil sa capabayaan. N~guni cun maganda ang nasa nang loob, ang siya baga,i, mag lingcód sa Dios, paquinaban~gan, Páhiná 148nang Santa Iglesia na maca pag acay sa caloloua sa gauang magaling; cun maquitaan ninyo nang di munti cun di malaquing cabanalan, nalulupit sa sugal, masipag sa pag aaral, malayo ang loob sa masamang banta, mapag pasaquit sa catauan, mauilihin sa panalan~gin, sa pag gugunam-gunam, sa pag tangap nang man~ga Santos Sacramentos; ay houag sansalain, cun di hicayatin. N~guni ¿sino caya itong mapalad na Estudiante?[98] Cun di rin lamang na gagayac ang loob sa pagtangap nang orden sagrado, ay pan~ganib na mapacasama. Houag ipahintulot nang magulang na ang, caran~galan, ang cayamanan sa mundo, at caguinhauahan sa lupa ang maguing dahilan na hicayatin ang canilang anac na tumangap nang orden sagrado. At cun maquita na ito ang pinag cadahilanan nang pag nanasang mag pare nang canilang anac, ay houag pahintulutan. At cun naquiquitang ualang gayac na cabanalan, cahima,t, mag pilit ay pacasansalain.
Marami pa,t, madla ang bagay na sucat masaysay sa inyo, ayon sa catungculan nang magulang sa anac, n~guni,t, di co na saysayin, yamang sa buhay ni Tobias ay marami cayong maaaninao. In~gatan cayong mag asaua nang Dios at ni Guinoong Santa Maria.—ISANG SACERDOTE
Si Feliza cay Urbana.—PAOMBONG....
URBANA: Igayac mo ang loob mo sa pagtangap nang isang balitang mapait sa loob, at ang pag cunang halimbaua yaong sumo sacerdote na binalitaan ni Samuel na pag dadalhan nang Dios nang maraming hirap; siya ang Pan~ginoon co,i, gauin ang minimatapat sa caniyang man~ga mata.[99] Mumulang co ang salita.
Si ama nang á las siete nang umaga, na nangaling sa pag sisimba ay natisod sa lansan~gan, narapá ay nabalian sa dibdib. Capagcarapá ay dinampot co,t, aquing quinalong. Di co masabi sa iyo ang dinamdám cong dalamhati nang na sa aquing candun~gun na. Aquing namasdan na napipiquit ang matá, ang dibdib ay nag tatahip, hinahabol ang hinin~ga, cataua,i, nalulun~gayn~gay at di macáyanan. Gayon man ay tinapan~gan ang loob, nag pilit cumilos at tinaponan aco nang sabing caalio-alio: huag cang matacot anac co at ito,i, lilipas din. Sa salitang ito,i, ang naisagot co,i, isang buntong hinin~ga at isang patac na luhang tumama sa noó ni ama. Siya namang pag dating ni ina at ni Páhiná 150Honesto, pinag tulun~gan namin binuhat, at inioui sa bahay. Dito co na nahalata na tayo,i, man~gun~gulila, na hindi nalaon nang pagca higá sa banig at naparaing na masaquit ang ulo, nag sisiquip ang dibdib, inaapóy nang lagnat at nang hipoin co ang camano ay naramdaman co na gulong-guló ang pulsó. Nang á las seis nang hapon cami ay tinauag na lahat sampuo ni Amadeo, at sa ami,i, nag pahayag: ang tauo ang uica,i, nan~gin~gibang bayan dito sa lupa,[100] at hangang nan~gin~gibang bayan ay dinaratnan nang susong susong hirap; na cucubcób nang pan~ganib, na cun di tibayan ang loob ay ipag cacasala sa Dios. Cun malapit nang matapos ang caniyang pan~gin~gibang bayan, mahahan~go na sa hirap, maliligtas sa pan~ganib at macapapanood sa Dios, ay di dapat mahapis cun di matoua. Ang caloloua co,i, malapit nang maalis sa catauan cong masiquip na bilangoan, ay nagcacamit nang toua at naca ririnig nang magandang balita na pa sa sa bahay na nang Dios.[101] Caya ang carampata,i, cayo,i, maquiramay sa quinamtan cong tua, at cahiman at aco ay pumanao sa mundo ay di co ring cayo lilimutan sa harapan nang Dios.[102]
Nang matapos itong masaysay ay ginin~ging siya,i, pacompisalan, at nang maca pag compisal ay gumayac naman sa paquiquinabang. Nang marinig na ang tugtog nang campana sa pag labás nang Páhiná 151Viatico, ang catauan ay sumigla, nag bago nang lacas, sa muc-ha,i, nag ningning ang isang cauili-uiling saya, na anaquin baga,i, hindi mamamatay sa saquit na iyon. N~gunit, naquilala co na ang siglang iyon at caligayahan na hindi cabati nang caniyang mabigat na saquit, ay di ang pinag cadahilana,i, ang siya,i, maca tauid pa cun di ang pag dating nang sinisintang Dios, na sa caniya,i, dadalao. Marahil Urbana,i, na aala-ala mo pa na madalas na pan~ganlan ni ama na Sacramento nang pag ibig, sang-la nang pag ibig ang casanto-santosang Sacramento sa Altar caaya ayang bansag na caniyang namana cay Santo Tomás de Aquino Doctor nang Santa Iglesia at Angel sa pag ibig,[103] caya sa oras na ito ay pauang pag ibig sa Dios ang caniyang ipinaquita. Nang maquita na ang Sacerdoteng may dala sa mahal na Sacramento, ay nag pilit lumuhod, na paalalay cay Honesto,t, sa aquin, at nang maluhod na ay aming narinig na sinambit yaong cay San Bernardo; tingni,t, narating na ang aquing casi. Nang maca paquinabang na ay nag pasalamat sa Dios at hinin~gi sa amin na siya,i, ihiga oli. Nang masangcapán nang Sacramentong Extremauncion ay pinapag daop ang camáy, ibinabá ang matá at hinin~gi cay Honesto na ipamuno sa caniya itong maicling panalan~gin.
¿Ano caya bagá Dios co ang igaganti co sa iyo sa lahat nang anang ipinagcaloob mo sa aquin?[104] Páhiná 152 N~gayon tinangáp co ang mahal na Caliz na cabuhayan co,[105] ay sasambitin co at pupurihin ang iyong pan~galan, at sa oras na ito nang pag panao sa mundó ay inaasahan co na ipag tatangól mo aco sa man~ga caauay co.[106].
Icao caloloua,t, boong catauan co,i, mag pasalamat sa Dios, at ipag bunyi,t, purihin ang cagalang-galang na caniyang pan~galan.[107]
Icao caloloua co,i, mag handóg nang puri sa Dios, at houag mong limutin ang di maisip na caniyang ipinagcaloob sa iyo.[108]
Ang Dios ang nag patauad sa iyong man~ga casalanan, at ang dilang saquit mo,i, guinagamòt, niya nang caniyang aua.[109]
Ang ganitong pag papala mo sa aquin ay isinisiualat nang caloloua co sa sang daigdigang pinaghaharian mo, at inaanyayahang con mag puri sa iyo ang boo mong quinapal.[110]
At sa oras na ito nang aquing camatayan ay houag mong ipahintulot na magahis ang caloloua co nang man~ga demonio, caya ipinag tatagobilin co sa man~ga camay mo yamang sinacop mo nang mahal mong dugó, oh Dios na Pan~ginoong co.[111] Páhiná 153 Nang matapos siyang magpasalamat sa Dios, cami ni Honesto ay linin~gon at pinan~garalan; hangang cayo,i, nabubuhay man~ga anac co houag ninyong limotin ang tacot sa Dios, at inyong itanim sa dibdib yaong cauili-uiling auit sa Dios ni Guinoong Santa Maria: ang aua nang Dios ay ilinalagui sa may tacot sa caniya, hangang caapo-apohan.[112] Caiin~gat sa pagcacasala, at nga~yong aco,i, lilipat na sa isang buhay ay ang cabilin-bilinan co,i, cun aco,i, naquitaan ninyo nang masamang halimbaua, ay houag tularan, ihin~gi ninyo aco nang tauad sa Dios at nang aco,i, patauarin naman, at naquitaan ninyo aco nang magandang gaua ay inyong pagcunang uliran. At hangang nabubuhay cayo,i, houag macalilimot sa Dios caiin~gat na mahulog cayo sa casalanan.[113] Cun itong man~ga huling bilin nang mamamatay ninyong magulang cun marápat na macapanood sa Dios, ay di co cayo lilimutin, at magmula sa lan~git ay igagauad co dito sa inyo sa lupa ang aquing bendicion. Nang matapos itong maipan~gusap ay binuhat ang canang camay, pinahalic si Honesto,t, aco, at cami binendicionan.
Nang mabendicionan cami, ay ang saysay: ang caloloua co, Dios na Pan~ginoon, ay nagnanasa nang manood sa iyo, nagdaramdam nang uhao; para nang paghanap nang uhao na usa sa bucal na tubig.[114] Nang maipan~gusap ito ipiniquit ang mata,t, siyang pagcalagot nang hinin~ga. Páhiná 154 Si ina, Urbana ay ualang pagcasiyahan nang dalamhati, palaguing na sa suloc, ayao tumiquim nang canin, at ualang sariling lacas na ipagtiis nang hirap nang pan~gon~golila sa isang esposong hindi nacapagbigay sa caniya nang munti man lamang dalamhati. Si Honesto,i, tumatan~gis, dinaramdam ang caniyang pan~gon~golila sa panahon nang cabataan, n~guni,t, di maquitaan nang labis na pagpipighati hindi maringan nang ulol na pa nambitan, marunong magtipid at ang cabaitang taglay ni Honesto na caniyang pan~galan ay siya ring ipinahahalata.
Icao capatid co, ay ipinagbilin ni ama cay ina,t, sa aquin na houag cang pabayaan, houag panghinayan~gan ang caonting salaping guinugol, ipamanhic sa iyo na cun mamatapatin mo,i, pumasoc ca sa isang Beaterio, tumalicod sa mundò, ipan~gaco mo sa Dios ang calinisan hangang sa camatayan. At ang uica niya,i, ang man~ga panalan~gin mong malinis na para nang isang vírgen, ay inaasahan niya na aaquiat sa Lan~git na para nang inciensong haharap sa Dios, icaguiguinhaua niya doon sa isang buhay at dito sa lupa,i, ipag cacamit nang magandang pag papala nang Lan~git nang caniyang maiiuang familia.[115] Bilin pa sa amin na houag ibalita sa iyo ang caniyang pagcamatáy, cun di cun siya,i, malibing na. Gayon ang bilin, at nang houag ca nang parini, at nang di na pagca abalahán, at nang di naman macasira sa loob mo. Cun ano ang bilin ay siya co namang sinunód. Páhiná 155 Sa pag cacasaquít ni ama, sa pagca burol, at paglilibing, marami ang nag si dalao, naquiramay sa aming hapís, marami rin naman ang quiquilalaning utang na loob sa canila, n~guni sa caramihan nang dumalao, ay dili naualán nang tauong cun di nasansala, ay nacaguló disin sa may saquit. Marami rin naman ang di nacararamay sa hirap, cun di sucat dising maca pag bigay galit, dan~gan ang cami ay nag hahauac nang loob. Di co na paca saysayin sa iyo,t, yamang na aaninao mo, at nang di naman nacarurun~gis pa sa sulat na ito. Adios, capatid co alalayan nauá nang Lan~git ang mag durusa mong dibdib.—FELIZA.
Si Urbana cay Feliza.—MANILA ...
FELIZA: Sa sulat mo sa aquin ay napag tanto co ang mulá nang saquít ni ama sampo nang caniyang pagca matay. N~gayo,i, ano ang mauiuica co sa iyo cun di ang umayon sa calooban nang Dios. Ano pa ang ating gagauin cun di ang alalahanin siya doon sa isang buhay. Ano ang ating iaala-ala sa canyang caloloua, cun di ang pag papasaquit sa catauan, ang pag aayunar, ay Páhiná 156ihandóg natin sa Dios, upan ding icacauas niya sa casalanan, sacali,t, may pinag durusahan pa siya sa purgatorio. Ipag handóg nang santo Sacrificio nang misa sa pagca,t, cun catungculan nang anac ang sumaclolo sa magulang cun dinaratnán nang hirap dito sa buhay na ito, ay lalong daquila ang caniyang catungculang tumulong at sumaclolo doon sa isang buhay.
Ayon sa sabi na si ina,i, nag dadalamhating masaquit, ang hatol co sa iyo,i, ipanalan~gin mo sa Dios na bigyang caaliuan, sa pagca,t, sa Dios at di sa quinapál sucat nating asahan ang caaliuan nang ating caloloua.[116]
Sabihin mo cay ina na dumaramay sa caniyang hapis ang sacerdoteng director co, ipinamamanhic sa caniya na basahin itong casunód na man~ga cahatolan.
Minatapát nang Dios na cunin na dito sa lupa ang caloloua nang iyong esposo, ay ano ang ating uiuicain cun di ang dumating na ang panahong tadhana nang caniyang capangyarihan. Dumating na ang panahón nang pag ganti sa caniyang magandang gauá. Ang Dios ay di nag cacamali, di naca pag daraya,t, di naman napag darayaan. Cun nauucol na damdamin ang pagcamatay nang isang minamahal natin, n~guni nauucol naman na ang loob natin ay iayon sa calooban nang Maycapal, at nang icarapat natin ang pagdaramdam nang hirap. Ang magandang halimbaua na ipinaquita sa atin ni Jesucristong Pan~ginoon ay dapat alinsunurin. Nang gabing Páhiná 157pag tiponan nang di mamagcanong, sáquit ang caniyang dibdib, ay nanalan~gin sa Dios Ama at nan~gusap: houang ang calooban co ang siyang mangyari, cun di ang calooban mo. Ano ang nararapat n~gayon cun di ang pag cunang uliran itong maalam na Maestro, at uicain: houag ang calooban co ang papangyarihin cun di ang calooban mo, Dios co.
Houag uicain, na cun di nagca malí ang médico ay di sana namatày, cun di guinamót nang mahusay, cun pina inóm nang gayon, cun tinapalan nang ganoon, di disin napahamac. Ang buhay nang tauo,i, pag dating sa guhit ay di maca lalampas, at pag dating sa guhit, cahit ang médicong gumamót ay carunong-dunon~gan ay nasisira ang dunong, hindi maquilala ang saquít, hindi matutuhan ang tapal na gamot. Dinguin ang nangyari sa Seraphin sa pag ibig cay Jesús na si Santa Teresa de Jesús.
Nagca saquit nang mabigát ang isang mongja na minamahal niya, sapagca,t, caramay-ramay niya sa hirap.
Isang arao ay nasoc sa silid nang may saquit ang médicong gumagamót, ay naquita nitong santa na pinipirin~gan sa matá nang isang Angel. Dito niya naquilala na cun ayao ang Dios, ang médico,i, di matutong gumamót sa may saquít, at ualang matutuhang gauin, caya uinica sa loob na dumating na ang capanahonan na ang mongjang iyon ay palipat na sa isang buhay. Caya ualá siyang guinaua cun di ang umayon sa calooban nang Dios. Sino ang iyong tutularan cun di itong mahal na santa. Páhiná 158 Nababasa rin naman sa buhay nang santo Job, na minsan ay may isang nag balita sa caniya: ang lahat mo ang uicang baca at asnos ay ninacao nang man~ga abeos, at ang man~ga tauo mong upahan ay pinag papatay na lahat, aco lamang ang nacatanan at nang sa iyo,i, maca pag balita. Di pa tapós ang salita,t, may dumating namang isa, at ang sabi, ang iyo ang uicang obejas at pastores ay pinanaogan nang apóy na galing sa Lan~git, nasunog na lahat, aco lamang ang naca ligtás at nang sa iyo,i, maca pamalita. Nag sasalita pa siya,i, may dumating namang isa na nag saysay: tatlo aniyang pulutong na man~ga Caldeos ang dumating, ninacao ang iyong man~ga camellos, at pinag pugotan ang man~ga taong nag aalaga, aco lamang ang nacatanan at nang sa iyo,i, maca pag sabi. Di pa tapós ang salita nitong nagbalita, ay may dumating pang isa na nag sabi naman: ang man~ga anac mong babaye,t, lalaqui, aniya,i, nag si cain sa bahay nang capatid na pan~ganay, caraca-raca,i, dumating ang isang bag-yo na galing sa parang, nauasac ang apat na suloc nang bahay, nahapay, nadaganan at namatay na lahat ang anac mo, aco lamang ang naca ligtas at nang sa iyo,i, maca pag sabi. Sa balitang itong capait-paitan, si Job ay nag dapâ sa lupa, nanalan~gin sa Dios at nag saysay: hubad acong lumabas sa tiyan nang aquing ina, ay hubad din namang mananaog aco sa hucay. Dios ang nagbigay, at Dios din ang bumáui: purihin ang cagalang galang na n~galan nang mahal na Pan~ginoon.
Manghinuha, icao at sinomang may hapis dito cay santo Job na uliran nang pag titiis. Hindi Páhiná 159tinun~gayao ang Lan~git na pinangalin~gan nang apoy, na sumunog sa caniyang man~ga obejas; di nag bantang manghiganti sa man~ga Caldeos, na numacao nang caniyang man~ga camellos, cung di ang uinica,i, purihin ang Pan~ginoon Dios. Ano ang gagauin mo naman cun di ang igalang ang matataas na lihim nang Lan~git, umayon sa calooban nang Dios, at di ang umayon lamang cun di ang, siya,i, pasalamatan at uicain: Dios ang nag bigay sa aquin nang isang mabait na esposo, ay Dios din naman ang bumaui; purihin ang cagalang galang na caniyang pan~galan.[117]
Ang man~ga cahatolang ito, Feliza, ay sabihin mo cay ina na ariing balsamo na igamót sa sugat nang caniyang puso, i alio sa hirap nang caniyang pan~gon~golila. Na ulila siya sa esposong tauo, ay may isa naman na lalong caibig-ibig na esposong Dios, na pag uucolan nang caniyang pag ibig, at mag bibigay caguinhauahan sa calaotan nang dusa.
Ayon sa sabi mo, Feliza, na sa nag si si dalao ay may nararapat na quilanlin cang utang ay mayroon din namang na capag bibigay dalamhati, ay parang nahulaan co ang inalilihim mong cahulogan.
Sa nag si si dalao sa man~ga may saquít ay may maquiquita cang tauo na cahan~galan, ó sa caculan~gan nang bati na pinag aralan, caracaraca,i, papasoc sa silid nang nag hihirap, di na Páhiná 160pinag iisip na siya marahil doo,i, maca rarami pa, at sa lugar na maca guinhaua, ay lalong naca pag papahirap, at ang pobreng may saquít ay halos di na maca hin~ga sa dami nang tauo. May maquiquita ca naman na may bumabasa sa tabi nang panalan~gin, at may nag tatauanan sa tabi nang hihigán, nag bibiroan na anaqui baga,i, iyon ang sinadya at di ang pag tulong sa may saquít. Ano ang magagaua mo sa man~ga tauong ito, cun di ang cahabagan mo ang canilang cahan~galan at di carunun~gang maquipag capoua tauo. N~guni di dapat ipahintulot nang isang pinagcacasactán ang gayong man~ga caasalan. Dinguin nitong man~ga han~gal na tao ang sabi sa aquin nang isang naca ligtas sa isang mabigát na saquít: aco aniya,i, dinatnán nang isang saquít na malaot cong dinamdam. Nang aco,i, tumindi na,t, ualá nang médicong gumamót sa aquin, at ang uica,i, ualang pag sala,t, di aco mamamatáy, ang catauan co,i, di co na maiquilos at ang boong asa nang aquing esposa,i, di na aco mabubuhay, ang lahat na salitaan nang aquing man~ga casambahay, cahima,t, bulon~gan ay naririnig co. Sa bagay na ito,i, ¿ano caya ang isasaloob nang isang naghihirap cun naiinis sa tauo,t, naca ririnig nang tauanan? Hindi malayong mapoot sa dami nang tauo, at mag hinala na siya,i, pinag tatauanán. At ang casasapitan ay ang na dalao sa may saquít ay siya ring nag papasaquít. At cun magca bihira,i, siya pang naca tutucsó.
May maquiquita ca namang na pa sa sa bahay nang patáy na may panyóng lucsá at ang baro,i, pulá, ¿ano ang ipinaguiuica sa canila nang man~ga tauong ito? Tulíg. May maquiquita ca namang Páhiná 161anac na nag lulucsá sa magulang o asaua, ay di matagalán nang dalauang buan at inaalis na ang lucsá. ¿Ano ang cahulogán nang ganitong caasalàn? Ayao nang alalahanin ang naualang asaua, at ayao papurihan ang naualang magulang.
Icao Feliza at Honesto,i, ca-iilag sa ugaling ito; tayong mag iina ay mag pulos nang lucsá nang sang taong singcád. At cun mangyayari disi,i, pagca tapos nang taon, ay sundin ang ugali nang di bulág na naciones sa Europa, na isang taon namang hindi sinasalitan nang pulà ang canilang man~ga damit. Ang ugaling ito dito sa Maynila,i, marami ang sumusunód sa man~ga tagalog man. Hamaquin yaong uica nang man~ga ualang pinag aralan, ang lucsa,i, mainit at naca papanglao.
Cun dumalao sa patáy ay iilagan ang tauanan at nang di uicain nang namatayán, di na sila dinaramayan ay inaaglahi pa ang canilang hapis. Ang ipapanhic ay muc hang nag papaquita nang lumbáy at ang ibabati sa may bahay ay uicang pagdamay sa sáquit. Ilagan ang main~gay na pan~gun~gusap, at nang di maan~gat sa pag damay sa hapis na canilang layon. Capootan ang pag bibiroan, at nang di uicaing ualang pinag aralang mahal na asal.
May maquiquita ca namang bahay nang namatayán, na diyan ca maca ririnig nang pag bibiroan nang babaye,t, lalaqui; diyan mo maririnig ang pag sasalita nang catatauanan na sinasabayán nang halac hacan. ¿Ano ang gagauin mo sa man~ga tauong ganito ang asal? May isang nan~gusap: cun ang pag uuriraan ang inyong sinadya sa aquing pamamahay, ay doon Páhiná 162na ninyo gauin sa inyong sarili.
Ucol sa isang cristiano ang pa sa bahay nang isang namatayan, sapagca,t, maca pag didili dili nang caholi holihang darating sa tauo, caya ang uica ni Salomon: mabuti pa ang pa sa bahay nang namatayan, sa pa sa bahay nang piguing.[118] Mabuti rin nama,t, ucol sa paquiqui pag capoua tauo ang dumamay sa man~ga cababayan at caibigan, n~guni cun ang gagauin ay ang pagn~gin~gisihan at iba pang caulolan mahan~gay houag na at nang di sumagap nang masaquit na uica.
Cun dumalao sa man~ga namatayan, ang carampata,i, tumahimic, alalahanin yaong uica nang Pantas, n~gayon ay sa aguin at bucas ay sa iyo, aco,i, namatáy n~gayon at susunod ca naman; ipagdasal ang namatay at aliuin sa hapis ang namatayan. Ang namatayan naman ay di nauucol mag taua, mag n~gisi at mag tabil at nang di uicain na iquinatotoua niya ang pagca matay na iyon.
N~guni cun di carampatan ang mag paquita nang toua, ay gayon din naman ang mag paquita nang hapis na di tinitipid. Ang manambitan nang mahihiyao, ang ipag hampasan ang catauan, ang labnutin ang buhoc at sabayán nang ulol na sabi, ay naca tataua, lalo nang masamang masdan sa lalaqui. Ang nauucol ay mag tipid, at cun di maca pag piguil ay lumigpit sa gilid, at diyan iloual nang lihim ang taglay na hapis, nang may pagca guinhauahan. Páhiná 163 Dalauin mong madalas, Feliza, at gayon din naman si Honesto ang libin~gan ni ama, alalahanin ang magulang natin, at dito sa mundo,i, papurihan mo naman ang caniyang pan~galan.
Aco, Feliza,i, ihalic mo nang camay cay ina, ipahayag mo ang boo cong cagalan~gan at pamimintuho; cayong mag asaua,i, in~gatan naua nang Dios, at gayon din naman si Honesto: Susundin co ang bilin ni ama, aco,i, lalayo na sa mundo. Adios, hangang sa isang buhay.—URBANA
[1] 2 de Mayo de 1854
[2] Ang Reina nang man~ga bulaclac, ay ang rosa de Alejandria, talinhaga nang calinisan binabacod nang tinic nang cabaita,t, cahinhinan, at nang houag masirá.
[3] 1 Cor. 11. v.10
[4] Barrio ang tauag nang una,i, Naic, n~gayon ay Nayon.
[5] Ang cubiertos ay ang cuchillo, tenedor at cuchara.
[6] Ang sopera ang linalagyan nang sopas na isáng platong may taquip.
[7] Ang plato sopero ay pingang malucóng na lalagyan nang sopas.
[8] Ang salsero ay ang lalagyan nang salsa.
[9] Ang trinchante ay ang malaquing tenedor at cuchillo.
[10] Man~ga cahatolan nang isang director ni Urbana, ayon sa malabis na paginom nang alac, ipinadala cay Felisa at nang maipaunaua cay Honesto.
[11] ¿Cui vae? cui rixae? cui faveae? cuí sine vulnere? en suffosio oculorum? nonne his qui commorantur in vino et student calicibus epotandis?
[12] Sa ibang Provincia,i, taong ang tauag
[13] Luc. 21 v. 34
[14] S. Basil.
[15] Qui amat vinum ... non ditabitur. Prov. 21. 17
[16] Levavi oculus in munte unde veniet auxilium mihi. Sal. 120 v.1
[17] Docé me facere voluntatem tuam, quía Deus meus tú
[18] Sicut oculi ancilae in manibus dominae suae ita oculli nostri ad dominum donec misereatur nostri, Psalm 122. 2
[19] Ad doninum cun tribularer, clamivi et exaudivit me Psal. 119.
[20] Effundo conspectu ejus orationem meam tribulationem meam ante ipsum pronuntio. Psalm, 141 v.2
[21] Illumina sculos meus ne unquam obdormian in morte, ne quando dicat inimicus meus praevalui adversus eum.
[22] Ad dominum cum tribularer clamavi et exaudivit me Psal. 119
[23] Laudate nomen ejus quoniam suavis est Dominus Psal. 99 v.4
[24] Ecl. 48 v.22 Exp.
[25] Qui amat periculum in illo peribit.
[26] Omnia quae delinquerint filii de parentibus requirentur. Orig: lib 2. in Job.
[27] Feliza tibi sunt, serva corpus illarum et non ostendas hilarem fociem tuam ad illas. Ecc. 7 v.26
[28] Filiae tibi sunt, serva corpus illarum et non ostendas illarem faciem tuam ad illas. Eccl. 7. 26.
[29] Nequitia mulieris immulat faciem ejus. Eccl. 25. 24.
[30] Thim. 5. v. 4.
[31] Arb, lib, 5. c. 11
[32] Gen. c. 34
[33] Arb, Lib, 4. c. 24 de la fam. regi
[34] Arte languorem adhibe medicinam
[35] Collaudado te, Deum Salvatorum meum, quoniam adjutor et protector factus es mihi: et liberatis corpus meum perdítione. Eccl. c. 51
[36] Militia est vita hominis super terram, Job. 6. v. 1
[37] Excre vires, ferocifer dimica atrocier in praelio esto esucerta. Serm. Joan Christ. de Mart.
[38] Ang confesor na cay Urbana ay pumapatnugot sa paggaua nang cabanalan.
[39] Ito,i, isang casulatan na ang bansag ay Casamiento perfecto. Sayo de And.
[40] Par pari jungatur conjux.
[41] Non arabis in bove et osino. Deut. 22. 10
[42] Conffidit in ea cor viri sui. Prov. 31
[43] Uxor nimis pulchra res est suspiciones pleno.
[44] Horat. Sat. 1. 1.
[45] Tempus acquirendi, et tempus perdendi, tempus custodiendi et tempus adjiciende. Eccl. 3. 6.
[46] Spiritus querentium Deum quaeritur et in respectu illus benedicetur. Ece Ecel. 34:14.
[47] Spes enim illorum in salvantes illos, et oculi Dei in diligentes se. Ibid. 15.
[48] Posuit eum in paradizo voluptatis ut operaretur. Gen. 2. 15
[49] ¿Mulierem fortem quis inveniet?
[50] Fallax gratia et vana est pulchritudo. Prov. 31.
[51] Confidit in ea cor viri sui. Ibid.
[52] Panem otiaso non comedit Ibid.
[53] Fortitudo et decor indumentum ejus. Ibid.
[54] Multae filiae congregayerunt divitas tu supergressa es universas. Ibid.
[55] Nobilis infortis vir ejus, cuando sederiz cum senatoribus ferrae Ibid.
[56] Surrexerunt fillii ejus, et beatissimam predicovrentu vir.
[57] ¿Mullerem fortem quís niveniet? Procul et de ultimis finibus pretium ejus. Ibid.
[58] Mulieris bonae beatus vir. Eccl. 26. 1.
[59] Mulier bona debitor viro pro factis bonis. Ibid. 3.
[60] Preparación de la muerte.
[61] Quaerite primum regnum, Dei et omnia adjicientur vobis.
[62] Adolescentulus sum ego et comptemptus; justificationes tuas non sum oblitus. Psal. 35.
[63] Et erunt duo in carne. Gen. 224.
[64] Ade viro non invenievatur ad adjutor similis ejus, Gen. 2. 20.
[65] San Agust in Joan. Traot
[66] In lege autem Moyses mandovid nobis hujusmodi lapidare Joan 8: v. 5
[67] L. 5. 5. ff. de quaest
[68] Justin ni Auth. sed hodie C. ad. leg. Jul. de adulter.
[69] L. 15 t. 17. p. 7.
[70] L. 1. t. 7. lib. For Log, L. 1. t. 20. 1. 8. R. C. et. ibid.
[71] C. 6. h. t.
[72] Adulterus judicabit Deus.
[73] In qua mensura matieritis, ita remetietur vobis.
[74] Vir est caput mulieris.
[75] Compañera os daremos y no sierva.
[76] Hortus conclusus, fons signatus.
[77] Terminum posuisti quem non trasgredientur, neque convertentur operire terram.
[78] A nadie después de Dios ha de amar mas ni estimar mas la muger que á su marido ni el marído mas qui a su muger. Rit
[79] Reliquet homo patrem suum et matrem, et adherebit uxori suae: et exeunt duo in carne una. Gen. 2. 24.
[80] Quos Deus conjunxit, homo non separet.
[81] Y asi proconren agradar en todas las cosas, que no contradicen á la piedad cristiana. Rit.
[82] In promt
[83] Claret en sus avisos muy utiles para las casadas.
[84] Ad negligentian patris refertu: disolutio filiorum.
[85] Cobooa,t, calinisan nang cotauan ang cahulugan nang uicang virginidad.
[86] Hi sequuntur. Agnum quocumque ierit. Apoc, 143.
[87] Et coutabant quasi conticum novum ante sedem et nemo poterot diceric couticum nisi illa cetum quadragiuta quatuor mill.
[88] Focieutibus quod est in se Deus non denegat ulteriorem gratiam.
[89] Timenti dominum non ocurrent mala sed intentationemo Deus illum conservabit a molis. Ecci. 33 1.
[90] Ego "Valerianae in Angeli tutela sum, qui virginitatem meam custodit." Brev, Rom. 22. Nov.
[91] Sicut ilium inter spinas.
[92] Nolite Sanctum dare canibus; neque mitatis margaritas vestras aute porcos.
[93] Numquid considerati seruvm meum Job, Quod non sit et in terra similis homo simplex et rectus ae timens Deum et eecedens á malo. Job. 1. 8.
[94] Bonum est mulierem non tangere. 1. Cor. 7. v. 1.
[95] Virgo sit virginis ouditus, visus, gustus et tactus motusqui omnis.
[96] Melius est nubere quam uri.
[97]........2. Cor. 13.
[98] ¿Sed quis est hic laudabimus eum? S. Alfons de Lig.
[99] Dominus est: quod bonum est oculis suis faciat. 1 Reg. 3 v 18
[100] Dum sumus in corpore, peregrinarum a Domino Ad Cor. 2 v 6.
[101] Laetatus eum in hiu que dicta sunt mihi, in domum Demini ibimus. Ps. 121 v. 1
[102] Momor ero vestri ante Deum.
[103] Sacramentum charitatis pignus. Opuse 68.
[104] Quid retribuan Domino pro omnimus que retribuit mihi Ps. 136 v 3.
[105] Ce icem salutaris accept.
[106] Laudans invocabo Dominum et ab inimicis meis salvus ero.
[107] Benedic anima mea, Domine et omnia que intra me son nomine sancto ejus It 102 v. 1
[108] Benedic anima mea. Domino et noli oblibisci omnes retributiones ejes Ibid.
[109] Qui propitiatur iniquitatíbus tuis qui sanat omnes infirmitates tuas. Ps 102 Ibid.
[110] Benedicite Domino omnia opera ejus in omni loco dominationis ejus, benedic, anima mea Domino Ps. 102.
[111] In mus tuos commendo Spiritu meum redemisti me Domine Deus varitotis Ps. 20 v. 6.
[112] Et miserecordia ejus a progenie in pregeniez timentibus eum. Luc. 1.
[113] Omnibus autem diebus vitae tuae in monte habete Daum et cave ne aliquando peccato concentias. Thob. c. 1. v. 6.
[114] Sidut servus desirat ad fontes aquarum, ita desiderat anima mea ad te Deus. Ps. 113 v. 1
[115] Certus sum quod pró nobis aures divinas tua virginales oratio. De vita S. Florent.
[116] Deus consolator animarum.
[117] Dominus dedit Dominus abstulit sit nomen Domini benedicto Job. c. 11.
[118] Melius est ire ad domum lucus quam ad domum convivii.